Kabanata 26

92 8 2
                                    

"Gaano ba kahirap para sa'yo, Binibining Felicidad ang panggagamot? Ito ba ang naituro sa'yo ni Manang Pintas?!"

Mabilis niya akong sinikop at dinala sa kaniya. Kunot noo ko namang tiningnan ang buhok ni Felicidad na ngayon ay intact pa rin at halos parang walang nabago! Aba! Ako lang ang naging bruha sa aming dalawa!

Mabilis akong nabitawan ni Felicidad kaya muntikan na rin akong mawalan ng balanse. Kung hindi pa ako inalalayan ni Gregorio ngayon, baka pati sahig, nakalips to lips ko na!

"P-Pinagtanggol ko lamang ang aking s-sarili, Heneral. Totoo ang usap-usapan ukol sa babaeng 'yan. Mapanakit at abusado!"

Kumunot ang noo ko sa kaniya. "Wow ha! Mapanakit pa pala ako, e, bilog na bilog pa rin 'yang buhok mo, o! Ni wala ngang natapyas diyan sa foundation mo!"

Taas-baba ang dibdib ng gaga habang desperadang nagpapaliwanag. Hindi na magkamayaw si Gregorio sa pagpigil sa bibig ko dahil dumire-diretso na ako! Inalayo ako ni del Pilar nang umabante muli si Felicidad pero natigil siya nang humarang si del Pilar para harapin ako.

"Saan masakit, Kakang?" bulong niya na para bang hirap na hirap. "Natakot ka ba sa biglaang pagputok ng baril? Patawad, inakala kong may nangyayaring masama dahil nagsisigawan kayong dalawa."

Sa isang hype na hype na makipag-away, parang bumaba bigla ang energy ko. Ang singkit niyang mata ay mapungay na nakatingin sa'kin habang hawak ang magkabila kong braso. Marahan at nag-iingat.

Uminit agad ang pisngi ko nang dahan-dahan niyang inayos ang buhok ko. Naramdaman kong maganit 'yon kaya para akong nahiya. Binasa niya naman ang labi niya at parang gustung-gusto talagang ayusin ang buhok ko.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. "W-Wala. Sumakit lang leeg ko."

Aaminin ko bang parang natanggalan ng ten pieces itong buhok ko?

"Nagsisigawan kaming dalawa dahil kay Kakang. Alam mo bang mayroon siyang pagtatangi para sa'yo? Isang babaeng malapit nang ikasal kay Senyorito Federico ngunit nagagawa pang idikit ang sarili niya sa iba-"

"Hindi siya ikakasal kay Federico, naiintindihan mo ba ako!" sigaw ni del Pilar na nakapagpatigil kay Felicidad.

Napapikit ako sa sigaw na 'yon. Nakita ko kung paano nanubig ang mata ni Felicidad dahil sa sigaw ni del Pilar.

"Nagbago ka na ngang talaga, Heneral. Nakalimutan mo na kung sino ka. Nakalimutan mo na ang reputasyon na mayroon ka sa samahan at maging sa bayang ito. Ang nakakalungkot... dahil pa sa isang indio."

Hindi naman siya natinag at masamang tiningnan ang babae sa harapan. Parang gusto ko na lang tumakbo dahil sa sinabi ni Felicidad na pagtatangi raw. Tangengot! Ni hindi pa nga ako umaamin kay Gregorio, inuunahan pa ako nitong si Felicidad!

At wala akong sinasabing may gusto ako sa kaniya! Pinagtatanggol ko lang naman itong si del Pilar, nag-conclude kaagad!

"Mahalaga sa akin ang bayang ito... ngunit mahalaga rin sa akin si Kakang. Walang masama kung protektahan ko siya-"

Sarkastikong ngumiti si Felicidad at humalukipkip. "Hindi 'yan ang sinabi sa akin ni Kuya, Heneral. Bihira ka na lamang raw mag-ensayo, hindi katulad noon. Bihirang dumalo ng bulwagan at bihirang mangamusta sa nangyayari sa bayang ito." umiling siya habang dismayadong nakatingin kay Gregorio. "Ganoon mo sinisira ang pangalan mo."

Napakurap-kurap doon si Gregorio. Mukhang tinamaan sa sinabi ni Felicidad. Nakagat ko naman ang labi ko dahil pakiramdam ko... nangyayari 'yon dahil sa akin.

Inaalagaan niya ako kaya hindi siya masyadong umaalis ng bahay. Niligtas niya ako. Minsan ko na lang din siya makitang naka-uniporme dahil siguro... tama ang sinabi ni Felicidad.

Sa Bisig ng Isang HeneralNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ