Kabanata 25

194 11 4
                                    

"Felicidad," tawag ni Gregorio sa kapatid ni Emilio.

Diniretso niya ako dito pagkatapos ng bangayan sa Magdiwang. Kahit pa sinabi ko na sa kaniya na ayos lang naman ako at hindi naman gaanong nasugatan ni Miss Hitocis, nagpumilit pa rin siya.

Pasalampak akong naupo sa narra nilang upuan. Umiling si Gregorio nang makita niya iyon at muling kumatok sa kwarto ni Felicidad.

Wala ngayon si Emilio kaya malaya siyang nagagawa ang gusto niya sa bahay nito. Pero kung sa bagay, sobrang close ng dalawa kaya siguro kaya niyang lumibot dito sa bahay ng walang pumipigil sa kaniya.

Hinawakan ko saglit ang leeg ko kung may masakit pa ba o baka may pasa lang akong hindi nakikita. Napanguso ako habang napapaisip. May gamot ba kapag sinakal ka? Wala pa akong napanood o nabasa na gano'n kahit sa panahon ko. Ang alam ko lang ay dapat na magpahinga ka.

Minsan talaga parang engot 'tong si del Pilar.

Nakita ni Gregorio ang ginagawa ko kaya umiling siya ng marahas at mabilis na nagtungo ulit sa sala. Inalis niya ang kamay ko sa leeg.

"H'wag mo nang kumpirmahin kung may masakit. Ipagagamot pa rin kita kahit ayaw mo."

"Pahinga lang naman ang katapat nito. Inaantok na nga ako dahil oras na ng siesta."

"H'wag kang mag-alala, mas magiging mahimbing ang tulog mo kapag alam natin kung ano ba talaga ang lagay mo."

Napabuga ako ng hangin dahil sa sinabi niya. "Anong lagay ang sinasabi mo? Makapagsalita naman 'to 'kala mo naman nagaagaw-buhay na 'ko!"

Napabaling kaming dalawa dahil biglang nagbukas ang pintuan ng kwarto ni Felicidad. Naputol tuloy ang usapan namin at pareho kaming natahimik. Marahan ang pagkakabukas nito na para bang sa horror movie, wala nga lang usok.

Lumabas si Felicidad na ayos na ayos. Nakangiti siyang lumabas habang magkasalikop ang mga kamay niya. Mistulang parang a-attend ng prom ang lola niyo dahil maayos na nakabilog ang buhok at puno rin ng accessories ang kamay at leeg.

Malambing ang titig niya kay del Pilar pero bumagsak nga lang 'yon nang makita niya ako. Nalaglag ang panga niya habang nagsa-salitan ang tingin niya sa aming dalawa bago siya tumingin sa malayo na para bang nag-iisip. Saka siya naglakad papunta sa amin.

"Ano ang sadya niyo?"

Halos mapapikit ako sa lambing ng boses niya. Nagtaas siya ng kilay ng makita niya 'yon. Doon ko rin napagtanto na nakatayo na si del Pilar at ako ay nakaupo pa rin!

Mabilis akong tumayo.

"Felicidad, may nais lamang akong hingin na pabor sa'yo."

Nakita ko kung paano nagtaas-baba ang dibdib niya bago nakasagot. Hindi rin mapakali ang tingin niya... parang medyo namumula din siya.

Tumango si Felicidad. "Ano 'yon?"

"Nais ko lamang na tiyakin mo kung mayroon bang nabali na buto rito kay Kakang. O kung may pasa ba na kailangang tapalan ng halamang gamot."

Masama kong tiningnan si Gregorio na seryosong sinabi ang mga 'yon. Ang OA naman!

Napatingin si akin si Felicidad kaya napaayos ako ng tayo. Ngumiti ako sa kaniya at tumango pero seryoso lang siyang nakatingin sa'kin.

"Bakit? Ano ang nangyari sa kaniya?"

"Uhm..."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Hindi ko rin kasi alam kung ako ba ang tinatanong niya o si del Pilar. Nagtatanong kasi siya rito pero sa akin naman siya nakatingin!

Sa Bisig ng Isang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon