Kabanata 8

297 12 1
                                    

Who am I kidding? Ayoko na pala!

Nakakainis itong mabahong aso na ito. Hindi pa ako tuluyang nakakasakay sa kabayo ay pinatakbo na n'ya agad. Muntikan akong mawalan ng balanse, buti na lang at nahigit ko ang braso nya. Wala na talaga itong maganda pang gagawin! Habambuhay ko na siguro s'yang kamumuhian. Wala akong nagawa kung hindi ang mapayakap at kalmutin s'ya kahit saan! Nakakainis talaga! At heto sya, tawa lang ng tawa at hindi man lang natitinag sa kalmot ko.

"Pikon!" At halakhak nya sa gabing ito. Wala naman akong nagawa dahil lalo lamang nyang binilisan ang takbo nang kinalmot ko pa sya.

Nang maaninagan ko na ang mansion ay dahan-dahan na ang paglakad ng kabayo. Bumaba ako at muntik pang magdagasa pero hindi ko ininda iyon. Nagdire-diretso ako sa pagmamartsa habang mahigpit na hinahawakan ang bandana ko.

Didiretso na sana ako at hindi iindahin ang halakhak nya pero naalala ko ang ginawa nyang paghalik sa'kin kanina. Nilingon ko sya. Isinangga nya ang kanyang mga braso dahil sa biglaang panghahampas ko sa kanya. "Bakit mo 'ko hinalikan?!" Ngayon pa lamang sumabog ang galit ko. Kanina kasi ay tinanggap ko pa. I am hypnotized! Ngayon ko pinagsisisihan ang lahat!

"Shh." Pagpapatahimik nya sakin habang nakangisi. "Baka marinig nilang nagustuhan mo." At halakhak nya.

Hindi tumigil ang panghahampas ko sa kanya. Hindi rin naman sya natitinag dahil palad ko pa ang nasasaktan sa tigas ng katawan nya. "Napaka mo! Iyon ang una kong halik! At hindi man din ikaw ang nobyo o asawa ko! Walang hiya!"

"Bakit? Edi, tayo na ngayon para hindi ka na magkunwaring naiinis." Sabi n'ya habang kumikislap ang mata.

"Ano?! Hoy!" Dinuro ko s'ya. "Mauubos muna ang mga tao sa mundo bago kita magustuhan! At kahit ika'y isa na sa mauubos ay hindi pa rin kita gugustuhin!"

Ngumiti lamang s'ya, parang natuwa pa sa sinabi ko.

Nang mainis at mapagod ay ako na mismo ang umalis dahil alam kong asar talo na ako. "Ano, kalog na babae? Mananahimik na ba iyang bunganga mo? Halik lang pala katapat mo." At halakhak nyang muli.

Napapikit ako at hinarap sya ulit. Inabot ng kamay ko ang buhok nya at hinigit pababa. How dare you! Ang kapal mo! Lalo akong nainis nang maging sa pagsabunot ko ay tawa pa rin sya ng tawa.

Padarag ko syang binitawan at naglakad papasok. Hindi ko na sya nilingon kahit na naririnig ko pa rin ang tawa nya.

Pagkapasok ko ng pintuan ng mansion ay matalim na nakatitig sa akin si Remedios pero pagkakurap ko ay nakangiti na syang muli. Bakit gising pa sila? Napatigil ako.

"Sa lahat ng kilala kong mga kasambahay, ikaw pa itong nagpapahintay sa amo." Mariin na untag ni Don Mariano sa'kin.

Ni hindi man lang ako natinag at tiningnan ko pa s'ya sa mata. Narinig ko ang pagtawag ng maliit na boses ni Udeng at sinenyasan akong yumuko. Iyon ang ginawa ko. "At sino naman ang may sabi sayong may karapatan kang utusan ang aking anak na si Dolores upang magpasama?"

Nanlaki ang mata ko at napaangat ang tingin sa Don at lumipat kay Dolores na nag-iiwas ng tingin. The fuck?!

"S'ya po ang nagpasama sa akin, Don Mariano." Katwiran ko.

Humalukipkip s'ya at lalong dumilim ang ekspresyon. "At sinasabi mo pang sinungaling ang aking anak?"

Napailing si Udeng. Sinasabi nya sigurong 'wag na akong umimik dahil mawawalan ako ng trabaho. Pero ha? Hindi pwede ito!

"S'ya po ang may nais na makita ang Ginoo sa labas, Don." Nakatitig ako sa mga mata n'yang matalim ngayon.

I don't care if I look unbelievable. Pero hindi ko isusuko ang dignidad ko!

Sa Bisig ng Isang HeneralOù les histoires vivent. Découvrez maintenant