Chapter 11

437 17 2
                                    


"Maraming salamat sayo, Rhioz. Kung wala ka ay hindi talaga maisasaayos itong piging ko. Si Ginger alam kong wala naman iyong naitulong hehe."

Kakalabas ko lang galing sa kwarto ni auntie nang marinig ko ang pag-uusap ng dalawa. Doon ako nanatili buong magdamag kasi bad trip ako kay tsong. Ang daming pakulo kaya hindi natuloy ang balak kong gumala. Sabi pa nya sakin kanina bakit ngayon ko pa naisipan eh pabigat lang ako kay Rhioz? Kung hindi sya lasing pinutok ko na malaki nyang tyan talaga. Hindi ko alam kung lumabas si Rhioz sa kusina habang naglalabas ako ng sama ng loob. Naiinis akong isipin na sa lahat ng pwede i-comment sa sinabi ni tsong "True" pa talaga ang lumabas sa bibig nya.

Hindi ako brat, kabanas lang.

"It's okay. I enjoyed it."

Napa-irap ako at hinayaan munang matapos ang dalawa sa pag-uusap. Nang umalis na si Tsong ay saka ako paika-ikang pumasok sa kusina. Kumuha ako ng plastic at sandok at nagtungo ako sa mga kaldero ng ulam pati kanin at hindi ko pinansin si Rhioz na nakatayo sa tabi. LQ kami eh. Char.

"Hoy, kumain ka na?" Masungit kong tanong.

"As long as I can still see clearly, I'm fine." Hindi manlang sya lumingon.

Para naman akong nakurot sa pwet at agad kong binaba ang hawak na plastic na halos puno na ng ulam pang bring home. Kumuha ako ng plato at sandok saka naghain para sa kaniya. Hindi na ako nagtanong pa kung ano ang gusto nyang ulam at diretso kong sinandok lahat ng pwede.

"Pabebeng 'to. Mamaya na nga yan kain ka muna." Sinundot ko sya sa braso. Nang sa wakas balingan nya ako, agad na lumipat ang tingin nya sa mga nakahain sa mesa. Nakita kong gulat sya.

"Sinong gusto mong pakainin? Ako o ang buong baryo nyo?" Aniya. Takteng Tagalog yan.

"Tapos na sila, para sa'yo yan. Kain ka. Tuparin mo din sabi mo na gagala tayo at kakargahin mo ako kaya kailangan mo ng lakas." Honest kong sagot. Pero syempre worried din ako oi, hindi ko na lang pinahalata baka umasa. Char.

"So you have your hidden agenda after all." Aniya saka naupo at nagsimulang kumain gamit ang kutsara at tinidor. Ganyan sya kumain, parang nasa isang mamahaling restaurant lagi. Napaka-formal. Pag magkaharap kami kumain para akong patay gutom kasi lagi akong nagkakamay.

Nang matapos sya, bumalik muna kami sa kubo. Kailangan nyang magbihis kasi amoy ulam na sya. Eeh ulam naman naman talaga sya. Pagkatapos bumaba din kami ulit, he agreed na gagala kami ngayon at hindi na pwede bawiin.

"It's still 5. What are you planning to do?"  Tanong nya on the way sa garahe ni Tsong. Dahil lasing pumayag agad na hiramin namin ang motor nyang brand new. Yun din hinihintay ko eh.

"Wala, gala lang. May perya sa baryo ngayon, may coronation din mamayang gabi, disco tayo sandali tapos uuwi, tapos cuddle to the max, lastly tulog." Turan ko habang sinusuot ang helmet.

"Cuddle huh?" Natatawa nyang ani at sinuot na din ang helmet. Bagay na bagay sa kaniya maging rider. Sana ol talaga. Ako parang tambutso lang.

"Tara na at sulitin natin ang gabi." Maharot akong kumindat at pina-andar naman nya ang motor.

Sasakay na sana ako nang may unang sumulpot.

"Ate! Sama ako sanyuuu!" Si Mai na may suot ng helmet na pink, pink suot nya from head to foot.

Walang choice, sinama na lang namin ang bata kasi kawawa naman ireject sobrang ready na eh.

Pagkarating namin deretso agad akong nagturo sa Bazaar sa plaza. Ang daming tinda na souvenirs at napaka-rami parang namimili. Medyo maingay din kasi may jazz band na tumutugtog. Gaya ng lagi ko ng inaasahan, hindi magkamayaw ang mga tao sa pag-sunod ng tingin kay Rhioz. Pero nawili ako at hindi na nakipag-ayaw pa.

Her Lockdown PossessionWhere stories live. Discover now