Ipipilit ko pa sana ang gusto kong mangyari pero napabuntong hininga na lang ako nang marealize na tama ang sinabi nya.

Kaibigan ko si Quinn at dapat iniisip ko kung ano ang best para sa kanya. Mukhang wala pa talaga sa isip nya ang love life ngayon at gusto nyang mag focus sa career nya. Dapat ko syang suportahan don. At tungkol naman kay Jerard, maaaring hindi pa ngayon ang takdang panahon para magkita sila pero alam ko, gagawa ng paraan ang tadhana para mag krus muli ang landas nila. At kung hindi man, ako ang gagawa ng paraan para muli silang magkita.

"Ano ka ba..", nakangiti kong sabi. "Sabi ko, pipigilan kitang umalis kasi hindi ka pa nagpapaalam sakin ng maayos".

"Huh?", nagtataka ang mukha nya.

"Di pa ko nakakapagbabye sayo. Isa pa, hindi padin ako nakakapag sorry kasi hindi ako nakarating kanina", palusot ko.

"Ah yon ba? Sos, yaan mo na", sabi nya.

"Basta ha? Tatawag ka sakin.. Tsaka, mag iingat ka don. Mamimiss kita", nalulungkot kong sabi.

"Baka naman mag kadramahan pa tayo rito ha?", biro nya kaya natawa na lang din ako.

Maya maya pa ay kinailangan narin namin magpa alam sa isa't isa dahil paalis na ang eroplanong sasakyan nya. Kahit pigilan ko'y talagang nangilid parin ang luha ko nung oras na pumasok na sya sa loob ng airport.

Naaalala ko nung si Jenna ang hinatid ko rito. Ilang taon na rin yun. Miss ko na ang best friend ko.

"Uyy!", bati ko sa lalaking iyon. Nakasandal sya ngayon sa kotse nya habang nakahalukipkip at nanlilisik ang mga mata sa akin.

"Oh, bat parang gusto mo na kong lamunin ng buhay nyan?", biro ko. "Di ko naman inexpect na matatagalan ako pero hayaan mo--".

"Alam mo bang nawalan ako ng trabaho dahil sayo?", diretso nyang sabi.

"Ha?!", nabigla ako. "B-bakit daw?".

Ngumisi at umiling iling sya. "Hindi lang naman kasi ako nakapunta sa pinakaimportanteng meeting dahil may hinatid akong isang napakakulit na babae dito sa airport".

Napalunok ako. Mukhang ako ang dahilan ng pagkatanggal nya sa trabaho. Napakamot ako ng batok.

"S-sorry...", yan na lamang ang lumabas sa bibig ko.

Umalis sya sa pagkakasandal sa kotse nya at binuksan iyon.

"Uhmm.. Kung gusto mo, magpapaliwanag ako sa boss mo? Sasabihin kong bigyan ka pa nya ng isa pang chance kasi ako naman ang may kasalanan eh--".

"Hindi mo sya kilala. Hindi ka nya pakikinggan", sabi nya at sasakay na sana sa kotse pero pinigilan ko sya.

"Uhmm... Kung gusto mo, mag trabaho ka na lang sakin? Uhmm... Ano bang kaya mo? Magtanim? Magdilig?".

Hindi nya ko pinansin at isasara na sana ang pinto pero pinigilan ko sya muli.

"WHAT?!", sigaw nya.

Napagitla ako sa lakas ng boses nya. Di ko alam kung pano magsalita pero bahala na.

"A-ano kasi...", sabi ko bago tumingin sa kanya. Parang lalamunin ako ng mga mata nya kaya pumikit na lang ako. "P-pwede mo ba kong ihatid? B-babayaran kita.. Tsaka di pa ko bayad sayo--".

Sinara nya na ng tuluyan ang pinto kaya di ko natapos ang sasabihin ko. Mabilis nyang pinatakbo ang kotse nya kaya kahit habulin ko sya ay di ko na rin ito maabutan.

Green StringWhere stories live. Discover now