Kabanata 11

262 15 25
                                    

Pero dahil alam kong marupok ang isang 'to ay may inoffer ako. Hindi ko alam kung papayag ang isang babae sa panahon na ito na gumala kapag brokenhearted. Sa amin kasi ay nagpapaganda o kaya ay nag-aayos. Minsan naman ay nagliliwaliw. Ewan ko lamang sa mga babae rito.

"Ngunit, Udeng. Kung nais mo, maaari tayong pumunta sa teatro na pagtatanghalan nila."

Nagulat s'ya roon pero umiling din pagkatapos. Pero kita ko pa rin doon na may kung ano sa kan'yang gusto rin. Ito naman, papakabaliw na magkulong rito sa mansion.

"May trabaho tayo sa b'yernes, Kakang. Hindi tayo maaaring umalis ng basta lalo na't kung pagliliwaliw lamang ang pakay natin."

Napangiwi ako sa nickname ko na binanggit n'ya. Hindi pa rin talaga ako sanay.

Umirap ako at naghiwa ng sibuyas at bawang para sa susunod na putahe. Isa na lamang ito at maya-maya ay darating na ang mga bisita ng Don.

Napapansin kong madalas ang pagbisita ng mga peninsulares dito sa mansion. Nagulat pa ako nang makita kung gaano sila kapuputi at katatangkad.

"Bienvenido a nuestra casa, su hijo ya es un hombre adulto." (Welcome to our home, your son is now a grown up man.) sabi ni Don Mariano sa mag-asawa na si Senyor Pablo at Senyora Ximena.

Hindi ko naintindihan inyon dahil nakatitig lamang ako sa anak nilang lalaki na kitang-kita ang kislap ng pagka-kayumanggi. Nasisigurado kong espanyol ito at nagbabad lamang sa initan kaya naging moreno!

He has that deep set eyes, tall nose and a thin lips. Kaya't nang maligaw ang mata n'ya at tumungo sa akin ay halos mapayuko ako dahil sa sobrang talas ng kagwapuhan ng mata n'ya. Tipong parang alam ang lahat ng sikreto ko at kayang-kayang makuha ang loob ko ng agaran.

My eyes traveled through his body. Broad shoulders and massive arms. Napakagat ako ng labi at napapikit, ang sarap siguro nitong kasamang matulog sa kama!

Matulog lang!

"Mi hijo, Federico, está ahora de visita en el país. No estoy seguro de si le permitiré quedarse. ya sabes, no nos gusta que vea esos indios." (My son, Federico, is now visiting the country. I'm not sure if I will allow him to stay. You know, we don't like him seeing those indios.)

Sa pagtingin ko sa katawan n'ya ay napatingin ako sa sahig nang marinig ang salitang 'indio'. maging ang pangalan n'ya siguro na Federico. Hindi ko naintindihan pero alam kong tungkol na naman iyon sa panglalait.

Dumating ang dalawang pari. Sa sahig na ako tumitingin sa tuwing tinitingnan ako ng dalawa. Lalo na't hindi ako komportable sa tingin nila. Umiinit lamang ang pisngi ko kapag naaabutan kong nakatingin sa akin si Federico. He will look at me intently and then he'll continuously do it! Titigil lamang s'ya sa pagtingin kapag may itinatanong na si Don Mariano sa kan'ya.

Ang dalawang anak ng Don ay hindi ko alam ang reaksyon. Sumasagot kapag tinatanong. Pero hindi tumitingin sa kausap. Nakayuko lang.

Hindi ko rin naman naiintindihan dahil espanyol ang pag-uusap. Sinasamaan ako ng tingin ng Don kapag nakikita n'ya akong nakanganga sa bawat pinag-uusapan nila.

"Anong pagliliwaliw roon? Panonood lamang ng theatro ay ipinagkakait pa rito." sabi ko.

"Para naman hindi ka na nasanay. Mga indio tayo, natatandaan mo ba?"

Ngumuso ako. Hindi matanggap ang sinasabi n'ya. Kapag Indio ay walang pwedeng gawin kung hindi ang maging alipin?

"Kahit pa, hindi ibig sabihin na walang salapi ay hindi na maaaring maging masaya."

Umiling s'ya ngunit nakikitaan ko ng kung ano. Kunwari pa ito. Konti na lang!

Napangisi ako at tiningnan s'ya. "Libre ko."

Sa Bisig ng Isang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon