Alas nuwebe na ng umaga. Nandito na ako sa shop. Maraming tao rito kanina kaya nagtungo agad ako pero ngayon ay humupa na. Hindi pa ko nag aalmusal kaya binalak kong lumabas para bumili.
Bibilinan ko na sana si Sammie na lalabas ako pero pansin kong napakalawak ng ngiti nito habang nakahawak sa phone nya.
"Hmm.. Mukhang napakaganda ng araw mo ngayon ah?", panunukso ko.
"Oumm", tango nya habang nakangiti. Napangiti rin ako pero biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. Mukhang napagtanto nyang kausap ko na sya.
"M-maam Chuchay", aniya sabay tago ng cellphone ng sa likod. "S-sorry po.. K-kanina pa po ba kayo dyan?".
Mukhang kabadong kabado sya. Ngumiti ako para hindi na sya kabahan.
"Ano ka ba? Bat ka nags-sorry?", sabi ko.
"K-kase po... Gumagamit ako ng phone kahit working hours.. Sorry po talaga, Ma'am", nakayuko nyang sabi.
"Sus. Ok lang, wala naman masyadong costumers ngayon eh. Tuloy mo lang yan. Maganda nga yan eh. Nakakahawa yung ngiti mo", sabi ko.
Napahawak sya sa kanyang labi at parang nagpipigil ng ngiti.
"Ah, lalabas nga pala muna ko sandali para mag almusal. Kayo ba nagsikain na?", tanong ko naman.
"Opo, maam. Tapos na po. Kami na po muna ang bahala dito. Enjoy your breakfast, Ma'am", sabi naman nya kaya tinanguan ko na lang.
Hmm.. Ano kayang pwedeng kainin?
Naglakad lakad ako para magtingin ng makakain. Medyo nagsasawa na rin kasi ako sa paulit ulit kong ginagawa. I want to try new things.
Sa paglalakad ko, may napansin akong labis na pumukaw ng atensyon ko. Isang aleng nakapamewang na parang pinagagalitan ang kausap nya.
"Hindi mo ba nakita yung nakasulat? Ayan oh, ang laki laki. Bawal. Pumitas. Ng. Bulaklak. Dito!", aniya habang tinuturo ang nakasulat sa karatulang nakapaskil sa may gate ng bahay nya.
Napatingin ako sa kausap nya. Isang matandang lalaki. I think nasa 60+ na ang age nya. Tas etong nanenermon sa kanya, parang mga 50 lang. Grabe!
"P-pasensya.. Palagay ko kasi'y tiyak magugustuhan iyan ng aking apo--".
"I don't care. Kung gusto mo ng bulaklak. Magtanim ka. Hays! Sinisira mo ang umaga ko. Dyan ka na nga!", sabi nya at pumasok na sa loob ng bahay.
Naiwan sa labas ang nakayukong lolo. Kawawa naman sya. Gusto lang naman nya ng bulaklak eh. Grabe naman tong ale na toh.
Lumapit ako sa kanya. Pansin kong malungkot sya. Gusto kong pagaanin ang loob nya.
"Hi, lolo! Good morning po!", bati ko.
Marahang iniangat ni Lolo ang ulo nya. Pilit rin syang ngumiti. "Magandang umaga rin, Hija".
"Uhmm.. Lolo, gusto nyo po ba ng mga bulaklak?", tanong ko.
"Ah, nais ko lamang sanang bigyan ng regalo ang aking apo. Paborito nya kasi ang pulang rosas", sabi naman nya.
"Talaga po? Naku! Magaling pumili ng bulaklak ang apo nyo, Lolo", bungisngis ko naman.
"Kung gusto nyo po, sasamahan ko po kayong mamitas ng mga bulaklak. Ok lang po ba sa inyo?", nakangiti kong tanong.
Umaliwalas ang mukha nya. "Talaga, Hija?".
Nakangiti naman akong tumango. Naglakad kami ni lolo pabalik sa shop. Gusto ko syang bigyan ng red rose para mairegalo nya sa apo nya. Habang naglalakad pabalik ay nagkwento sya.
BINABASA MO ANG
Green String
Fantasy"Minsan naisip ko, sana naging normal na lang din ako. Sana hindi ko na lang nakita yung berdeng sinulid dyan sa daliri mo. Edi sana hindi naging ganito kasakit. Kasi alam kong una palang, hindi na 'ko sayo lalapit", nakangiti kong sabi habang nakat...
