Chapter 9

32 4 2
                                    

Ariella's POV

Naglalakad kami papunta sa school, oo kami, kasama ko ngayon si Frost na hindi na mahiwalay sa tabi ko. Kala mo bata na ayaw magpaiwan sa bahay. Nakakaasar lang kasi pinagtitinginan kami-- sya lang pala kasi bagay sa kanya ang damit ni papa. Pinahiram ko muna sa kanya to at buti kasya sakanya kasi pareho lang rin sila ng body shape. Actually, 37 pa lang si papa kaya di aakalain na may anak na sya and that's me, halos magkaedad lang sila ni mama, isang taon lang pagitan. Sinabi ko sakanya na suotin muna nya ang damit ni papa kasi wala pa akong time para asikasuhin sya kasi wala nga syang gamit dahil galing syang dagat.

Habang naglalakad kami ay parang may naririnig akong kaluskos, kaya napalingon ako. Tumingin din ako sa direksyon ni fros pero nakakunot lang ang noo. hindi ko na lang pinansin at nagdiretso na sa pag lalakad, baka pusa lang.

Nung makarating kami sa school, hinatid ko sya sa Principal's Office dahil magpapaenroll daw sya. Bakit? Dahil gusto nya daw mag aral. Umalis sya kaninang umaga at pag balik nya pinakita nya sakin ang requirements nya para sa school at di ko alam kung saan nya nakuha yon, tinanong ko sya pero nginitian nya lang ako. Napakamisteryoso talaga nitong sireno na to. I doubt kung papayagan syang mag enroll, pero base sa pinakita nyang requirements, kumpleto naman pero halos nasa kalagitnaan na ng school year, papayagan kaya yun?

Iniwan ko na sya doon at pumunta na sa room. As expected, Gen waved at me, I just looked at her and nodded. Bago pa ako makarating sa upuan ko ay hinarang ako ng mga nambubully sakin, di ko pa rin sila kilala sa tagal ng panahon, tsaka di sila worth kilalanin. I looked down. Sht ang tapang ko kay Fros pero umuurong dila ko pag dating sa ibang tao. I hate myself for being so helpless. I closed my eyes as waiting her hands to grab my hair but it didn't happen. I slowly opened my eyes and suprised of what had happened.

"What the heck, nerd?" sabi nung babaeng sasabunot sana sakin pero hawak na ni Gen ang kamay nya.

"Matagal na akong nagtitimpi sainyo. Lay your filthy hands to her again or I will make sure you will be living in hell." She said in a cold tone that sends shivers down my spine.

"W-whatever," She nervously said. halata mong natakot din sila sa banta nya. Nang makalayo sila sakin ay nagbago ang expression ni Gen. Ngumiti sya sakin at hinila nya ako papunta sa upuan ko. Kinilabutan ako sa kanya kanina, My God.

"T-thanks" I said, nung makaupo na kami.

"No worries, matagal na silang nambubully at di ko na kaya yung pinapakita nila." simple nyang sabi

She's the second person na nagtanggol sakin sa mga bullies na yun. I'm so thankful to have a friend like her. Sa totoo lang, mula makapasok ako sa school na to, di na nila ako tinigilan. I heaved a sigh. Nararamdaman kong masama na ang tingin nila sakin--samin pero I didn't bother to look at them.

Nung makapasok na ang teacher ay agad ding nagsimula ang klase pero biglang may kumatok sa pinto ng silid.

"Excuse me Mam," Mahinang tawag ng principal sa teacher namin

Nilapitang ni Mam yung principal nanun at nagusap sila saglit at tumango naman ito sa principal namin. Bumalik din sa gitna si mam at tumingin sa may pinto.

"Come," Tawag nya sa may tao sa pinto, bago naming kaklase and yeah, di na ako nagulat kasi si froswel ang lumabas.

My classmates gasp as he walked towards the center especially yung mga kaklase naming babae, they are suppressing themselves not to scream. I rolled my eyes to them. Kala mo ngayon lang nakakita ng lalaki.

"Hello, I'm Froswel Almazan" He introduced with matching wink.

At ang pinipigilan nilang tili ay parang bumabagyo na sa room. Mga karengkeng. Napatakip naman ako sa tenga ko, tumingin din ako kay Gen at ganun din ang ginagawa nya. Mukhang magkakasundo talaga kami.

"Quiet!" Saway ni Mam Josie, yes si Mam Josie po ang teacher namin kaya masungit. Humarap sya kay Fros, "Doon ka umupo sa likod ni Ms. Santiago" sabay turo sa direction ko.

He nodded.

Nagtaka naman ako kung bakit iba ang ang apilyedo nya, well, it's none of my business. Umupo sya sa likod ko pero di ko pinansin. Na stunned ako sakanya nung unang kita namin tapos ganyan pala ugali, nakakadissapoint, yabang.

Jack's POV

Isang napakataas na tungkulin ang ibinigay samin ni Prinsipe Frow kaya hindi kami papayag na pumalpak nanaman sa aming misyon. Last chance na to. Pagbubutihan namin to ng aking kambal.

Alam kong lagi nalang kaming pinagbibigyan ni Prinsipe Frow pag pumapalpak kami sa misyon. Pero ayokong sabihin ng iba na porke sabay sabay kami lumaki e pinagbibigyan na kami, unfair para sakanila yun. Sinasabi rin ng karamihan na lumalaki na ang ulo namin at kapit lang kami sa may kapangyarihan. Ang sakit lang marinig yun. Tumingin ako sa direksyon ng kapatid ko.

"Mack, na-track mo na ba ang kinaroroonan nila?" I asked her.

"Malapit na. Kaunti nalang" She replied with a boring tone. Napaka serious type nya talaga, sobrang opposite sakin.

We are known as Gemini Assasins at Arkia Kingdom.

Marino TaleWhere stories live. Discover now