Chapter 5

118 6 1
                                    

Ariella's POV

Bigla akong nagising dahil sa pangangalay ng likod ko. Umunat unat ako, sa sofa pala ako nakatulog. Napalaki ang mata ko dahil sa nangyari kahapon. Sh*t, nahimatay pala ako dun sa sala pagkatapos sabihin yang misyon kuno na yun? At bakit ako nahimatay?

Nakaramdam ng kirot sa bandang hita ko na para bang nagkahiwa ako doon pero wala namang sugat. Isa lang naman dahilan kung bakit ako nahihimatay, yun ay pag nakakakita ako ng.. dugo. Inalala ko yung nangyari kahapon at tama nga ang hinala ko, nasugatan ako kahapon sa buntot ni fros pero di ko yun namalayan dahil iniisip ko kung bakit sya nandito. Pero bakit nawala ang sugat ko?

Bigla nalang akong napabangon at ginala ang paningin, Hinanap ko si Fros kung nasaan na sya. Di ko sya makita, siguro umalis na. I sighed. buti naman, Tumayo na ako at naglakad papuntang kwarto dahil may pasok pa ako.

Habang naglalakad ako ay kinabahan ako nang may mapansin akong nakatayo sa harap ng nakabukas na ref. Nilapitan ko yun nang dahan dahan dahil baka magnanakaw pero nagulat ako nung biglang may nagsalita.

"Gising ka na pala, teka ano to?" Sabi nya habang tinuturo ang refrigerator. "Parang napakahiwaga naman nitong bagay na to kasi naglalabas sya nang kakaibang kapangyarihan at di ito nauubusan ng lamig" tuloy nya. Napakunot naman ang noo ko. So, mas may hihiwaga pa pala sa buntot nya? at ref yun?

Biglang napataas ang isa kong kilay.

"Hanggang kelan ka pa nakatayo dyan?" Medyo asar kong tanong

"Kagabi pa, bago ka nahimatay." Inosente nyang sagot

Biglang kumulo yung dugo ko dahil sa sinabi nya.

"JUSKO NAMAN!" sigaw ko at sinara ang ref na patabog

"Di mo ba alam na ang mahal mahal ng kuryente at hinayaan mong naka bukas ang ref nang magdamag?" Paliwanag ko at hinilot ang aking sintido.

Humarap sya saken na parang batang napapagalitan. Naku talaga, nanggigigil ako. Hindi dahil sa mukha nya ngayon kundi dahil sa naiwang bukas ang ref magdamag.

Nagawi ang mata ko sa orasan. Sht. Malelate na ko. Humarap ako sa kanya

"Mamaya ka magpaliwanag sakin! Wag mo akong susundan at wala kang gagalawing gamit dito kundi malilintikan ka sakin!"

At tumakbo na ko sa kwarto para mag asikaso ng sarili. Nang matapos ako ay nagmadali na akong bumaba at nakita kong nagpapatay bukas ang tv.

Nilapitan ko si Fros na nasa tapat ng tv habang pinipindot pindot yung remote. Inagaw ko sakanya yung remote at pinatay ang tv.

"Woah! Nakakagulat ka naman! Ano tong bagay na to? Para syang nababalutan ng mahika dahil nagpapakita to ng mga imahe." He said with an amazement expression.

"Diba sabi ko wala kang gagalawing gamit?" Madiin kong tanong sa kanya, napalitan naman ng lungkot ang mukha nya.

"Pasensya na, nacurious lang ako sa bagay na to." sabi nya habang nakayuko

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko, hindi ko alam kung bakit mainit dugo ko sakanya kahit na niligtas nya ko. Dapat thankful ako sakanya pero nakakaasar yung kilos nya.

"Aalis na ko, kung ano man ang ginagawa mo dito, tapusin mo na at umuwi kung sang lupalop ka man nakatira."

Nakatingin lang sya sakin pero tumalikod na ako at nagmadali dahil baka malate na ako. Buti nalang alam ng katawan kong gumising ng tamang oras. Tumakbo na ako papuntang school dahil ayokong nalalate pero dahil hindi ko na tinitignan dinadaanan ko bigla nalang akong natisod sa malaking bato, sht madadapa ako, napapikit ako, feeling ko malapit ko na ikiss yung semento pero hindi natuloy. Dahan dahan akong napamulat.

"Ang clumsy mo naman" he said while smirking

Napalayo ako sakanya. Hindi ko alam kung niloloko ba ako neto,  may split personality ba to? Di ko alam kung magpapasalamat ba ako o maaasar sakanya. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Sinusundan mo ba ko?" I said as my brow furrowed

"Is that the new way of saying thank you?"

Tinalikuran ko lang sya at dumiretso na ulit sa paglalakad, sino ba naman kasing tanga ang nag iwan ng bato sa gitna ng daanan?

Pero agad din akong napahinto nung marealize ko na ganun pa rin mula kagabi ang suot nya. My oversized shirt and shorts. Buti nalang at sa bandang eskenita ako dumaan, walang tao kundi pagtitinginan to. Shortcut ko din kasi tong route na to pag papasok ako pero hindi ako dumadaan dito pag gabi kasi masyado nang creepy.

Well, problema na nya yan, pupunta punta sya dito tapos wala syang damit? Dumiretso na ulit ako sa paglalakad kasi medyo malapit na din ako sa school pero napatigil ako nang bigla syang nagsalita.

"Wala akong matutuluyan. Hayaan mo lang ako na sundan ka."

I turn around and look at him as if he's telling me some kind of joke.
"Baliw ka ba? Nang ganyang suot? tsaka papasok pa ako sa school!Late na ko! Kung gusto mo bumalik ka nalang sa bahay muna at wala na akong oras asikasuhin ka."

I don't know if I said that harshly pero malalate na ako kung uunahin ko pa sya. Medyo naasar at naaawa ako sakanya, di naman ako mabunganga talaga pero.. ugh

Di ko na sya inantay sumagot at iIniwan ko na syang nakatayo don. Dumiretso na ako sa school. Buti nalang at nakaabot ako sa first subject.

As I entered our classroom, I didn't expect anyone to greet me but I was surprised when a pair of hands waved at my direction and It's Genevieve. I looked at her and flashed a half smile and go straight to my seat.

Nagulat ako nung katabi ko na si gen sa upuan, I've decided to call her gen since ang haba ng pangalan nya. Sabi nya nagpalipat daw sya ng upuan nya. wow. pwede pala yun. Now, my biggest problem is how to be friendly.

Marino TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon