Chapter 22

14 1 0
                                    

Ariella's POV

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa isang mini food court na tinayo ng mga estudyante. Ito yung nagsisilbing booth ng mga college students na HRM. Since, malaya naman kaming puntahan ang mga booths ng mga college students, dito na kami kumain. As if naman na pagbabawalan, kasi iisang school lang naman kami. Silly me.

Nakaupo kami ngayon sa pinagdikit na dalawang lamesa para magkasya kami kasi pito kaming kakain at di kasya sa isang lamesa lang. Napapagitnaan ako ni Fros at Jeyiel, katabi ni Jeyiel si Nerick at nasa katapat naman namin si Gen, Mack, at Jack.

Habang kumakain, napapansin ko na parang nakatulala si Gen sa di malamang dahilan kaya tinawag ko sya kasi di sya kumakain.

"Gen," mahinang tawag ko sa kanya

Hindi pa rin ako pinapansin o hindi lang narinig?

"Gen!" medyo na palakas na tawag ko, pero wala pa ring epekto. Napatingin sila sakin kaya sa pangatlong tawag ko ay sabay sabay na kaming tinawag sya.

"GEN!"

"Ay airey!" nagulat nyang sabi, napatingin sya saming lahat at nagtataka kung bakit namin sya tinawag.

"Airey?" bulong ni Nerick pero dinig naming lahat.

"Ha? Aray kako, ang sakit sa tenga ng sigaw nyo, bakit ba?" natatawa nyang sagot

"Kanina ka pa kasi tulala jan, ni hindi mo nga ginagalaw yung pagkain mo, may problema ka ba?" tanong ko sakanya

"Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Jack, kaya napatingin ako sakanya ng nakakaloko. "Mack? okay ka lang ba?" pag tutuloy nya ng sinabi nya. Tinignan naman sya ni Mack ng nagtataka sabay inirapan.

"Wala naman, iniisip ko lang kung paano namin kayo ichecheer mamaya sa Night Out," pero halata namang nagpapalusot tong si Gen. Hayaan na nga.

Nang matapos kaming kumain, napagpasyahan naming gumala sa mga booths. Halata kela Mack, Jack, at Fros na naaamaze sa mga booths pero di nila pinapahalata sa iba pero ako kitang kita ko. Syempre, first time nila dito, di ko sila masisisi. Bukod sa mga rides na nagkasya sa malaki naming school, meron ding mga booths na hinding hindi mawawala sa isang school, tulad ng marriage, jail, at iba pa. Nagmukhang amusement park ang school namin. Sabagay, sila naman gumagastos dito sa school kaya bahala sila.

Napahinto kami sa isang horror house at mukhang gustong gusto itry ni Jack kaya hinila nya kami papunta doon.

"Tara tara, try natin to, mukhang exciting!" tuwang tuwa nyang sabi

"Pambata naman yan Jack e," pangontra ni Fros sakanya

"Sabihin mo, natatakot ka lang," mahinang sabi ni Jeyiel na halatang narinig ni Fros

"Anong sabi mo?" naguusok na sabi ni Fros

"May sinabi ba ako, Marie?" tanong sakin ni Jeyiel. kumibit balikat lang ako kasi magsisimula nanaman sila ng gulo.

"Tara na nga jan!" Fros said at nagdirediretsong bumili ng tickets

Tinulak ni Gen ang balikat ko, "Haba buhok mo, girl," natatawang sabi nya.

Nagtaka naman ako sa sinabi nya pero inirapan ko lang sya. Minsan ang gulo ng utak ng mga tao.

Pumasok na kami sa loob ng horror house, napahikab ako kasi nakakaboring dito, hindi naman ako natatakot sa mga ganito, matatakot lang ako pag totoo na mismo ang nakikita ko pero mga tao lang rin naman to na naka costume at mga props lang rin naman ang mga nakadisplay dito.

Naramdaman kong may kumapit sa kanan at kaliwa ko. Seriously? ang lalakas ng loob tapos sila rin naman pala, matatakot? Nakakapit si Fros sa kanan ko at si Jeyiel sa kaliwa. Alam kong matatakutin tong si Jeyiel kasi kababata ko to, pero si Fros na ang yabang kanina? Hay nako bahala nga sila. Dahan dahan kong tinanggal yung kamay nilang nakakakapit sakin at dahil pareho silang nakapikit, silang dalawa ang pinagdikit ko. Much better. Di ko mapigilan yung tawa ko kaya nauna na akong maglakad at nagpasyang hintayin silang makapunta sa finish line o kung ano man tawag sa dulo ng horror house na to.

Habang nag lalakad, natawa ako sa direksyon ni Gen kasi nakakapit si Mack at Jack sa magkabila nyang kamay at sumisigaw pa talaga si Jack. I mouthed 'goodluck' kaya sinamaan nya ako ng tingin.

Nauna ako sa labas at inabangan sila, di ko na napigilang matawa kasi yung mukha nila nakakatawa talaga. Ang tagal naman nila. Naluluha na ako kakatawa pero nahinto yung pagtawa ko nang may nakita akong mga tao sa harap ko. Actually, tatlo sila kaya napaangat ako ng tingin at nakita ko nanaman si Ryssi at mga alipores nya. Ano nanaman kaya ang problema sakin nito? Wala naman ako ginagawa sakanya. Mga nakapamaywang pa sa harap ko at bigla akong dinuro ni Ryssi.

"Remember this Santiago, tatalunin kita sa contest mamaya, Badluck to you," at inirapan ako sabay talikod.

Ano nanaman! Hay nako pabayaan nalang nga. Tumingin ako sa may pinagaabangan ko sakanila at nakita ko silang nakatingin sakin. Lumapit sa akin si Fros at hinarap ako sakanya.

"Sinaktan ka ba nila?" nagaalalang tanong nya sakin.

I don't know what's happening but I felt butterflies in my stomach. Pcha, as if naman concern to sakin e di ko naman totoong boyfriend to. Umiling lang ako sa tanong nya at humarap sa kanila.

"Tara?" aya ko sa kanila at naglakad na palayo sakanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Marino TaleWhere stories live. Discover now