Chapter 3

149 12 0
                                    

Frow's POV

"Nababantayan nyo ba si fros ng maayos?"

"Opo, prinsipe frow." Sagot ng mga kawal ko habang nakayuko.

"Mabuti."

Napakakulit ng kapatid ko. Malalagot ako sa hari pag nalaman nya ito.

Nakatatanda akong kapatid ni froswell. Sakin ibinilin ng hari na bantayan ng maayos si fros pero sumuway nanaman sya at pumunta sa ibabaw ng karagatan na lubos na ipinagbabawal sa kaharian namin. Pinababantayan ko sya dahil sa naging kasunduan namin.

*Flashback*

"Nasan si fros?" Tanong ko sa isa sa mga kawal

"Hindi ko po nakita. pasensya na po"

Kumunot ang noo ko sa kawal at tinignan ko sya. Alam nya na ang ibig sabihin nun, na hanapin si fros. Nilagpasan ko ito at pumunta sa aking silid, pagkaupo ko sa aking upuan ay biglang may kumatok sa labas ng aking silid.

"Pasok."

Si sheow pala. Ang aking pinagkakatiwalaang alagad. Lumapit sya sa akin na parang natataranta.

"Prinsipe frow! Nakita po ng mga kawal na nagbabantay sa kaharian na umahon nanaman sa ibabaw ng karagatan si prinsipe froswell at nakita sa mahiwagang bola na may niligtas itong isang tao!"

Ang mahiwagang bola, dito nakikita ang mga nangyayari sa labas ng kaharian.

"Ano!? Nasan na si fros!?"

"Nahuli na po ito ng mga gwardya at ikinulong sa kanyang silid. Alam nyo naman na ipinagbabawal ito prinsipe." paalala sa akin ni sheow

"Alam ko. Pero sana hindi ito makaabot sa hari at ako na ang bahala rito"

Yumuko sya at nagpaalam. Napalagay naman ako. Mamaya ko na sya pupuntahan at kokomprontahin dahil sa taong nakakita sa kanya. Marami pa akong aasikasuhin. Lahat ng mga gawain ngayon ng Hari ay napunta sakin dahil ako ang susunod na magiging Hari at hinahanda na ako para doon.

Nung kinagabihan, minabuti kong puntahan na sya dahil natapos ko na ang akin mga gawain. Naghahanda na ako para sermonan sya at paaalahanan. Nung nasa silid na nya ako, nakita ko si fros na nakataklob ng kumot.

"Hoy fros! Bumangon ka at mag uusap tayo!"

Walang sumasagot kaya lumapit ako sakanya para hilahin ang kumot na nakabalot sakanya pero puro unan lang rin ang mga nakabalot rito. Wala akong imahe ni froswell na nakita. Lumabas ako para puntahan ang mga kawal na nagbabantay.

"Hoy! Nasan si fros!?" Sigaw ko sa kanila. Naaasar na ako. Ang tanga tanga nila para di mabantayan ng maayos si fros.

Sumilip sila sa silid.

"Andyan lang po sya kani-"

"Nasaan na si fros?! Hanapin nyo sya! Hindi sya pwede makita ng mga tao! Hindi sya pwedeng tumakas!"

"Pasensya na po."

"Hanapin nyo sya! Ngayon din! At ang lapastangan na taong nakakita sa kanya! Kailangan syang hatulan ng kamatayan!"

Nagmamadaling lumabas ng kaharian ang mga kawal.

Hindi pwedeng makita ng isang tao ang isang sireno dahil lihim ito. Hindi pwedeng maging totoo kami sa paningin ng mga tao dahil kathang isip lang kami para sa kanila. Pag nalaman nila ito, uubusin nila ang lahi namin o gagamitin para sa mga walang kabuluhang experiment o research.

Biglang tumunog ang isang kabibe, hudyat na may tumatawag sa akin. Kinuha ko ito at sinagot.

"Patawad po prinsipe frow at nakatakas po ang babae, di na namin sya mahanap dahil binigay ni fros ang kanyang kwintas sa babae. Pero nahuli po namin si prinsipe froswell" sabi ng kawal

"Dalhin nyo sya dito!" Utos ko.

Talagang binigay nya ang kanyang kwintas para hindi mahuli ang babae, yung kwintas na yun ay may kakaibang kapangyarihan kaya hindi mahanap o matrack ng mga kawal ang babae. Kami lang na nasa itaas ang may kakayahang matrack yun.

Maya maya ay nandito na sila at di ko na napigilan ang sarili ko.

"Fros! Gaano ba katigas yang ulo mo at lumabag ka nanaman! Pano kung umabot ito sa hari? Ako nanaman ang sisisihin! Ano ba fros! Tumino ka naman!"

Nagsmirk sya at tumawa ng mahina.

"Gumagala lang naman, masama ba yun? Masyado naman kayong mahigpit"

Argh. Nakakagigil naman! Napakapilyo talaga!

"Alam mo naman diba na ipinagbabawal yun? Ilang beses ba namin uulit ulitin sayo yun?! Ang kulit kulit mo!"

"Easy ka lang! Okay! Sorry kuya! Di na mauulit." Sabay talikod nya

Bago sya makapasok sa kanyang silid ay lumingon sya.

"Matutulog na ko!"

Napahawak nalang ako sa sintido ko, pero may naalala ako bigla.

"Hoy fros!"

"Ano nanaman ba?"

"Yung tao na nakakita sayo! Kailangan nya mapatawan ng kamatayan, alam mo naman yun diba?"

Biglang sumeryoso ang mukha nya at natahimik sya bigla.

"O kami nalang ang pupunta sa kinaroroonan nya at papatayin ito." Simple kong sabi. Madali lang naman yun dahil kaya naman namin na magpanggap na tao.

"Wala na bang ibang paraan?" napakunot nag noo ko sa sinabi nya. First time kong nakitang worried ang expression nya.

"Wala na. Kami na ang papatay sa kanya" tatalikod na sana ako pero

"Teka, ako na."

"Sigurado ka ba?" nagtatakang tanong ko

"Oo kuya"

Napabuntong hininga nalang ako.

"Sige, dalawang buwan lang ang ibibigay kong oras sa iyo, pag hindi mo ito nagawa kami ang papatay sa kanya at ako na ang bahalang magdahilan sa mga magulang natin para sa pagkawala mo."

"Eto ang kwintas na magsisilbing palatandaan ng mga araw na binigay ko sayo. Mag iingat ka. Sa oras na mag anyong tao ka, pag nabasa ang iyong mga paa, magiging buntot ito, alam mo naman na yun."

Seryosong syang tumango. Ito ang unang beses na nakita ko syang nagseryoso sa isang bagay.

*end of flashback*

Magagawa kaya ito ng aking kapatid?

Marino TaleWhere stories live. Discover now