"Eh kasi sa pagkakaalala ko, parang may nabanggit sya sakin about gardening kaya sinubukan kong tawagan tong number na toh", sabi naman nya.
Lumunok pa ko bago nagsalita muli. "Ahhh... Mmm.. M-maganda ba sya sir?".
"Hmmm.. Sa totoo lang.. Mukha syang manang".
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Ano daw?! Mukha kong manang?!!
"Ah- D-di bale na nga lang--".
"Ayy! Teka teka!!", sabi ko at winawasiwas pa ang kamay na para bang nasa harap ko lang ang kausap ko.
"Ako toh! Yung MAGANDANG babaeng nakaiwan ng phone na hawak mo. Yung babaeng nilaitlait mo!!", pagdidiin ko.
Narinig kong parang nagpipigil sya ng tawa kaya mas lalong kumulo ang dugo ko.
"Magkita tayo mamaya kung san tayo unang nagkita. Ibibigay ko na rin yung bayad ko sayo", pagtataray ko.
"O-o-okay", alam kong nagpipigil sya ng tawa kaya di nya masabi sabi yung sasabihin nya. Bwiset sya!
Matapos kong ayusin ang ibang bagay sa shop. Binilin ko na iyon sa mga tauhan ko at sa aking assistant bago umuwi sa bahay.
Pagdating doon ay naghanap ako pinakamagandang damit. Napili ko ang bagong bili sakin ni Quinn. Naglagay din ako ng make up at nag kulot ng buhok. Pinaliguan ko rin ng pabango ang sarili.
"Mukha palang manang ha? Tignan ko lang kung hindi ka mapanganga mamaya!", sabi ko habang nakatingin sa salamin.
Nang ayos na ang ang lahat ay dali dali akong tumawag ng taxi at nagtungo sa restaurant na malapit sa pinagkakitaan namin.
Tila may kumikiliti sa tiyan ko nang pumasok sa isip ko na dati naming tagpuan yung lugar na pupuntahan ko ngayon. Napatigil ako sa paglalakad at sinampal ang sarili ko. Ano ba 'yang pinagiisip mo Chuchay, nakaksuka!
Huli na nang mapansin kong pinagtitinginan ako nung mga tao. Nakakahiya! Inakala siguro nila may sira ako sa ulo dahil sinampal ko ang sarili ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nahihiyang itinago ko ang aking mukha sa nakalugay kong buhok. Ilang kahihiyan pa ba ang aabutin mo ngayon Chuchay?!
Nang makarating ako doon ay nakita ko na syang nakasandal sa kotse nya at nilalaro laro ang phone ko. Ang sarap nyang konyatan habang nakatalikod sya pero huminga na lang ako ng malalim at mahinhing naglakad papunta sa harap nya.
Pagdating ko sa tapat nya, I gave him a captivating smile. Pero nginisian nya iyon at umiling kaya biglang humaba ang nguso ko sa inis.
Bahagya nyang itinaas sleeves ng suit nya para tignan ang wristwatch nito.
"You're one hour late... Ugali mo talagang magpa delay ng mga bagay noh?", sabi nya sabay pasok ng kamay sa bulsa.
"Oh, sorry. I had to finish some stuff. Alam mo na, busy sa trabaho", binigyan ko siya ng pekeng ngiti.
He crossed his arms and walked around me. What's wrong with this guy?
"Kagaya ng pagpunta sa mall?", tanong nya pagdating sa harap ko.
Nagtaka ako sa sinabi nya. Bahagya nyang inilihis ang ulo na para bang sinasabing tignan ko ang aking likuran. Sinubukan kong tignan and oh shocks! May tag price pa sa likod ng damit ko. Argh!
Napalunok ako at pasimpleng tinanggal iyon.
"Ah- Kahapon ko pa toh nabili.. Nakalimutan ko lang tanggalin", sabi ko habang pinapakita ang kakatanggal ko lang na tag price.
YOU ARE READING
Green String
Fantasy"Minsan naisip ko, sana naging normal na lang din ako. Sana hindi ko na lang nakita yung berdeng sinulid dyan sa daliri mo. Edi sana hindi naging ganito kasakit. Kasi alam kong una palang, hindi na 'ko sayo lalapit", nakangiti kong sabi habang nakat...
3rd String
Start from the beginning
