Prologue

269 20 2
                                    

"Help! Help! Tulong!"

Ang sakit na talaga ng paa ko dahil sa pulikat!

"Tulong! Please.."

Nanghihina na talaga ako. Di na ako makahinga. Nangangalay na ako sa pag pupumiglas ng mga kamay ko. Malulunod na ako. Grabe talaga, dito na ba magtatapos ang buhay ko? Someone, please help me..

"Please.." At naramdaman kong unti unti na akong lumubog sa dagat

Pero parang may naramdaman akong humawak sa mga balikat ko at dumiretso sa mukha ko yung right hand nya.

Iminulat ko ng bahagya ang mga mata ko kahit mahapdi dahil sa tubig alat para makita ko ang mukha nya kahit nanlalabo ito. Hindi ko alam kung hallucination lang to pero I saw him smirked.

After that naramdaman ko na parang may humihila sa aking katawan paahon, sobrang bilis at bigla ko nalang nadama ang init ng buhangin.

Nakapikit pa rin ako at di ko nararamdamang humihinga ako. Nagpapanic yung utak ko pero di ako makagalaw. Alam kong nasa tabi ko pa rin ang tumulong sa akin at siguro napansin nyang namumutla ako dahil hindi ako makahinga. Di ko maintindihan kung bakit may consciousness pa rin ako pero walang malay ang katawan ko. Hinawakan nya uli ang mukha ako na para bang kinakabisado ang mga ito.

Bigla ko nalang naramdaman ang mainit nyang labi na dumampi sa labi ko na para bang tinatanggal nya lahat ng mga pumasok na tubig sa katawan ko. CPR ba to? bakit parang may mali?

Nung naubo ako at nailabas ko lahat ng tubig sa katawan ko ay naramdaman kong unti unti na syang lumayo at tuluyan nang umalis. Idinilat ko ng bahagya ang mga mata ko and I was shocked nung may buntot na pumilantik sa dagat.

But after that tuluyan na akong nawalan ng malay.

Marino TaleOnde histórias criam vida. Descubra agora