Kabanata 17

266 13 17
                                    

"Dapat kasi ay sumunod ka na sa akin para hindi ka nalito! Mahirap nang umalis sa partidong iyon lalo na't mga mayayaman ang namumuno!"

Nakanguso ako buong panenermon n'ya. Hindi ko rin naman alam kung bakit wala akong pinagsisisihan.

Pagkatapos noon ay panay na ang pagtawag ng pulong. Hindi rin naman ako nakakadalo dahil tinatamad ako at halos hindi ko na rin pinagiisipan ang pagsali ko doon dahil dumadami ang gawaing ibinibigay sa akin ng Don.

Hindi ko rin alam kung bakit ang daming pinapagawa sa akin ni Don Mariano pero wala din naman akong magagawa dahil wala akong matutuluyan kapag napaalis pa ako rito.

Paglabas ko ng kusina, nakita ko kaagad ang maraming tiklupin sa sala. Naupo na ako doon at nagsimula na.

Naisip ko ang sweldo ko, ilang buwan na ako rito at nakukuha ko naman ang sweldo ko. Kakaunti kaysa sa kinikita ng iba pero ayos na rin. Minsan nga lang ay namimiss ko ang pagkain sa panahon ko, miss ko na rin kumain sa fastfood pero wala naman dito. Kaya siguro, pagsweldo ko ay bibili ako ng pangkain namin ni Udeng. Hindi ko alam kung nakatikim na s'ya ng manok pero titingnan ko kung saan ako makakakuha.

Tiningnan ko ang kalendaryo, patapos na ng buwan ng oktubre at susweldo na nga kami. Hindi ko man talaga masabi, pero ang sweldo namin ay kulang na kulang para maipambayad ng buwis. So, kaltas na agad. Gasino na lang ang natitira.

Si Udeng ay nagbibigay sa kan'yang ama at ako naman ay hindi makabili dahil naging OA nga ako kamakailan dahil kay del Pilar. Hindi rin naman sapat 'yon pambili ng damit. Halos maipon lang din ang baryang 'yon sa pitaka ko.

Habang nagtitiklop ako ay napatigil ako nang makita ko ang bandanang itim na ibinigay sa akin ni Miss Hitocis. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko naman naaalalang nilabhan ko ito at sa pagkakatanda ko ay hindi ko naman ito nilalabhan.

Kinuha ko iyon at tiningnan, halos manlagas 'yon at tastas ang burda. Nangungupas na rin at hindi na ito itim na itim katulad ng dati. Hindi ko ito palaging pinapansin o tinitingnan pero alam kong maganda ito at hindi ganito kapangit.

"Ah, iyan ba? Isinama ko 'yan sa labahin natin kasi naamoy ko noong isang araw. Napakabaho at puro putik. Hindi ko nga halos matanggal." sabi ni Udeng na tumulong sa pagtitiklop.

Napabaling ako sa kan'ya at napaawang ang bibig. Hindi ko maintindihan.

"Paano naman ito mapupunta sa putikan?"

"Hindi ko alam, nakita ko sa higaan mo noong isang araw." sabi n'ya at nagkibit balikat.

Tinitigan ko iyon ng may panghihinayang at pagdududa. Hindi ako kailanman nagduda sa lahat ng mga ginagawa ni Miss Hitocis pero ngayong mga nagdadaang mga araw ay nagtataka na ako sa lahat. Bumata s'ya at ako naman itong halos mamutla.

Maraming araw na rin akong nalilito o kaya minsan ay nagtataka pero hindi ko nabibigyan ng pansin dahil sa pag-aalala kay del Pilar. Bakit nga ba kasi ako nag-aalala? Tss.

"Kung mamarapatin mo..." ani Udeng.

Napabaling ako sa kan'ya kahit na paunti-unti ko nang naiisip ang nangyayari.

"May kakambal ka ba?" tanong n'ya, nakanguso. Halatang nahihiya.

"Huh?" tanong ko at tingin muli sa bandana at sa bawat gilid-gilid nito. Hindi sineseryoso ang tanong n'ya.

"Nakita ko kasi kahapon sa kalsada habang nagtatabas ako ng damo, may naglalakad na dilag na kamukhang kamukha mo. Nakasuot ng saya na napaka-ikli. Hindi ko rin maipaliwanag ang disenyo ng damit na suot n'ya. Ang baro n'ya... kakaiba. Tinawag ko nga dahil akala ko ikaw. Pero hindi humarap."

Sa Bisig ng Isang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon