Chapter 08

471 22 1
                                    


"Subukan nyong lumapit sa 'kin ngayon, lilipad talaga kayo ng walang pakpak."

Diretso ang tingin na naglalakad ako sa gitna ng plaza. Naka-shades ako at nakalugay ang shaggy na buhok. Alam kong ako ngayon ang subject ng iba-ibang uri ng tingin mula sa karamihan dahil sa suot kong manipis at fitted na blusa kaya bakat ang itim kong fantasy bra. Pambaba ko ay hapit na coffee colored hipster shorts kaya bawat hakbang ay nae-expose ang lower part ng puson ko. Naka-rubber shoes ako habang may dalang toolbox na nasibat ko kay tsong. Balak nya sanang mag-repair ng bubong nila ngayon pero hindi sya nakapalag sa 'kin.

Sa plaza rin kung saan ginawa ang ritual kagabi isinagawa ang paggawa ng float. Kaniya-kaniya na ng ginagawa ang lahat. Alas dyes y medya na kaya mainit at mas lalo lang dumagdag sa init ng ulo ko. Balak ko sanang tanghalian na pumunta dito para saktong lunch break agad pagdating ko, pero hindi ako mapakali kaya heto mas napa-aga. Malas nga kasi mukhang tapos na ang snack break.

"Wow Ginger ambongga mo. Pero ba't nandito ka? One participant lang daw every household."

Natigil ako nang biglang sumulpot si Karyl sa harapan ko. May martilyo syang hawak at may 'di masupil na ngiti sa labi. Hindi ko na pinansin ang fitted pink sando na suot nya at ang maong shorts nyang sobrang hapit, pati dede nya na puputok ata ano mang oras, hindi ko talaga pinansin.

"Ay, talaga ba?" Pinagkrus ko ang braso at ginaya-gaya ko ang sinasadya nyang mga kilos para lang patalbugin dedot nya. Tumalbog naman sa kin ng konti. Kala nyo sa 'kin walang maipagyayabang? May makapal na paddings 'tong bra ko uy! Tig-sisingkwenta lang sa ukay-ukay pero high quality tsaka matibay, kaya nga tawag ko fantasy bra.

"Nakita ko ata nanay mo, ate mo, bunso nyo, mga pinsan mo, pati tyahin mo sa tabi-tabi... ay wait, napagkamalan ko lang ata ang buong angkan mo sa isang buong pamilya ng mga higad na baka na nadaanan ko kanina, Karyl. Sareh." Nag-flip ako ng buhok saka ako nagpatuloy. Naiwan syang nganga. Yun, sample pa lang yun.

Wag na wag lang talaga silang lalapit pag nasa ganitong estado ako dahil talagang matitikman nila ang walang habas na tabil ng dila ko.

Muli akong natigil at linibot ang mata para hanapin kung nasaan ang alaga ko. Ang lalaki na pilit nilang inaagaw sa 'kin... ang lalaki na pag-aari ko.

I can be very territorial. Ayoko ng inaagawan ako.. lalong-lalo na kung sa maduming paraan.

Nang makita ko na ang taong hinahanap ko doon mismo sa ginagawang float at nag-lalagari ng mga dos por dos, naglakad ako papunta ron. Bago ako tuluyang nakalapit inasahan ko nang may haharang sa akin ulit, pero ang mas ikinagagalak ko, ay ang babaeng sadya ko rito pa talaga and lumapit.

"Hi ate!" Parang bata nyang turan, kasi bata pa naman talaga sya. Ampabebe, tapos pacute. Meron syang suot na headdress at naalala kong iyon ang headdress na suot ng reyna kagabi.

"So, ikaw pala ang reyna? Huhulaan ko, walang biyayang dadating sa Makiling ngayong taon." At sinabayan ko ng artistahing pag-hilot sa noo.

"Grabe ka ate napaka mo! Pero wow, ang sexy mo pala. Para ka pong prostitute!" At tumawa sya ng malakas. Nakitawa din ako sabay tanggal ng aking shades at pumalakpak pa ng elegante.

"Bongga!" Palatak ko at pinasadahan sya ng dahan-dahan na tingin mula ulo hanggang kuko sa paa at vice versa pa... "Aww, we're the same kiddo."

Nawala ang ngisi ng at naglumikot na ang mata at hindi na nakapag-salita. Kahit two years old ka pa lang pag kinalaban mo 'ko hindi kita sasantohin. Sorry ka, marami ka pang kwek-kwek na kakainin bago mo maabot ang level ko.

Her Lockdown PossessionWhere stories live. Discover now