Chapter 6

24 3 0
                                    

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

“Dr. Lopez, didiretsahin ko na kayo,” kinuyom ko ang palad ko. “Ano pong resulta ng DNA test?”

Nilagay niya sa brown envelop ang papel na binabasa niya kanina tsaka niya inabot sa’kin. “Positive.”

Unti-unting lumuwag ang pagkakakuyom ng kamay ko. Hindi ko alam kung napaawang ang bibig ko pero all I know is that my world suddenly stopped.

“Denmark, are you alright?”

Biglang nagbalik ang mga senses ko. “H-Ha? Yes. Nasa’n na siya?”

Tumayo si Dr. Lopez. “This way, please.”

Binuksan niya ang pinto sa likod niya. Mas malaki pa ‘to sa kwarto kung nas’an si Dr. Lopez kanina. Ni-lead niya kami sa stainless steel na lamesang parang hospital bed.

Napako na ang atensiyon ko sa nasa harap namin nang lumabas si Dr. Lopez. Naramdaman kong hinihila ni Hae Soo ang dulo ng polo ko.

“K-Kuya Denmark, bakit tayo nandito?” Napahinto siya saglit. “B-Bakit may kalansay?”

Tinitigan ko muna siya (‘yong kalansay) ng matagal bago tumingin kay Hae Soo. “’Yan… ‘Yan na ang hinahanap mo. ‘Yong bangkay mo.”

**6**

Nakatayo lang si Hae Soo sa gilid ng kalansay. Tinititigan niyang mabuti, parang sinusuri kung siya ba talaga ‘yon o hindi.

Ngumiti siya at hinawakan ang daliri ng kalansay.

“Nahanap na rin kita,” napasinghap siya. “Akala ko hindi na eh.”

“Hoy Hae Soo…”

Tumingin siya sa’kin. “Kuya Denmark, maraming salamat… sa tulong mo.”

Habang nakatingin sa kanya, naisip ko ano nga bang pakiramdam na makita ang sarili mong bangkay after five years? Halo-halo sigurong emosyon ang mararamdaman ko kung ako man ang nasa kalagayan ni Hae Soo. Tuwa dahil sa tagal ng panahon, nahanap pa ang labi ko. Galit sa kung sino mang hinayupak ang pumatay sa’kin at sumira sa mga pangarap ko. At awa sa sarili dahil namatay kang wala man lang nakakaalam kung nasa’n ka o kung may pake man sila kung humihinga ka pa o hindi.

Nakangiti pa rin siyang parang timang sa gilid ng bed. “Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya.”

Lumapit ako sa kanya. “Hindi ka ba nagtataka kung sino ang may gawa sa’yo niyan? Kuntento ka na lang ba na makita ang ganito?”

Umiling siya. “Alam ko nang mangyayari ‘to… Tanggap ko na.”

So, gano’n na lang ‘yon? Ni hindi man lang niya hahanapin ang hustisya para sa sarili niya? Kung sino ‘yong hayop na may gawa sa kanya niyan? At bakit nga ba ako affected? ‘Di ba dapat wala na akong pake sa desisyon niya? After all, hanggang dito lang naman talaga ang usapan namin. Once na mahanap niya ang bangkay niya, babalik na siya sa panahon niya. Wait, pa’no niya magagawa ‘yon?

“Ngayong nahanap mo na ang dapat mong mahanap, ano ng plano mo?”
Blangko siyang napatingin sa’kin. Mukhang wala pang plano ang babaita.

“Hindi ko alam. Hindi ko pa napag-iisipan.”

Sumandal ako sa pader at humalukipkip. “Pwes, mag-isip ka na. Hanggang dito na lang ang usapan natin, ‘di ba?”

Tumango siya. “Hanggang dito na lang.”

Nagtataka ako kung bakit hindi man lang siya umiyak nang makita ang sarili niyang bangkay. Hindi ko alam kung may sapak na ba talaga siya sa utak o hindi niya lang talaga feel ang umiyak. Siguro nahihiya sa’kin.

Breaking Curses [Hiatus]Where stories live. Discover now