"I always wear new clothes kase", I smirked.

Nakita ko syang nagpipigil ng tawa. I hate it. Argh!

"So, asan na ang phone ko?", tanong ko habang nakapamewang.

"Nasan muna ang bayad mo?", sabi nya at inilahad ang kamay.

Napailing ako habang umiirap. Kumuha na ako ng pera sa wallet ko at binigay sa kanya.

Ako naman ang naglahad ng kamay ko para kunin ang phone ko pero nang malapit ko na itong makuha ay hinigit nya ulit ito pabalik. Napangisi naman ako sa ginawa nya. Ano bang trip nito?

Ipinalo palo nya ang phone ko sa palad nya habang naglalakad-lakad. Ayos toh ah?

"So totoo ngang nakakakita ka ng red strings?".

Agad akong napalingon sa kanya dahil sa sinabi nya.

"A-ano? Binasa mo ang diary ko?!", sabi ko ng may malakas na tono habang pilit inaabot ang phone kong nilalayo nya.

"I was trying to figure out kung san ka nakatira kaya ayun, nag try akong magbasa basa ng mga kung ano ano--".

"How dare you? Didn't your parents tell you about not reading someone's diary?!".

"Didn't your parents tell you about not riding someone's car?", panggagaya nya. Argh! Naaalibadbaran na ko dito sa lalaking toh.

Pumunta ko sa pinto ng passenger's seat ng kotse nya at sinubukang buksan iyon pero naka lock.

"Open the car", sabi ko.

Tinaasan nya lang ako ng kilay.

"I said open the car!".

Binuksan na lang din nya ang kotse nya. Agad akong umupo at sinara ang pinto. Sinenyasan ko din syang pumasok kaya ginawa naman nya.

"San mo naman gustong pumunta ngayon--".

"Listen carefully..", seryoso kong sabi. "May iba ka na bang sinabihan tungkol dito?".

"Saan?".

"Sa ability ko?".

Natawa sya sa sinabi ko.

"Anong nakakatawa?", tanong ko naman.

"Do you think pagkaka interesan ko yan?", he smirked.

"Basta sagutin mo na lang yung tanong ko".

"Wala akong pinagsabihan dyan. I don't even care about that kaya kumalma ka", sabi nya at inilihis ang tingin.

Hindi ko napansing masyado na pala akong malapit sa kanya. Umayos ako ng pagkakaupo at nag isip. Mukha namang totoo ang sinasabi nya pero hindi ko pwedeng hayaan lang toh.

Ilang taon kong tinago ang abilidad kong toh. Kahit kay Jenna, sinekreto ko toh. Sya lang ang tanging nakakaalam nito. Kailangang may gawin ako para makasiguradong hindi nya ipagsasabi ang tungkol dito.

"You told me you got fired, right?", tanong ko.

"Yeah".

"I'm going to hire you", sabi ko naman.

"Hire as what?".

"Driver? Assistant? Anything! Gusto kong tulungan mo kong pagtagpuin ang lahat ng mga taong itinadhana. Help me to help those who are connected with the red string".

Ngumisi sya. "Are you insane?".

"Five thousand every couple na mapagm meet na naten?".

Green StringWhere stories live. Discover now