Chapter 1

195 12 6
                                    

Ariella's POV

Aish! Nakainis! Pwede naman na hindi na ako isama sa outing na yan! Every year kasi kaming pumupunta sa beach na yun para mag outing and sabi ng parents ko pero favorite spot daw nila yun kaya doon kami lagi every year. Ayun napilit nila akong sumama at honestly nasasawa na ako doon, wala na bang bago? Paano ba naman kasi gamitin pa yung kahinaan ko. Ipapaputol daw yung internet sa dorm ko at 1 month na di gagamit ng laptop at cellphone.

Ayoko kasi sa mga outing o gala kahit every year lang naman nangyayari yun at mas pipiliin ko pa ring mag isa sa dorm ko, in short ayokong lumalabas sa kwarto ko. Masaya na ako na may internet. Nagfafacebook, at nanunuod ng Por- ay Dramas! Hahaha. joke lang!

Okay! By the way, ako nga pala si Ariella Marie Santiago. Wala namang mahalagang information tungkol sa akin at alam ko boring ang buhay ko. Medyo may pagka anti social kasi ako kaya iisa lang ang bestfriend ko. Medyo lang ha? Nakikipagsocialize naman ako kung mabait pakikitungo sa akin pero hindi talaga maiiwasan na lapitan ako ng bullies.

"Marie! Nakaayos ka na ba ng gamit mo? Paalis na tayo!" sigaw ni mama mula sa labas kasi sinundo pa talaga nila ako dito sa dorm ko.

Sus! Kahit iwan nyo nalang ako. Tinawag na ako ng mama kong makulit. Actually, parang tropa ko nga lang si mama e pero hindi yung wala nang galang ha? Syempre, respect is always a must.

"Malapit na po, wait lang!"

at inasikaso ko na ang dapat asikasuhin!

Cellphone? Check!
Tablet? Check!
Pocket wifi? Check!

Ayan! Kompleto na! Hindi na ako maboboring. Nahihiya din kasi ako makihalubilo sa tao kasi feeling ko ayaw nila saken or every time na kakausapin ko sila feeling ko may kasalanan akong ginagawa sa kanila, kaya sobrang close ko sa parents ko kasi wala akong masyadong nakakausap bukod sa kanila. Inilagay ko na yung headset ko sa tenga ko at nagsoundtrip. Pagkalabas ko, salubong nanaman ang kilay ni mama. Tiningnan ko sya na nagtataka.

"What?"

"Marie naman! Beach ang pupuntahan natin, kelangan lahat ng gadgets mo dala mo? Magsasaya tayo dun! Iwanan mo lahat yan!" Sermon ni mama

"LAHAT talaga?"

"Okay! Except your phone."

"K."

Ibinalik ko na lahat ng gadgets ko sa kwarto. Nadaanan ko yung mini fridge at mini library ko. Binuksan ko yung ref at kumuha ng dalawang chocolate bar at saka kumuha ng tatlong libro sa shelf. Bukod sa pag bobrowse sa internet at panonood ng drama, mahilig din akong magbasa ng libro. Basta fantasy genre, 100% fan ako.

Sumakay na kami sa van at bumyahe na. Nahihilo ako and I feel nauseous kasi di naman ako sanay bumyahe.

Maya maya lang ay nakarating na kami sa resort. Mahigit 2hours din ang biyahe, Dali dali akong lumabas sa van at dumiretso sa CR kasi feeling ko masusuka ako. Pero nung wala naman akong isinuka at narealized ko na wala palang laman ang tyan ko, uminom nalang ako ng tubig. Bwisit na katawan to, nauseated pa rin ang feeling ko. Pumunta muna kami sa hotel para mag almusal at magpahinga, Mamayang 2pm na daw magsuswimming, Actually 10am palang e.

Kumuha lang ako ng isang tinapay at dumiretso na sa kwarto ko na chineck in kanina sa front desk ng hotel. Inaantok ako dahil puyat nanaman ako kagabi kaya natulog muna ako.

**

Naalipungatan ako sa bunganga ni mama. Paano, pinapabangon na ako para kumain. Tumingin ako sa relo ko, 12:50pm na pala. Pero nakakatamad pa rin.

Bumaba na ako at dumiretso sa parang restaurant ng hotel at kumain. Pagkatapos namin kumain ay pumunta na kami sa cottage at dun na nagpahinga. Nagpalit na ako ng tshirt at shorts para kumportable ako. Inaantok pa rin ako kaya nahiga nalang ako sa cottage parang umidlip sandali.

Di nagtagal at nagising ako dahil nagkayayaan na kami-- sila pala magswimming, kasama rin namin yung mga cousin ko sa side ng mama ko pero di ko naman sila kaclose at feeling ko ang sungit nila kaya di ko inaaproach.

Dahil ayoko nanamang magalit ang dakila kong ina, nakijoin na rin ako sa pagswimming.

Lumapit ako sa dagat at ang refreshing sa pakiramdam. Lumangoy ako at lumayo sa mga pinsan kong naglalaro sa dagat. Di naman ako belong dun kaya eto mag isa ako.

Nagfeeling little mermaid ako at lumangoy sa malayo. Haha Narinig ko pang sumigaw si mama na mag ingat daw ako bago ako makalangoy sa malayo. Di naman ako tinuruan lumangoy pero sanay na sanay ang katawan ko. Madali lang naman kasi sabayan yung alon tsaka sanay na din naman akong lumangoy since every year naman kaming nagbebeach.

Di ko namalayang na maliit nalang sila sa paningin ko. Trip ko lang talaga mapag isa. Sanay naman kasi akong libangin ang sarili ko e. Chos

Bigla kong naramdaman ang pagkirot ng isang paa ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at kinabahan sa nangyayari. Pinupulikat ako. Ang sakit, parang lulubog na ako. Pinilit kong huminga ng malalim pero ang hirap kasi di ko maigalaw ang isang paa ko. Kahit nasa malayo sila sumigaw pa rin ako ng tulong, hoping na maririnig nila ako.

"Tuloooong! " sigaw ko pero parang di nila ako naririnig at dahil rin yon sa layo ko sa kanila.

Naluluha na ko. Grabe! Ayoko pang mamatay! Biglang nagflashback yung mga alala ko simula pagkabata ako at yung mga moments namin ng parents ko. Ganito ba talaga pag malapit ka nang mamatay? Napapikit nalang ako habang pilit na pumipiglas dahil ang sakit rin sa mata ng tubig dagat.

"Help me! Please!" paos kong sigaw

"Help! Help! Tulong!"

Ang sakit na talaga ng paa ko dahil sa pulikat!

"Tulong! Please.."

Nanghihina na talaga ako. Di na ako makahinga. Nangangalay na ako sa pag pupumiglas ng mga kamay ko. Malulunod na ako. Grabe talaga, dito na ba magtatapos ang buhay ko? Someone, please help me..

"Please.." At naramdaman kong unti unti na akong lumubog sa dagat

Pero parang may naramdaman akong humawak sa mga balikat ko at dumiretso sa mukha ko yung right hand nya.

Iminulat ko ng bahagya ang mga mata ko kahit mahapdi dahil sa tubig alat para makita ko ang mukha nya kahit nanlalabo ito. Hindi ko alam kung hallucination lang to pero I saw him smirked.

After that naramdaman ko na parang may humihila sa aking katawan paahon, sobrang bilis at bigla ko nalang nadama ang init ng buhangin.

Nakapikit pa rin ako at di ko nararamdamang humihinga ako. Nagpapanic yung utak ko pero di ako makagalaw. Alam kong nasa tabi ko pa rin ang tumulong sa akin at siguro napansin nyang namumutla ako dahil hindi ako makahinga. Di ko maintindihan kung bakit may consciousness pa rin ako pero walang malay ang katawan ko. Hinawakan nya uli ang mukha ako na para bang kinakabisado ang mga ito.

Bigla ko nalang naramdaman ang mainit nyang labi na dumampi sa labi ko na para bang tinatanggal nya lahat ng mga pumasok na tubig sa katawan ko. CPR ba to? bakit parang may mali?

Nung naubo ako at nailabas ko lahat ng tubig sa katawan ko ay naramdaman kong unti unti na syang lumayo at tuluyan nang umalis. Idinilat ko ng bahagya ang mga mata ko and I was shocked nung may buntot na pumilantik sa dagat.

But after that tuluyan na akong nawalan ng malay.

**

Nagising ako na nakahiga na sa kwarto ko, sa hotel. At ang una kong nakita ay si mama, ang nagaalala nyang mga mata.

"Anak naman e! Hanap kami ng hanap sayo, andun ka lang pala sa tabi ng malaking bato natutulog-- ay hindi! Wala kang malay! Atsaka bat ang lansa lansa mo?" Sigaw ni mama pero may halong pagaalala sa boses nya

"mama, muntik na akong malunod kanina. Buti nalang may nagligtas sa akin" ako at ngumiti ng kaunti

"Ha? Anak naman! Bat ba kasi kung saan saan ka nagsususuot? Pinagaalala mo kami! At wag ka ngang ngumiti, di nakakatuwa!"

"Ma, sireno sya.." wala sa sarili kong sambit

"Hah?!"

Marino TaleWhere stories live. Discover now