"Eh magkalapit lang naman yung Lisa sa Alyssa ah? Kayong mga babae, napaka paranoid nyo talaga".
"Eh basta! May iba kong naf feel. Tsaka, hindi sila ang magka red string! Yung lalaking kasama ni Alyssa kanina, yun yung lalaking para sa kanya".
"So anong gusto mo? Pagb breakin natin yung dalawa?", ngisi nya.
"Hindi ko alam.. Pero mag iisip ako ng plano", sabi ko sa kanya.
Maya maya pa ay lumabas na ng milk tea shop yung dalawa. Mukhang hindi sila masaya parehas. Halatang pilit ang ngiti ni Alyssa habang kumakaway palayo sa boyfriend nya.
"Halika", sabi ko.
"Saan?", tanong naman nya.
"Sundan natin si Alyssa".
"Ha? Diba dapat yung lalaki yung susundan natin?".
"Basta makinig ka na lang!".
Lumabas kami ng kotse at sinundan namin si Alyssa. Umupo sya sa isang back-to-back bench.
"Halika, upo tayo don", sabi ko habang tinuturo ang kabilang upuan kung nasan si Alyssa.
"Ayoko nga!".
"Halika na!", sabi ko at hinigit sya paupo don.
Maya maya ay dumating na ang lalaking kasama nya kanina at tinabihan sya. Nakatulala lang si Alyssa at tila hindi niya naramdaman ang presensya ng kaibigan niya.
"Seb? Anong nangyari? Ayos ka lang?" tanong nung lalaki. Parang bigla namang bumalik si Alyssa sa kaniyang ulirat.
Hindi siya sinagot ni Alyssa at kusa na lamang tumulo ang luha nito. Nakita ko ang pagpapanic sa mukha nung kaibigan niya. Agad niyang niyakap si Alyssa. Pinapatahan niya ito.
"Seb, hindi ba ako sapat?" wala sa sariling bulong ni Alyssa sa kaibigan niya.
Bumitaw ang kaibigan niya sa yakapan nilang dalawa. "Ano ba 'yang sinasabi mo? Sapat ka sa taong nararapat para sa'yo."
"Tigilan mo na nga 'yang kakaiyak mo. Ang pangit mo, para kang batang inagawan ng candy." Pang-aasar pa nung kaibigan niya.
Sumimangot naman si Alyssa ngunit sa huli ay tinawanan niya na lang din ang biro ng kaibigan niya.
"Ano bang nangyari? Bakit bigla kang nagdadrama rito. Akala mo ba uulan tapos may darating na knight in shining armor na papayungan ka. 'Wag ka nang umasa, ang init ng sikat ng araw oh, nasobrahan ka lang sa kdrama."
"Sira! Kung ano-ano na yang pinagsasabi mo. Kung ako nasobrahan sa kdrama, ikaw nasobrahan sa kadaldalan", saad ni Alyssa
Tumawa naman ang kaibigan niya. "Pero seryoso nga, may problema ba?", nag-aalalang tanong ng kaibigan niya.
Tumawa si Alyssa ngunit halatang peke ito. "Hindi ko alam, hindi ko na alam".
Nangilid ang luha sa mata ni Alyssa. "Ang hirap magmahal ng taong may minamahal na iba". Nakatitig sa kawalan si Alyssa habang pinupunasan ang mga luha niya.
YOU ARE READING
Green String
Fantasy"Minsan naisip ko, sana naging normal na lang din ako. Sana hindi ko na lang nakita yung berdeng sinulid dyan sa daliri mo. Edi sana hindi naging ganito kasakit. Kasi alam kong una palang, hindi na 'ko sayo lalapit", nakangiti kong sabi habang nakat...
3rd String
Start from the beginning
