Nandito na ako sa shop ngayon. Parang wala ako sa sarili. Nakakahiya. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina.
-------------------FLASHBACK---------------------
Mahigpit ang pagkakayakap ko kay Khalil at di alintana ang paligid at luha sa aking mga mata.
"Chuchay, ayos ka lang?", tanong nya at kakawala sana sya sa pagkakayakap ko ngunit mas lalo ko pa itong hinigpitan.
"Ayos lang ako. Ayos na ayos ako basta nandito ka sa tabi ko", sambit ko.
Maya-maya ay marahan na rin akong kumawala sa pagkakayakap sa kanya. Pinagmasdan nya ang aking mukha at hinawakan ang aking mga pisngi.
"Chuchay", aniya sabay punas sa aking mga luha at muling hinawakan ang aking mg pisngi. "Dito lang ako sa tabi mo. Hindi kita iiwan. Pangako yan".
Ngumiti ako at magsasalita na sana nang biglang dumating si Leith.
"Maam Chuchay?".
Agad akong napatingin sa kanya at napaalis ng mukha sa pagkakahawak ni Khalil.
"O-oh Leith, ikaw pala?! M-mabuti naman wala ka ng sakit. Chineck ko lang kung ok pa ba yung deliveries natin kaya ko nandito. Baka kasi nahirapan si Khalil mag-isa", paliwanag ko.
"P-pero po.. nakita nyo po kong pumasok kaninang umaga", pagtataka nya.
Nanlaki ang mga mata ko sabay hawak sa batok. "H-ha? A-ahh! Oo! N-nakalimutan ko lang. Masyado na kasi akong stressed eh. Pero sige, mag deliver na ulit kayo. Mauuna na kong bumalik sa shop. Magkita na lang tayo dun".
I gave a constrained smile and turned. Pipigilan pa sana ko ni Khalil pero binilisan ko na lang ang paglakad ko.
-------------------END OF FLASHBACK---------------------
Aarrgh! Shocks, Chuchay! Kahihiyan!
Napakaltok pa ko sa sarili. Napaangat naman ako ng ulo nang tumunog ang chime. Para kong nanlambot nang makitang sina Khalil pala ang papasok.
Umupo agad ako at nagtago sa desk. Pinakikiramdaman ko ang paglapit nila. Sumisilip-silip at dahan-dahang naglalakad paupo papunta sa cr.
Malapit na sana ako nang biglang may magsalita sa likod ko.
"Chuchay?".
"Ay cr!", gulat kong sabi at napaupo sa sahig.
"Anong ginagawa mo?", tanong ni Khalil. Patay na!
"H-ha? A-ako?", sabi ko at tinignan ang sarili. Ngumiti ako at tumayo. "N-naghahanap".
"Ng?".
"Ng.... Ng pakaw! Nalaglag kasi yung ano eh. Yung pakaw ng hikaw ko. Kaya ayun, hinahanap ko sya hehe", sabi ko pa at pilit ngumiti.
"Eh wala ka namang suot na hikaw?", aniya.
Napahawak ako sa tenga ko at wala nga kaya napakagat ako sa aking ibabang labi.
"Ay.. Wala pala.. Pakiramdam ko kasi may nalaglag ako kanina eh" sabi ko pa at pinilit tumawa kahit sa loob-loob ko ay gusto ko nang malamon ng lupa.
"Sya nga pala, Chuchay. Tungkol dun sa nangyari kanina--".
"Ah, oo, ayun! Kanina kasi ganito yung nangyari. Wala ako sa sarili ko nun kasi yung kaibigan ko, ano, nawalan ako ng kaibigan. Kaya natakot lang siguro ako. Pero wala yun. Kalimutan mo na yun. Wag mo na isipin. Kunware na lang hindi nangyari".
YOU ARE READING
Green String
Fantasy"Minsan naisip ko, sana naging normal na lang din ako. Sana hindi ko na lang nakita yung berdeng sinulid dyan sa daliri mo. Edi sana hindi naging ganito kasakit. Kasi alam kong una palang, hindi na 'ko sayo lalapit", nakangiti kong sabi habang nakat...
