CHAPTER 29

18.5K 860 54
                                    

Triggered warning!
Unappropriate scenes ahead.

Chapter 29: Scared

Rue


"AH! F*ck you!" sigaw ko nang hilahin ng kung sinuman at ibinalik sa pwesto ko ang upuan na nakatali pa rin sa 'kin. Sobrang sakit ng paghatak niya dahil hindi upuan ang hinawakan nito kundi ang buhok ko.

Kapag nakalbo lang talaga ako! Lahat ng buhok niya sa katawan aahitin ko! Libreng brazillian wax!

"Paglaruan niyo muna 'yan, Raymond hangga't wala pa ang mga walang k'wenta niyang section at Zinnon na 'yon," utos nito at nginisihan niya ako pagkatapos at umalis na.

Bakit parang kamukha niya ang Arman na nakasalubong ko rin sa iskinita sa mga nagdaang araw? O sadyang magkakamukha lang talaga ang mga unggoy?

Arllu? Arman? Jusko! Ang pangit ng pangalan, obvious naman sa pagmumukha nila.

"O, paano ba 'yan? Pwede raw naming gawin ang lahat ng gusto namin ngayon." Ngumisi ng nakakaloko ang Raymond na 'yon.

Nagsibalikan din ang iba sa pag-iinuman at nakisali ang mga bagong dating. Pero langya talaga naman oh! Hindi ako tinantanan ng bwisit na manyakis na Raymond na ito. Sinamaan ko siya ng tingin at akmang sisipain ulit pero nahuli niya ang mga paa ko.

My eyes widened ng makitang may inilabas na tali 'to.

"Tingnan natin kung makakapalag ka pa rito." Marahas niyang itinali ang paa ko. Nung una ay nagpupumiglas pa ako pero pahina nang pahina 'yon dahil sa ginawang pagsuntok nila sa 'kin kanina. Tagumpay niyang naitali ang dalawa kong paa kaya hindi ko na siya masipa pa. Tang na juice!

Nasa paanan ko pa rin siya at nakaluhod at biglang nangilabot ang buong sistema ko ng sinimulan nitong hawakan ang mga paa ko pataas sa tuhod ko. Ang kaninang yabang at angas ko sa pakikipagsagutan kanina sa boss nila at sa kanya ay biglang nawala na lang na parang bula. Napalitan ito ng matinding takot at pangingilabot sa bawat haplos ng mga kamay niya.

"W-what are you d-doing? Don't touch me as*hole! Tulong! Z!" Ewan ko ba at kung bakit ako nanghihingi ng tulong gayong alam ko namang walang makakatulong sa 'kin ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit ko tinawag ang pangalan ni Z.

"Hahahah miss ang ganda mo naman. Raymond ako pagkatapos mo ah?"

"Chicks ba iyan ni Zinnon? Magaling pumili ah!"

"Huwag kang maingay miss baka hindi ako makapagpigil at dalhin kita sa langit!"

Nagtawanan ulit sila. Mga demonyo! Pilit kong kinakalag ang pagkakatali sa 'kin pero parang mas humihigpit ito. Tang na juice! Who the hell invented this rope? Ugh! I hate it!

Nanlilisik na ngayon ang mga mata ni Raymond na animoy papatay at gigil na gigil. Kapareho ng mata ng taong iyon!

Bumilis ang tibok ng puso ko at naghabol ako ng hininga. Tila wala na akong naririnig sa mga alaalang pumapasok sa utak ko.

"Bakit ito lang? Nasaan na ang iba? Kulang ito! Walang hiyang bata ka! Siguro ay kinupit mo ang iba?" Nanlilisik ang mata niyang nakatingin sa akin at pilit akong pinapaamin sa gawaing hindi ko naman ginawa.

Marahas niya akong hinawakan sa magkabilang braso kaya napaiyak ako. Nangibabaw ang takot sa sistema ko dahil alam kong sasaktan na naman ako nito.

"H-hindi k-ko po k-kinupit ang p-pera. 'Yan lang p-po t-talaga ang na-na-nakaw namin," hikbi kong sagot sa kanya pero hindi pa rin niya ako binitawan. Mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa 'kin at parang ikakadurog na iyon ng mga mumunti kong buto sa balikat anumang oras. "A-aray p-po tama n-na p-po...nasasaktan na po ako..." Mas lalo akong umiyak.

"Wala ka talaga silbi kahit kailan!" Binalibag niya ako kaya tumama ang kaliwang braso ko sa isang bakal na nagdulot ng paglakas ng iyak ko. "Tumahimik kang bata ka! Wala ka na ngang silbi! Ang ingay pa ng bibig mo!" Akma niya akong lalapitan pero napatigil ito ng may isang batang naglakas ng loob na sagutin siya.

"Huwag mong sasaktan si Roro! Unggoy ka!" Pinalo niya ang lalaking dumukot sa amin ng isang kahoy.

"Aba't! P*tangina kang bata ka!"

Kahit na mga bata pa lang kami ay hindi siya nag-alangang gawaran ng isang malakas na suntok ang batang lalaking 'yon. Napaiyak kaming lalo ng mga kasamahan kong bata nang tumalsik ang batang lalaking tumulong sa 'kin. Nanginginig man ay lumapit ako sa kanya nang humikbi.

"H-huwag ka nang u-umiyak Roro..." Anito at nginitian ako. Napaiyak akong lalo ng makitang may dugo ang gilid ng bibig nito.

"Tumahimik kayo!" Sigaw niya kaya napatahimok ang ibang mga batang nag-iiyakan. Muli niya kaming tiningnan na may nanlilisik na mata na animoy papatay talaga. "Magsama kayong dalawa sa bodega hangga't hindi kayo tumatanda! Wala kayong mga silbi t*ngina!"

Hinatak niya kami na parang papel at wala kaming nagawa. Bukod sa mga maliliit kami kumpara sa mamang ito ay wala na rin kaming lakas pareho dahil sa ginawa niya. Impit akong napaiyak dahil sa sakit ng kaliwang braso ko. Basta niya na lang kaming pinasok sa isang kulungan na sobrang dilim na tanging ang maliit na bintana at nakasilip na bilog na buwan ang nagsisilbing ilaw namin.

"I-ipakukulong ko kayo kay daddy! Humanda kang u-unggoy ka!" Sigaw ng batang katabi ko.

"Kung makakalabas pa kayo rito ng buhay! Walang nakakatakas sa 'kin kaya sumunod kayo kung ayaw niyong matulog gabi-gabi rito!" Humalakhak siya kasabay ng pagsara ng pinto at inilock ito.

"Huwag niyong bibigyan ng pagkain ang dalawang kutong lupa na iyon! Naiintindihan niyo? Ang sino mang lalabag ay magagaya sa kanila. Naiintindihan niyo ako?" Anito ng sa labas na siya.

"Opo!" Takot na sagot ng mga batang lansangan na kasama namin.

Takot akong umiyak pero biglang may yumakap sa akin.

"Stop crying okay? Nandito lang si Dey-dey para protektahan ka Roro," anito.

Dey-Dey? Napatigil ako sa pag-iyak ng dahil doon. Napatitig ako sa kanyang magagandang mata. Parang may humaplos sa puso ko. For the first time in my life may taong tumayo sa tabi ko at ipinagtanggol ako. Sobrang...sobrang sarap sa pakiramdam!

"B-bakit mo ako tinatawag na Roro?"

"Wala ang cute mo kasi. Bagay sa 'yo. Diba ang cute? Kapangalan 'yan ng pet kong namatay." Tumawa siya.

"Tao ako hindi pet!" Inis kong sabi.

"Pero ang cute mo!" Napakurap ako ng magsink in sa akin ang salitang cute.

"H-ha?"








A S T A R F R O M A B O V E

Me and the Worst SectionWhere stories live. Discover now