3rd String

19 1 0
                                        

"Ano?!", sigaw nya dahilan para matauhan ako.

Napailing at kurap pa ako bago makapagsalita.

"Wag kang aalis, dito ka lang. Antayin mo ko", sabi ko sa kanya at nagtangkang tumakbo pero hinawakan nya ko.

"Ano?!".

"Hintayin mo ko dyan. Kailangan mo pa akong ihatid sa airport", sabi ko at inalis ang kamay nya sa pagkakakapit sa akin bago tuluyang tumakbo.

"Hoy?!".

Hindi ko na sya pinansin at tuluyang tumakbo papasok sa restaurant. Nang makita doon si Jerard, agad kong inabot sa kanya ang eco bag at nagbayad para sa lunch na mukhang hindi din naman makakain. Yung totoo Chuchay? Nagiging hobby mo na ata ang mag sayang ng pera?

"Teka, Miss, sandali", pag tawag pa nya.

"Enjoy your day!", sabi ko habang kumakaway kahit hindi nakalingon sa kanya.

Kailangan kong mapigilan si Quinn sa pag alis. Kailangan ko syang maabutan sa airport.

Kahit naguguluhan ako kung ano ang ibig sabihin ng green string na kumokonekta samin ng lalaking yon at kung bakit meron pa syang red string sa daliri, kailangan ko munang unahin ang misyon ko.

Buti na lang at nakatayo parin sya don. Masunurin din pala ang mokong na toh.

Agad akong tumungo sa kotse nya at binuksan iyon.

"Oh teka--".

"Buti na lang di ka umalis. Tara na, dalhin mo ko sa airport", sabi ko at pumasok sa kotse nya.

"Miss--".

"Babayaran kita! Kaya please, bilisan mo na! Kailangan kong maabutan si Quinn", sabi ko habang sinusuot ang seat belt.

"Ano?!", sigaw ko dahil nakatayo parin sya doon.

Napapikit sya. Mukhang nainis sya pero wala syang nagawa kundi sumakay na lang din at ipagmaneho ako.

"Miss, mukhang--".

"Kuya, pwede ba? Mamaya mo na ko interviewhin. Bilisan mo na lang yung pagmamaneho mo. Kailangan kong makaabot. Babayaran naman kita eh", pagmamadali ko sa kanya kaya mukhang mas lalo syang nainis.

Magsasalita pa sana sya pero inunahan ko na sya.

"Three thousand", sabi ko. Kailangan ko ng itodo 'to. Hindi ako pwedeng mabigo.

Napalingon pa sya sakin dahil sa halagang sinabi ko. Napakurap pa sya ng dalawang beses kaya naman nilakihan ko sya ng mata na para bang nagsasabing bilisan na nya magmaneho.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami ng airport. Maswerte't nahagip agad ng mga mata ko si Quinn. Mabilis kong tinanggal ang seat belt at bumaba ng kotse.

"Miss, sandali!".

"Babayaran kita pag balik ko!", sigaw ko habang tumatakbo. May sinabi pa sya pero hindi ko na rin inintindi.

Nagpatuloy ako sa pag takbo at agad na lumapit kay Quinn.

"Q!", ika ko.

"Oh? Akala ko wala ka ng balak makita ako", saad nya.

"Hindi, Q.. Nandito ako para pigilan kang umalis--".

"Chuchay, makakapag usap pa naman tayo eh. Tsaka ayaw mo ba 'to? Magiging successful na rin ako gaya nyo ni Jenna. Handa na ang lahat. Masyado nang late para magbago pa ko ng isip, diba?".

Green StringWhere stories live. Discover now