"Lokong yon?! Bakit niya pa 'ko hinintay kung lalayasan rin naman pala niya ako? Anong trip non?!", inis na sambit ko sa sarili.
Napasabunot na lang ako sa sarili sa inis. "Argh! Bwisit!".
🍃🍃🍃
Ginabi na rin ako ng uwi. Dumiretso na ko sa bahay dahil alam kong sinara na nila ang shop. Agad akong napahiga sa kama sa pagod.
"Tatawagan nga pala ako ni Jenna ngayon", sabi ko sa sarili.
Kinapa ko ang bulsa ko para hanapin ang phone ko pero wala ito don. Tinignan ko din sa bag na dala ko kanina pero wala rin.
"Hala? Takte!", sabi ko pa sa sarili ko habang kabadong naghahanap.
Napaupo ako sa kama at napahawak sa noo habang inaalala kung saan ko maaaring nailapag ang cellphone ko.
Lumaki bigla ang mata ko nang maisip na baka sa kotse ng lalaking iyon ko naiwan ang phone ko.
"Putek ka talaga, Chuchay!", sabi ko sa habang gumugulong gulong sa kama at sinasabunutan ang sarili.
Kailangan kong mabawi ang phone ko! Kaya ko namang bumili ng bago pero may sentimental value ang phone ko na yun kaya kailangan kong mabalik yun sakin.
Kahit pagod ay pinilit kong lumabas at magpunta sa isang tindahan para makitawag.
"Sorry, the number you have dialed is unavailable right now. Please try again later".
Paulit ulit kong tinawagan ang number ng phone ko pero hindi ko ito ma contact. Baket?! Naka off ba ang phone ko? Binenta nya ba yun? Ginamit nya? Pinalitan nya ng sim? Argh! Mababaliw na ko kakaisip.
Hindi ko alam ang pangalan nya o kahit sa kung saan lupalop man sya nakatira. Hindi ko din maalala ang plate number nya. Pano ko naman yun hahanapin?
Kinabukasan, hindi ako mapakali. Hindi ako sanay na wala ang phone ko sakin. Hindi pa din ako nakakatawag kay Jenna mula kagabi.
Maya maya, biglang nag ring ang telepeno ng shop namin. Agad ko rin naman itong sinagot ng may maayos na pagbati kahit pa wala ako sa mood.
"Hi! Good morning! This is Jenna and Chuchay's Graden. How may I help you?", sabi ko pagka sagot ng tawag.
"Uhmm.. May nagttrabaho ba dyan na babaeng maputi tas payat? Ahh.. Medyo matangkad din sya tas mahaba ang buhok..", sabi nung lalaki sa kabilang linya. Abnormal ba toh?
"Po, sir?".
"Ah, de ano kasi, kahapon... May babaeng sumakay sa kotse ko tas naiwan nya yung phone nya..".
Sabi ko na eh! Naisip kong sabihin na ako yun pero, may naisip din akong magandang plano.
"Ahh, sir... Ano po bang masasabi nyo sa kanya? Like... Mabait ba sya, sir? Maganda? Mukhang matalino?", sabi ko habang pangiti ngiti.
Narinig kong parang nasamid sya sa sinabi ko kaya napairap ako.
"Kasi marami pong maputi at matangkad dito sa shop eh. Iba iba lang po ng ugali.. Kaya ko po tinatanong hehe".
"Uh.. Masungit sya tas bossy. Tas napaka maldita. Higit sa lahat, napaka careless nya. Tas pag nagkamali sya, isisisi nya sa iba. Tsaka sumasakay din sya sa kotse ng iba ng walang paalam".
Ako naman ang nasamid sa sinabi nya. Parang gusto kong lapirutin ang pagmumukha nya. Peke kong tinawanan ang sinabi nya.
"Ehehehe. Grabe naman sir.. Parang wala naman po kaming trabahador na ganyan. Lahat po sila ay mababait at matulungin sa kapwa", sabi ko habang unti unting nilulukot ang papel na hawak ko sa inis.
YOU ARE READING
Green String
Fantasy"Minsan naisip ko, sana naging normal na lang din ako. Sana hindi ko na lang nakita yung berdeng sinulid dyan sa daliri mo. Edi sana hindi naging ganito kasakit. Kasi alam kong una palang, hindi na 'ko sayo lalapit", nakangiti kong sabi habang nakat...
3rd String
Start from the beginning
