Chapter 4

145 9 5
                                    

Ariella's POV

*bzzt bzzt*

Break time na pala. Nagligpit na ako ng mga nakakalat na notes sa mesa ko at kinuha ko na yung baon ko sa bag, ayoko ng pagkain sa canteen, mahal. kaya nagbabaon lang ako. Nagsimula na akong kumain.

Lumapit sa akin yung isa ko pang kaklase na medyo loner din at ngumiti saken na syang ikinagulat ko. Umupo sya kaharap ng table ko at nilabas nya yung baon nya. Nagtataka ko syang tinignan at awkward na ngumiti.

"Ah! sorry wala kasi akong kaclose. Nilapitan kita kasi feeling ko di ka mahirap pakisamahan" sabi nya habang ngumunguya

Ano nga uling pangalan nya? Sa tagal ko sa school na to, hindi ko pa rin matandaan ang mga pangalan ng classmates ko at sa tagal ko sa school na to first time na may lumapit sa akin. Ang hindi ko lang maintindihin kung bakit sya lumapit sakin.

"Genevieve. kung yun ang gusto mong itanong" kumakain pa rin sya

Nagulat ako pero siguro halata sa expression ko na di ko alam pangalan nya. Awkward ko syang ngingitian at kumain na din. Di ako sanay. Pero okay na rin siguro to para may kaibigan ako. Kadalasan sa mga kaibigan ko ay ako ang una nilang inaapproach kasi di ako marunong mang approach sa kanila. Feeling ko may anxiety ako pag dating sa ganon. Pero pag naging kaibigan ko na sila, doon lumalabas yung tunay kong ugali. Palatawa at medyo masungit. Kaya di ako palakaibigan dahil nga rin doon. Mga tunay ko lang na kaibigan yung nakakatawanan ko at nasusungitan ko.

Tinitigan ko sya at pansin ko na maganda sya, pareho kaming nakasalamin, medyo curly yung buhok nya. Ang takaw nya din pansin ko lang.

Bigla naman syang tumawa ng mahina pero di ko alam kung bakit.

Napatingin naman ako sa pintuan ng room at lumabas yung laging nambubully saken and the leader mouthed 'Losers' bago sya dumiretso sa upuan nya. Di ko nalang rin pinansin.

Habang kumakain kami, nahagip ng mata ko yung kwintas na binigay ni fros na nakasabit sa leeg ko. Napatingin din si Genevieve doon at kita sa expression nya ang pagkagulat pero ngumiti lang sya sakin.

"Ang ganda! San galing yan?" tanong nya habang turo ang kwintas ko.

Di ko naman pwedeng sabihin na galing to sa isang sireno kasi paniguradong tatawanan nya lang ako.

"Binili ko lang to nung nagouting kami" tumango naman sya

Pagtapos namin kumain ay bumalik na sya sa seat nya at nagklase na kami. Tingin ng tingin sa akin yung tatlong impaktita at di ko alam kung ano nanaman bang problema nila sakin. Kung kaya ko lang talaga, matagal ko nang dinukot ang mata nila e.

Maya maya din ay natapos na ang klase at nag uwian na ang mga estudyante, sumabay sakin palabas ng gate si Genevieve at nagpaalam na sya sakin kasi magkaibang direction yung uuwian namin. Napangiti naman ako kasi first time na may lumapit sa akin. First day ng second semester namin ngayon and yes, feeling ko magiging close kami ni Genevieve.

Naglalakad na ako pauwi at syempre naka earphone, di yan mawawala. Walking distance lang din ang dorm ko.

Habang malapit na ko sa bahay, parang may nararamdaman akong mangyayaring di maganda pag uwi ko. Napahawak nanaman ako sa kwintas na binigay ni fros kasi yun lang yung nagpaparamdam saking safe ako. Kung ano ano ang pumapasok sa utak ko habang naglalakad, paano kung nahanap ako ng mga shokoy? paano kung katapusan ko na? Bwisit na utak to ang daming alam.

Nasa harap na ako nang pinto ng bahay. Letse! Bat ba ko kinakabahan? Huminga ako ng malalim at nilakasan ko ang loob ko. Nakapikit akong binuksan ang pinto.

"Hello!"

"Sht! AAAAAAAAAAAAAAAA" napaupo ako kasi may narinig akong nagsalita

"Huy teka wag ka nga sumigaw"

Marino TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon