2nd String

23 3 3
                                        

Years passed, magka hiwalay kaming tumanda ni Jenna. Nag stay na sya sa China at naging teacher doon habang ako, nagpapatuloy sa pagpapa takbo ng negosyo at tungkulin ko.

Hindi na mabilang sa mga daliri ko kung ilang tao na ang napagtagpo ko at sobrang laking kaligayahan ang dulot nito sa akin.

Kahit hindi ko pa nararanasang mag mahal, marami na akong alam at natutunan tungkol dito. Isa yun sa mga rason kung bakit masaya akong nakakatulong sa kanila, para sa oras na makita ko na ang taong may suot ng kadugtong ng string na nakakabit sa daliri ko, eh alam ko na ang gagawin ko.

🍃🍃🍃

"Chuchay!", bati ng isang babae.

Nilingon ko ito at nakita ko si Quinn. Kapitbahay ko si Quinn at masasabi kong pareho kami ng estado sa buhay.

Mag isa na lang din syang nakatira sa bahay nila. Mula nung mamatay ang mga magulang nya, nag kanya kanya na ng buhay ang mga kapatid nya.

"Q, ikaw pala!", bati ko naman pabalik. "Ayos na ayos ah? San ang punta mo?".

"Baka ibig mong sabihin, punta nating dalawa?", aniya.

Natawa sya nang mapuno ng pagtataka ang mukha ko.

"May tao naman sa shop mo ngayon noh? Halika muna. Sama ka sakin", sabi nya pa.

🍃🍃🍃

"Ano ba talagang ginagawa naten dito?", tanong ko.

Dinala nya ako sa isang mall. Hindi ko alam nung una kung san nya ko dadalhin kaya nag jeans at t-shirt lang ako habang naka skirt at long-sleeves naman ang isang toh.

"Pumili ka lang ng kahit anong gusto mo, ako ang magbabayad", she giggled.

"Ha?", pagtataka ko pa. "Hindi ko naman birthday? Wala din namang okasyon?".

"Psshh. Kailangan ba ng okasyon pag magt treat ng kaibigan?", sabi naman nya.

"Eh kase eh... Alam ko na! May hihingin kang pabor sakin noh?".

Sinamaan nya ko ng tingin.

"Grabe ka naman? Ganon talaga tingin mo sakin?", sabi nya.

"Hoy, biro lang!", sabi ko at tinapik sya. "Ano ba kasi talagang meron?".

"Ok, fine", sabi nya at humanda sa pagkkwento. "Aalis na kasi ako, sa makalawa, kaya gusto ko mag bond tayong dalawa. Gusto kitang ilibre kasi ikaw yung iniyakan ko nung mga panahong down na down ako".

"Teka, aalis? San ka naman pupunta?", tanong ko.

"Sa Malaysia. May nag alok kasi sakin ng trabaho. Naisip ko, since dun naman na ko magt trabaho, edi dun na lang din ako mag stay, for good. Kaya nga gusto kita maka bonding eh. Baka ito na din kasi yung maging last. Pero malay mo naman..".

"Seryoso ba yan?".

"Oo, loka!".

"Anong sabi nung mga kapatid mo?".

"Ayon, bahala daw ako sa buhay ko. Malaki na daw ako at may sariling pag iisip blah blah blah. Nako, wag ka na ngang matanong. Mamili ka na ng gusto mo", sabi nya.

Green StringWhere stories live. Discover now