CHAPTER 39

17.4K 805 48
                                    

Chapter 39: Jealous

Rue



I STEPPED back for the nth time. I want to punched my face right now because of what I'm doing. I look like a coward here. Rue, this is not so you! Parang sa gano'n lang, e!

Kanina pa ako rito pero parang ayoko ng pumasok. Malapit na ako sa building namin pero pinili kong huminto sa malapit na puno na madadaanan mo kapag papunta ka sa lumang building ng HA. Isinandal ko ang likod do'n at pabagsak na binaba ang backpack. I don't care kung madumihan iyon, hindi naman ako kasing arte ni Cazzy the pusa. Bakit ko ba siya naisip? Aish.

"Bang!"

"P*tangina!" gulantang na sigaw ko. Halos mapatalon ako sa gulat ng dahil sa kaniya. I closed my eyes to suppressed my annoyance. Ganyang-ganyan din ang ginawang pangugulat sa 'kin ni Hiro. Walang duda. Magkakaibigan talaga sila.

"Rue, mukha ka pa lang kabayo kapag nagugulat," tatawa-tawang anito.

Sinamaan ko siya ng tingin. "You almost give me a heart attack, Gavin! Bwisit ka."

"Oh sorry," sarkastikong saad niya.

Kinunutan ko siya ng noo at hindi nakapagsalita ng ilang segundo.Napatitig lang ako sa kaniya.

"What?" taas kilay na wika nito.

"Ngayon lang kitang nakitang tumawa ng ganyan. Is that you, Gavin?" asar ko sa kaniya na naging dahilan para mag bago ang ekspresyon sa mukha niya at maging seryoso ulit--the usual Gavin.

He looked away at humikhim. "Bakit ka pa narito?" pag-iiba niya ng usapan at sumandal na rin sa puno.

"Trip ko?" patanong kong sagot.

"Cutting kamo," natatawang anito.

"Hindi ah! Lagot ako kay kuya 'pag nagkataon," sagot ko.

Binalot kami ng katahimikan pagkatapos kong sabihin 'yon. Knowing Gavin, hindi rin 'to palasalita. Hindi ba napapanis ang laway niya? O, sadyang nasasayangan siya sa laway niyang natatapon tuwing magsasalita?

"So..." Napalingon ako sa kanya. "Wala," anito habang natatawa. Napakunot ang noo ko pero agad nawala 'yon ng ginulo niya ang buhok ko.

Bakit ba mahilig silang gulohin 'yong buhok ko? May buhok naman sila bakit pa nila pinapakialaman 'yong akin? Sinundan ko siya ng tingin nang dinampot niya ang bag ko at nilagay sa likod niya. Walang ano-ano'y naglakad na ito papunta sa building namin.

"Sinong nagsabi sa 'yo na ikaw ang magdadala niyan?" Hinabol ko s'ya. "Akin na 'yan." Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Kita mo 'tong tukmol na 'to. Napansin kong nakangiti siya at umiling. Bakit ba ngumingiti 'to? He's gone crazy.

"Ibalik mo 'yang bag ko, Gav. Ano baaaaa." Mas binilisan niya ang paghakbang ng mga paa niya kaya nauna na naman siya ng ilang pulgada.

Ako na naman si uto-uto, hinabol siya. Pinalo ko ang braso niya kaya napahinto siya.

"My bag," sabi ko at nilahad ang kamay.

"Iyak ka muna," nang-aasar na anito.

Naningkit ang mata ko. I have no choice kung 'di agawin sa kaniya ang bag ko pero hindi ko 'yon makuha-kuha. Syenpre medyo kinontrol ko ang paggalaw-galaw ko, mahirap na baka mapaano pa ang tahi ko sa tagiliran. 'Yong lokong Gavin nilayo lang sa 'kin ang bag ko at itinaas. Now I can't get my bag.

Gavin was tall but compared to Zinnon, he was way more taller than him. Mukhang tore si Z sa taas niya kaya walang-wala si Gav—bakit ko ba ikinukumpara silang dalawa? Rue, ano ka ba! They're different from each other kaya h'wag kang mag-compare r'yan.

Me and the Worst SectionWhere stories live. Discover now