CHAPTER 26

18.6K 822 50
                                    

Chapter 26: Foundation Week part I

Rue



TULAD nga ng sinabi ko ay sobrang bilis tumakbo ang oras. Now it's a special day and our foundation week. Everyone was excited and waitng for this day to come, you can see it through their eyes anyway. I smiled and jumped off my bed.

Napailing ako ng maalala kung paano ko siya napapayag.

Napalunok ako at tiningnan siya sa mata.

"Please, let us enjoy. It's my birthday. That's the greatest gift that I'll be having in the rest of my life. Pumayag ka na Z! Ceasefire muna kayo ng Star Section at...ng ibang kalaban mo sa araw na 'yon."

Tinaasan niya ako ng kilay at nagtitigan lang kaming dalawa. Please pumayag ka naman! Kung hindi bububogin kita.

"That's the most crazy reason I've ever heard. Incredible..." Humalakhak siya. "And you'll expect that I'll be saying yes because of that?

"No." I directly said with the determination visible on my face. "This will make you say yes"

In a blink of an eye I punched him right on his face. Of course he just dodge it easily but it's just my tricked. Sinipa ko siya pagilid kaya hindi niya naiwasan 'yon. Napadaing siya pero ngumisi rin kalaunan.

"Remarkable woman."

And that makes him said yes. Unbelievable isn't it? Tsk! Zinnon and his tricks.

"Rue! Open the door," sigaw ng gago kong kakambal.

Bahala siya. Naiinis pa rin ako sa kanya. It's been weeks and I didn't talk to anyone here in our mansion.

Sinuot ko 'yong pink na shirt na nagrerepresent sa section namin at black jeans with snikers. Ayoko ng mga lantad na suot. So eww!

"Rue ano ba! Buksan mo 'to kung hindi gigibain ko ang pinto mo! Sumabay ka sa 'kin."

Patuloy pa rin siya sa pagkatok pero hindi ko pinansin. Sinuot ko ang bag at pumunta sa veranda. Dito na kasi ako bumababa kapag nandoon si Kuya Eziel sa labas ng pinto ko. Nasa second floor ang kwarto ko pero sisiw lang 'yan. Meron naman kasing mataas na puno sa labas ng veranda. Diyan ako sumasampa para maayos na makababa. May lahing unggoy din!

Sa kabutihang palad ay matiwasay akong nakalabas ng bahay. Mamaos ka diyan Kuya Eziel kakatawag. Kaya no choice, mawawalkaton na naman ako. Doon ulit ako dadaan sa shortcut na alam ko, sa may eskinita na puro bakulaw. Sana this time huwag naman sana akong makasalubong ng hindi kaaya-aya. Birthday ko pa naman.

Pero pagkakataon nga naman. Hindi talaga ako tinatantanan. May nakita akong mga nakasunod sa 'kin. Kampon ata ng ninja turtle. Tang na juice! Nakaitim at may bandana pang pakulo sa noo. Bwisit! Ang sagwa tingnan, parang nag-aadik sa kanto.

Palihim kong binilisan ang lakad at narating ko ang HA ng walang galos man lang na natamo.

Maybe they're spying. What are they after?

"Hi Rue!"

"Ganda natin ah?"

"Nakakabakla naman ng damit natin mga dre!"

"Para tayong isang kupon ng mga biik! T*ngina!"

Napatawa ako ng bahagya. Ang iingay nila. Partida nasa room palang kami noyan, paano nalang kaya kapag doon sa field ng HA kami pumunta diba? Color coding daw kasi kami kaya ganyan. Hinanap ng mata ko si Zinnon pero wala 'to.

"Z will not be attending...if that's what you want to know," Hiro said.

Ewan ko ba, parang kabute itong si Hiro at sulpot nang sulpot at sagot nang sagot sa mga tanong ko sa utak.

"Yo!" Umakbay si Owen sa 'kin kaya napatawa ako.

"Sobrang saya natin ah? Hindi halata," sabi ko at napakamot siya ng ulo.

"2'nd time pa lang kasing makaattend kami no'n. Epic pa 'yong nauna dahil you know." Awkward siyang tumawa.

"Dati magkaayos naman ang star section at sky section.-" pinutol ang ang sinasabi ni Noah.

"Sky section? Sino 'yon?" Takang tanong ko.

"Tayo 'yon Rue! Dating pangalan ng section natin 'yon bago tayo tinaguriang worst section," ani Cyril.

"Ah..." 'Yan lang ang nasabi ko kaya ipinagpatuloy ulit nila ang pagkukwento.

"Ang saya pa namin no'n pero naglaho 'yon ng mag-away sina Z at Eziel dahil sa babae. Nagsuntukan sila sa loob ng gymnasium at naroon pa 'yong babae. Automatic na hininto ang programa at sinuspend kaming lahat ng ilang weeks. Si Z kasi ang nangunang sumugod sa kanya at kitang-kita ng lahat 'yon kaya wala kaming nagawa." Mahabang ani Cyril.

"Tara na nga!" Anyaya ko sa kanilang lahat sa field. Doon kasi gaganapin ang opening program, hindi naman mainit kaya okay lang.

"Bakit nandito sila? Manggugulo na naman 'yan!"

"Oo nga!"

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante matapos na marating ang field.

"Konti na lang talaga tutusukin ko 'yang mga mata nila!" Inis na sabi ni Rin.

"Hayaan niyo sila. Basta tayo mag-eenjoy ngayon okay?"

"Okay!"

"Yes na yes!"

Nagtawanan kami. Halos hindi na namin napansin na tapos na pala ang opening program at nga kaekekan diyan. May mga booth na nakakalat sa sa gilid pero syempre sa pagkain kami pumunta at hindi namin inasahang sa star section pala 'yon.

"Look, may mga gutom tayong asong gustong kumain," mapanginsultong wika ni Cazzy.

Inirapan ko siya. "Nandito kami sa pagkain hindi sa inyo. Kaya huwag mo akong simulan baka biglang umiba ang posisyon ng mga kolorete mo sa mukha." Ngumisi ako kaya nawala ang ngiti niya kanina.

Oh ha? Ano ka ngayon?

"You bitch!" Susugurin niya sana ako at tatapunan ng juice na hawak niya pero may pumigil sa mga kamay niya.

"Stop it Caz, will you?" Madiing wika ni Kuya Eziel. Tinaasan ko siya ng kilay ng magtagpo ang mga paningin naming dalawa.

Wow! Himala!

Hindi ko sila pinansin at bumili. Tinawag ko pa ang mga kaklase ko dahil nakatunganga lang ito sa likod. Mga baliw! Halos maubos namin ang mga paninda nila. Ikaw ba naman ang magkaroon ng kaklaseng patay gutom.

Nasa field ulit kami nakaupo ng mapagpasyahan kong bumili ng drinks namin. Sasama pa sana sina Hiro, Owen at Gavin pero hindi ko na sila pinatayo pa. Nagkatinginan lang ang mga ito na parang nag-uusap sa kanilang mga utak.

Napaano naman ang mga 'to?

Saan kaya ako bibili? Doon booth na lang kaya? Or cafeteria na lang? Baka mapaaway pa kasi ako kapag sa booth. Naroon ang mga drinks kina Kuya Eziel. Baka hindi ko matancha 'yang Cazzy na 'yan at masuntok ko pa.

Papunta na sana ako pero maramdaman kong naiihi na ako. Tang na juice naman! Wala akong magawa kundi magcr.

Walang katao-tao kaya ang creepy. Tang*na! Dali-dali akong naglakad patungo ro'n at pumasok sa cr. At nagpapasalamat akong nakaihi ako ng maayos at walang multong lumabas.

Akmang lalabas na ako ng may tumakip na pa yo sa bibig ko. Nagpumiglas ako pero ang lakas niya.

"Huwag ka nang manlaban. Tulog ka muna Miss. Pagkagising mo may surpresa kami sa 'yo. Birthday mo diba? Threze Rue Gonza..." nanindig ang balahibo ko sinabi niya. Nanlaki ang mata ko dahil kilala ako nito. At paanong nalaman niya na biryhday ko? Sino ba 'to?

Sh*t!

Nagpumiglas ako pero sa huli ay wala akong nagawa. Unti-unti akong nanghina and everything went black.








A S T A R F R O M A B O V E

Me and the Worst SectionWhere stories live. Discover now