Kabanata 24

105 7 0
                                    

"Hindi ka pa nakakapagpahinga, dumiretso na agad tayo dito." sabi ni del Pilar habang nasa sala kami ng bahay.

Mabilis rin kaming pinapasok pagkatapos naming sabihin ang pakay. Sinamsam nga lang ang baril na dala ni del Pilar dahil hindi naman daw iyon kailangan para sa pakay namin. Hindi na rin kami binantayan ng mga lalaki sa labas dahil sa pagpasok.

"Hindi ipinagpapabukas ang ganitong suliranin. Kinakabahan na ako, baka kung ano nang ginawa kay Udeng."

Tumango si del Pilar. "Iniisip ko lang ang kalagayan mo, mas mahalaga 'yon kaysa sa anumang mga bagay. Hindi pa kita naipapatingin sa isang Doktor, mas maayos kung ganoon."

Nagtaas ako ng kilay. "Hindi ba't mayroon naman kayong manggagamot? Kasama si Felicidad roon. Maraming magagaling na manggagamot sa panahong it... doon na lang siguro ako magpapagamot."

Tumango siya. "Sige, mahal ko."

Inirapan ko siya. "Hindi pa kita sinasagot, umayos ka."

"Paano ako aayos kung ganiyan ka kaganda?"

Masama ko siyang tiningnan. "Isa ba 'yan sa porma mo ngayon? Nagpapakabait ka para sagutin kita?"

Ngumisi siya bago kumindat. "Gumagana ba?"

Inirapan ko siya. "Ewan ko sa'yo."

Nakita kong lumabas na ng kwarto si Edilberto. Dala-dala niya ang ekspresyon na para bang nalilito siya kung bakit kami nandito... o kung bakit kami magkasama.

Tumayo si del Pilar kaya napatayo na rin ako. Seryosong nagkatinginan ang dalawa bago dumating ang ilan sa mga myembro ng Magdiwang. Hindi ko kilala ang ilan sa kanila. Ang naalala ko lang, si Emilio Jacinto.

Naglaro sa isipan ko ang mga panahong nakita ko siyang naglilinis ng katawan noon. Na-imagine ko ulit tuloy kung gaano katipuno ng katawan nito kahit na kung titingnan... mukha siyang nerd. Simple at mahinahon ang mukha, hindi katulad ng sa ibang matatapang. Yumuko ito nang mapansing tumititig ako sa kaniya.

"E-Emilio, kumusta ka na?" ngiti ko.

Yumuko siyang muli. "Nagkita na tayo noon, binibini. Kasama ang... iyong..." tumingin siya kay Gregorio. "Kaibigan."

Masigla akong tumango. "Oo-"

Naputol ang sinasabi ko nang malakas na tumikhim si Gregorio. Napatingin tuloy kaming lahat sa kaniya. Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin bago 'yon lumipat kay Emilio.

"Maupo kayo." ani Edilberto.

"Salamat." matigas na sabi ni del Pilar.

"Ikaw ang kaibigan ni Udeng, hindi ba? Ano ang sadya niyo? Bakit niyo ako nais na makausap?"

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung bakit sobrang nakakakaba. Tiningnan ko ang lahat ng mga matang nakatingin sa'kin. Seryoso ang lahat ng 'yon na para bang naghihintay lang ng sasabihin ko. Napalunok ako para magsimula pero... nakaka-intimidate.

Kailangan ba talagang nandito rin ang iba sa myembro bago ako magsalita? Wala bang privacy dito?

"Mawalang galang na ngunit hindi ba mas mabuti kung kami lang tatlo ang narito. Hindi lang komportable ang binibining kasama ko ngayon." seryosong sabi ni del Pilar.

Napatingin ako sa kaniya... nakatitig lang siya kay Emilio ngayon na para bang para kay Emilio lamang ang sinabi niya. Sisikuhin ko na sana siya dahil alam ko kung ano'ng iniisip niya pero na-distract ako agad!

Suot niya ngayon ang uniporme niyang pang-sundalo. Hindi ko alam kung dahil ba iba ang ekspresyon niya ngayon kaya iba rin ang pakiramdam ko. Kanina ko pa naman siya kasama pero ngayon ko lang na-appreciate na... ang gwapo pala talaga niya sa uniporme niya. Mas lalo tuloy akong napalunok sa tikas niya ngayon habang seryosong nakatingin sa bawat lalaking nakatuon ang atensyon sa akin.

Sa Bisig ng Isang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon