"Eh pano kung meron na? Dapat may oras at araw tayo. Pano kung may kailangan akong gawin?".
"Eh pano kung urgent?".
Patuloy lang kami sa pagtatalo ng mga 'pano kung' namin hanggang sa mapahinto ako. Nakakita kasi ako ng isang babae at isang lalaking naglalakad.
Masaya silang nag aasaran kaya napangiti din ako. Maya maya ay kumaway na sila sa isa't isa. Pumasok ang babae sa loob ng shop at parang kumakaway sakin.
Lumapit ito sa kinakawayan nya. Yun pala ang taong nasa likod ko. Mukhang pamilyar ang itsura ng lalaking iyon. Parang regular costumer ko ata?
Agad kong nilingon ang lalaking kasama kanina ng babae. Malungkot itong naglakad papalayo. Kitang kita ng mga mata ko ang red string na kumokonekta sa kanila ng babaeng toh.
"Hoy, nakikinig ka pa ba?", sabi ng lalaking kausap ko.
"May una na tayong target", ngiti ko.
🍃🍃🍃
"Bobby, kanina ka pa?", tanong ng babae.
Buti na lang nasa likuran lang namin sila kaya napakikinggan ko ng maayos ang usapan nila.
"Hindi naman..", sagot naman nung lalaki. "Sya nga pala, umorder na ko".
"Ahh.. Ganon ba? Sige, ok lang", bungisngis naman nung babae.
"Number 26!", sabi nung isang babae.
"Kunin ko lang order natin", sabi nung Bobby at pumunta dun sa babae para kunin ang order nila.
"Ito", sabi nya sabay about don sa babae.
"C-chocolate?", takang sabi nung babae. "Strawberry ang favorite ko...".
"H-ha? S-sorry Lisa.. I mean, Alyssa...", sabi ng lalaki. Parang wala sya sa sarili nya. "Papapapalitan ko na lang...".
"Hindi, ok na toh. Ayos din naman ang chocolate", nakangiting sabi nung babae.
"Sya nga pala", sabi nya at parang may kung anong kinukuha mula sa upuan nya. "Flowers for you...".
"Aww.. Alam na alam mo talaga kung pano ko pasasayahin", sabi nya habang kinukuha ang carnation bouquet mula kay Bobby. "This is my favorite!".
🍃🍃🍃
Nasa loob kami ngayon ng kotse. Dito na namin inubos ang milk tea para makapag usap ng mas maayos.
"Yung lalaking yon. May kakaiba sa kanya... Regular costumer namin sya at chrysanthemum yung flower na lagi nyang binibili", sabi ko.
"Oh?".
"Anong oh? Nakita mo naman diba? Carnation yung binigay nya dun sa girlfriend nya. Ibig sabihin, may iba pa syang babaeng pinagbibigyan ng bulaklak".
"Malay mo naman nanay nya lang.
"Tinawag nya pa sa ibang pangalan yung girlfriend nya".
VOCÊ ESTÁ LENDO
Green String
Fantasia"Minsan naisip ko, sana naging normal na lang din ako. Sana hindi ko na lang nakita yung berdeng sinulid dyan sa daliri mo. Edi sana hindi naging ganito kasakit. Kasi alam kong una palang, hindi na 'ko sayo lalapit", nakangiti kong sabi habang nakat...
3rd String
Começar do início
