Chapter 12

21 3 0
                                    

Uncertain.

“’Nga pala, I know this is so random pero may naaalala ka bang lalaking naghuhukay sa tabi ng balete na malapit sa university namin five years ago?”

Kumunot ang noo ni Dave, pilit inaalala ang nangyari five years ago. “Wait,” he snapped his fingers. “Ah! Si Kuya Dong. Nililibing niya ang aso niya noon.”

“Pa’no kayo nagkakilala?” usisa ko.

“Dati namin siyang family driver. Kaka-resign lang niya, siguro mga two years ago? Oo, two years nga.” Tumango-tango pa siya.

“Do you know Errol, one of my best bro in college? May itatayo silang site sa mismong lugar na ‘yon. And you know what they discovered? Not the bones of a dog, but rather, a makeshift coffin.”

Nabitiwan ni Dave ang tinidor. He sat there, astounded. “R-Really?”

Napasandal siya sa upuan. I can hear his heavy breathing. “Kaya pala something was off that night. Parang kinakabahan siya habang kausap ako noon. Bukas nga rin ang zipper niya, sasabihin ko sana kaya lang ako na rin ang nahiya.”

“That’s why we need your help, Dave.” Sumulyap ako kay Hae Soo na nanonood pa rin sa mga nangyayari. “Kailangan magkaro’n ng hustisya ang pagkamatay ng ate niya.”

Ang seryoso na ng mukha niya. I can see that he also clenched his teeth. “Hindi ko mapapalampas ‘to.” He looked at Hae Soo and smiled. “’Wag kang mag-alala, si Kuya Dave ang bahala. Hahanapin natin si Kuya Dong para malaman kung siya ba talaga ang pumatay sa ate mo.”

**12**

Magta-tatlong linggo na ang nakalipas mula nang ipangako ni Dave na tutulungan niya kaming hanapin si Kuya Dong – ang primary suspect sa pagpatay kay Kikay. In-email ko rin sa kanya ang result ng DNA test na sinasabi ko para mag-serve na ebidensiya. Madalang na rin kaming lumabas ng bahay dahil baka mamaya, bigla na lang kaming tawagan ni Dave.

Busy ako sa job hunting online habang si Hae Soo maghapon nanonood ng KDrama. Hinahayaan ko na lang, anytime kasi pwede na siyang bumalik sa panahon niya. Although wala talaga akong idea kung paano mangyayari ‘yon.

“Kuya Denmark!” tawag niya galing sa sala. “Maganda ba ‘yong…” pinapakinggan ko siya kasi parang nahihirapan siyang basahin ang kung anuman ‘yon. “Another Oh Hae Young?”

Dali-dali akong tumayo at napatakbo sa sala. “H-hindi! Hindi maganda ‘yan!” Lumapit ako sa may TV at hinugot ang flashdrive. “Sandali lang.”

Pumasok ako sa kwarto at sinaksak ang flashdrive sa laptop. Binura ko lahat ng KDrama na may pagka-SPG mga tipong may mga todo-todong halikan, gano’n. Ayokong ma-pollute ang pag-iisip ni Hae Soo. Isa pa, baka bigla niyang gawin ang jump and then embrace na ginagawa ni Hae Young sa drama.

Binalik ko rin naman agad ang flashdrive sa TV. “Gano’n ba talaga kapangit ‘yon?” tanong niya.

Tumango na lang ako para matapos na ang usapan. Maganda naman ang kwento kaya lang… naputol ang train of thought ko nang may tumawag sa cellphone. Si Dave.

“Denmark? May lead na kami sa lugar ni Kuya Dong.” Excited na sabi niya.

“Talaga? Sa’n daw?” Umupo ako sa sofa at ni-loudspeaker ang phone.

“Sa La Union. Nakipag-cooperate na kami sa mga pulis doon. Baka bukas pwede na siyang hulihin.”

Pi-nause muna ni Hae Soo ang pinapanood at nakinig ng mabuti sa pag-uusap namin ni Dave. “Ayos lang ba kung bumiyahe kami papunta diyan?” tanong ko.

“Oo naman, mas maganda nga kung gano’n ang gagawin niyo. Ite-text ko na lang sa’yo ‘yung lugar kung saan tayo magkikita.”

Then he hung up. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko pagkatapos ng usapan namin. Heto na, ito na talaga. Makikita na ni Hae Soo ang pumatay sa kanya.

“Narinig mo ba ang usapan namin?”

Tumango si Hae Soo. “Kailan tayo pupunta doon?”

“Mamaya,” tumayo ako naglakad papuntang kwarto. “Kaya maghanda ka na. Magkikita na kayo ng killer mo.”

Nakapagbihis na ako nang maabutan ko si Hae Soo na inaayos ang sira niyang tsinelas sa may tapat ng pinto. Napigtal kasi ang strap at hirap na hirap siyang ibalik ito sa ayos.

Breaking Curses [Hiatus]Where stories live. Discover now