Chapter 02

797 32 2
                                    


"Sa'n mo napulot yang si pogi? Jowa mo, hija?"

Sarkastiko akong napangisi sa aleng usisera na lumapit sa 'kin. Matapos ang pagtutuos namin ni Rhioz sa tabing ilog ay napilit ko rin sya na wag na umalis. At dahil nabalot kami sa putik dumiretso muna kami sa poso sa malapit para mag-banlaw at mag-linis. Dahil lalaki sya at mas malakas, sya na pina-bomba ko sa poso. Hindi naman sya maarte gaya ng iniisip ko no'ng una.

"Tama na yan, yung isang balde naman lagyan mo para sa 'kin." Utos ko pero di nya ako pinansin at umalis na ang kumag para magbanlaw. Aba!

"Hoy lalaki, baka nakakalimutan mong ako na ang masusunod sa 'tin dito ngayon?" Dapat lang na magpaka-bait sya sa 'kin!

"Sige na oy, please?" Nagpa-cute ako kahit hindi na sya bumaling pa sa akin. Walang sagot... at paglipas ng sampung segundo wala pa rin? Napaka-ungetleman nya grabe.

Nakabusangot akong lumapit sa poso at nagsimula ng mag-bomba kahit kalaban ko na talaga ang poso simula pa nung bata ako. Ewan, hindi kasi talaga kami nagkakasundo. Bawat bomba ko mas malakas pa ihi ko sa lumalabas! Putrigas!

"For a fat woman you sure have no strength."

Natigil ako at hindi makapaniwalang napatingin sa lalaki. Ako? Fat? Apat na beses nga lang ako kumain sa isang araw eh! Gigil ko na sana syang sisigawan pero natigil ako nang huminga sya ng malalim at lumapit sa akin saka labag sa loob na pumalit sa aking pwesto para mag-poso ulit. Napangisi ako ng bongga, sarap nya kasing titigan lalo na't suot lang nya ang white long sleeve polo na pang-loob. Bakat abs nya! Ang ganda ng katawan! Sakto ang tan ng balat! In short, model sya hindi bodyguard.

Kaso, hindi lang ata ako ang nag-e-enjoy sa view... napatingin ako sa paligid at marami na palang nakiki-usyoso at nanunuof. Kadalasan'y mga babae na may dalang timba at balde! Hindi ako sure kung maglalaba ba talaga sila o nakikinuod lang ng live porn. Napangisi naman ako nang may magandang ideya na pumasok sa isip ko...

"Hoy, ikaw, ayusin mo yan." Maotoridad kong utos kay Rhioz. Magsasalita na sana sya pero agad kong sinenyasan na manahimik. Sunod naman akong humarap sa audience.

"Oy oy, kayo, sinong nagsabi na lebreng manuod? Kanina pa kayo riyan, ah? Hindi 'to libre, bente ang bawat limang bomba n'yang alaga ko. Lima-bente inuulit ko! Oh, panglima na yun! Bente, bilis!"

"What the hell do you think you're doing?" Iritang baling ni Rhioz sa akin na tumigil sa pag-bomba.

"Tsk! Basta ituloy mo lang, bilis na!"

Isa-isa ko silang siningil, matanda man, may anak, single o feeling babae ay pinagbayad ko ng bente. Swerte nila ah, hindi libre ang live porn uy!

"May discount na! Bente bawat sampung bomba!" Anunsyo ko saka ako napalinga sa kumpol ng mga ale. Napansin ko rin yung aleng bangkera kanina na nakisali na sa nanunuod at timba na ang dala ngayon... "Ale, bente nyo! Hindi po ito libre!"

"Wala kaming pera ining, ito na lang." Linabas nila ang mga bareta mula sa kanilang tabo at tumango naman ako saka tinanggap ang mga iyon. Minsan lang ata sila makakita ng totoong masarap na abs kaya ganito sila ka willing.

Nang matapos ang pagbomba ni Rhioz, sapilitan ko na'ng pinaalis ang mga tao dahil naubusan na sila ng pera at maging ang kanilang mga sabon at shampoo pambayad. Matapos mag-banlaw ay bumalik kami do'n malapit sa daungan kung saan naghihintay si tsong at ang tora-tora nya.

"You were beyond evil." Napatingin ako kay Rhioz nang bigla nya akong harangin. Medyo malapit na kami sa tora-tora ni Tsong.

"Oh? Bakit?" Pa-inosente kong saad.

Her Lockdown Possessionحيث تعيش القصص. اكتشف الآن