Kabanata 20

172 12 3
                                    

Nanghina ako at biglang nawalan ng malay. Naramdaman ko na lamang na may bumuhat sa akin at nilamon na ako ng dilim.

Nagising ako sa isang papasikat pa lang na araw. Malabo ang lahat ng nakikita ko at halos mapapikit ulit. Naramdaman ko ang sakit ng katawan ko, lalung-lalo na ang mga paa. Naramdaman ko rin na medyo mahapdi iyon dahil siguro sa mga kakaunting sugat. Matagal bago ko iyon naigalaw kaya minabuti ko munang pumikit saglit at magpahinga.

Nang medyo mahimasmasan ay umupo muna ako sa banig na hinihigaan at kinusot ang mata. Rinig na rinig ko ang mga manok at kaliskis ng mga dahon sa sobrang aliwalas. Medyo naramdaman ko pa ang lamig pero makapal pa rin naman ang damit ko kaya ayos lang.

Habang kinukusot ko ang mata ko ay nakarinig ako ng yabag ng mga paa. Halos bumagsak ang puso ko nang rumagasa ang lahat ng tanong sa utak ko. Napatigil ako sa pagkusot at dahan-dahang tiningnan kung kaninong paa iyon.

Napalunok ako at halos hindi nakahinga nang makitang paa iyon ng isang lalaki. Nakasuot ng pang-ibaba na itim, kayumanggi ang mga paa. Dahan-dahan kong iniangat ang tingin ko at doon ko nakitang...

del Pilar?

Gustong-gusto kong magsalita ngunit walang lumalabas na boses sa aking bibig. Ilang beses akong huminga para makapagsalita ngunit wala talaga!

Seryoso siyang nakatitig sa akin. Ang buhok niya ay mas magulo kaysa sa nakasanayan kong makita sa kaniya noon. Makinis ang morena niyang mukha at mas singkit siya ngayon... siguro dahil kakagising lang. Napalunok ako nang makitang ang mapula niyang labi ay medyo basa.

"Nakatulog ka ba ng mahimbing?" tanong niya sa malalim na boses.

Sinubukan kong tumikhim para mailabas ang boses ngunit wala pa rin kaya tumango na lamang ako.

"Mabuti. Naipaghanda na kita ng almusal sa hapag. Maghanda ka at may itatanong ako sa'yo."

Bumuntong hininga ako at tumango. Hinintay ko siyang umalis bago ako tuluyang tumayo na at ligpitin ang higaan.

Hinawi ko ang kurtina at sinilip kung may tao. Napansin kong wala kaya dumiretso ako sa banyo para maghilamos at magmumog.

Medyo nagtagal ako dahil hanggang ngayon ay hindi ako sanay sa pamumuhay rito. O baka dahil sobrang sakit pa ng katawan ko kaya ayaw ng katawan ko na kumilos. Maliit lang din ang salamin kaya hindi ko gaanong makita ang sarili ko. Mabuti na lang at may igib na naman nang tubig kaya hindi ko na kailangan magbuhat pa dahil baka bumigay na ang katawan ko sa sobrang sakit.

Paglabas ko ay halos madulas ako nang nakitang si Gregorio ay nasa hapag na. Mabilis tumama ang mata niya sa'kin habang hinahalo niya ang kapeng hawak. Tumikhim ako at yumuko bago siya dinaluhan sa mesa.

Tiningnan ko kung anong nasa hapag. Mga pandesal iyon na nasa isang supot. Ini-slide ni Goyo ang kape na nasa tasa.

Doon ko lang na-realize na... na....

"NANDITO AKO SA BAHAY MO?!"

Seryoso niya akong tiningnan bago siya ngumisi.

"Mabuti naman at bumalik ka na sa dati mong sarili." umiling-iling siya at humigop ng kape.

Halos umusok ang ilong ko. Ginalaw ko ng marahas ang mesa kaya hindi niya lubusang nahigop ang kape at tumapon pa sa kaniyang puting damit!

"Anong ginawa mo sa'kin?! Bakit ako nandito?!"

Tumayo siya at pinagpagan ang kaniyang damit. Nakakunot ang noo niyang bumaling sa akin.

"Gusto mong tumakas, hindi ba?"

Bumagsak ang panga ko. "Hindi ko kailangan ng tulong mo!"

Tumaas ang gilid ng labi niya. Medyo kinabahan ako dahil sobrang gwapo niya nang ginawa niya iyon, pero matapang ko pa rin siyang hinarap.

Sa Bisig ng Isang HeneralWhere stories live. Discover now