Umiling iling sya habang nakangisi.

"Miss, hindi lahat ng bagay madadale ng pera. Isa pa, wag mong sayangin yang buhay mo sa pangengeelam ng buhay ng iba. Mind your own business at ganon din ako".

"Pero yun na yung naging buhay ko. Sa loob ng anim na taon, gumagawa ako ng paraan para magkatuluyan yung mga taong itinakda para sa isa't isa and you don't know how happy I am sa tuwing napagtatagumpayan ko yun".

"Pero miss--".

"I don't have a car and I don't know how to drive. Nahihirapan na rin akong mag isa. Ikaw lang yung alam kong makakatulong sakin kasi ikaw lang at ako ang tanging nakakaalam nito".

"Sorry, pero hindi kita matutulungan", sabi nya.

Kahit gusto ko parin syang kulit in, alam ko ang limitasyon ko. Pinilit kong ngumiti pero hindi ko maikubli ang pagkadismaya ko.

Naisip kong baka sya na ang ibinigay ng tadhana para tulungan ako lalo pa't konektado kami ng berdeng sinulid na ito. Gusto kong malaman kung ano ang ibig sabihin nito at kung bakit may red string parin na nakatali sa daliri nya.

"Sorry den, sa pangungulit ko... Ok lang, sige. Kaya ko na toh mag isa. Sana lang wag mong sabihin sa iba yung nalaman mo tungkol sakin... Salamat.. Pasensya na sa abala", sabi ko saka bumaba ng sasakyan nya.

Huminga ako ng malalim bago maglakad. Hindi pa man ako nakakalayo ay binusinahan na nya ako agad.

Napaharap naman ako sa kotse nya. Nagtaka ako nung sinenyasan nya akong lumapit sa kanya. Anong problema nito?

Nagtataka akong lumapit sa bintana ng kotse nya. Binaba nya iyon at humarap sakin.

"Pano ba kita matutulungan?".

🍃🍃🍃

Nandito kami ngayon sa isang milk tea shop. Sobrang saya ko sa pagpayag nya kaya nilibre ko sya ng milk tea. Tsaka para din mapag usapan namin kung pano kami magwowork together.

"Oh", sabi nya habang inaabot ang milk tea na inorder ko.

"Salamat!", masaya kong sabi.

Inalog ko ito bago tinusok ang straw sa pinakadulo ng takip. Napatingin sya sakin at mukhang nagtataka. Napangiti lang ako.

Sanay kasi kami ni Jenna na naghahati sa isang milk tea. Laging large ang size na inoorder namin at dalawang straw at sa magkabilang dulo kami sumisipsip dalawa.

"So pano na pala tayo?", tanong nya.

"Ayy, may tayo?", biro ko.

"Sabi ko na nga ba at maling desisyong binusinahan pa kita", sabi naman nya.

"Eto naman, joke lang eh", sabi ko naman. "So.. Una sa lahat, walang ibang dapat makaalam nito".

"Oo, na. Paulit ulit ka naman eh".

"Ok, ok. Hmm, since ako ang amo mo at ako ang nakakakita ng mga strings, sa akin ka susunod. Tatawagan kita pag may nakita akong karapat dapat na couple na pagtagpuin".

"Pano kung busy ako?".

"Ano bang pagkakabusyhan mo? Wala ka namang ibang trabaho diba?".

Green StringDonde viven las historias. Descúbrelo ahora