Chapter 13

19 1 0
                                    

Hae Soo's POV

“Ineng, ineng! Gising!” may yumugyog sa braso ko. “Huy! Gumising ka!”

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Napaayos ako ng upo nang makitang may aleng may dalang walis na nakatingin sa akin.

“Ayos ka lang ba? Ang laki ng sugat mo sa noo oh.” Tinuro niya ang parte kung nasaan ang sugat.

Bigla kong naalala na tinulak nga pala ako ng napakalakas ni Ate Riza kaya tumama ang ulo ko sa gilid ng sidewalk. Tumingin-tingin ako sa paligid at laking pagkagulat ko nang makitang nasa may tabi ako ng bato na malapit sa puno ng balete.

“Ale,” kinakabahan na ako. “A-Anong petsa na ngayon?”

Nagtataka siyang tumingin sa akin. “February 10, 2012.”

Parang tumigil ang mundo ko sa narinig. Nakabalik ako sa nakaraan!

**13**

D-1

“Buti na lang talaga, napadaan ako doon. Pa’no na lang kung may masamang taong nakakita sa’yo? Naku talaga.” Paglilitanya ni Aling Cynthia, ‘yong metro aide na nakakita sa akin. Dinala niya ako sa pinakamalapit na clinic para gamutin ang sugat ko. Napakabait niya para paglaanan ako ng oras na samahan dito.

“Pasensiya na po…at salamat.” Nahihiya kong sagot.

“Alam mo ba ang number ng mga magulang mo? Makikitawag tayo sa iba para malaman nilang nandito ka.”

Umiling ako. “Wala na po akong magulang.”

Napatigil siya at kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala. “Eh, sinong kasama mo dito sa Manila?”

“Wala po. Patay na.” Pinigilan kong umiyak. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

Tinapik-tapik niya rin ang likod ko.
Humiwalay na rin siya ng pagkakayakap sa’kin at tinitigan ako.

“Kung wala ka nang mapuntahan, sumama ka na lang sa akin. Tulad mo, nag-iisa na rin ako sa buhay.”

Tumabi siya sa kinauupuan ko. “Naka-relate ako ng sobra sa sinabi mo. Alam mo ba, dalaga pa lang ako, lumuwas na ako ng Maynila para magtrabaho. Matatanda na kasi mga magulang ko kaya ayoko nang mapagod sila sa bukid.” Huminga siya ng malalim. “Sobrang hirap ng buhay sa probinsiya na kahit solong anak ako, hanggang grade six lang ang natapos ko.”

Nakikinig ako ng mabuti sa kinukwento ni Aling Cynthia. Malungkot rin pala ang naging buhay niya. “Kaya namasukan ako bilang yaya noong thirteen ako. Lahat ng perang kinikita ko, pinapadala ko sa probinsiya. Nakakatuwa kasi nakakatulong ako sa mga magulang ko. Pero namatay sila noong binagyo ang lugar namin.” Hindi na niya napigilan ang mapaluha. “Biglaan lahat. Hindi sila nakalabas agad ng bahay nang bumaha kaya natangay sila. Kahit mga kapitbahay namin, wala na ring nagawa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nang makita ang bangkay nila. Para akong mababaliw. Sino nang makakasama ko sa buhay? ‘Yan ang pinakauna kong tanong. Pakiramdam ko, namatay na rin ako noong araw na ‘yon.”

Bigla siyang natawa habang pinupunasan ang luha. “Drama much ba?” Umiling ako. “Wala, share lang. Weird nga eh, hindi pa talaga kilala pero napakwento na ako ng buhay kong mala-MMK.”

“Aling Cynthia…” napatigil ako nang tinaas niya ang kamay.

“Hephep, anong Aling Cynthia? Ate. Ate Cynthia na lang itawag mo sa’kin. Trenta anyos pa lang ako ah!”

Tumawa siya. “Nga pala, kanina pa tayo nagchi-chikahan pero hindi ko pa rin naitatanong ang pangalan mo.”

Nalito ako. Ano nga bang pangalan ang sasabihin ko? Ingrid, Kikay o Hae Soo?

“Ano…Hae Soo po.”

“Wow, lakas maka-Korea! Alam mo bang mahilig akong manood ng mga gan’on sa TV?” Kinikilig-kilig pa siya habang nagsasalita.

“Hilig ko rin pong manood n’on.” Naalala ko ‘yong pagkarami-raming drama na pagpipilian sa TV ni Kuya Denmark. Hindi ko na nga alam kung anong una kong papanoorin doon eh.

“Talaga? Ano nang mga napanood mo?”

“Le –“ sasabihin ko sanang Legend of the Blue Sea pero hindi pwede. 2012 ‘to, Hae Soo. Bumalik ka sa nakaraan ‘di ba? Baka magtaka si Ate Cynthia sa sinasabi mo.

“Marami.” Ilang akong ngumiti sa kanya.

“Bongga naman ‘yan! Ah, tara na pala. Uwi na tayo para mapakilala kita kay Commander.” Tumayo siya at inayos ang damit.

“Commmander?” takang tanong ko sa kanya.

“Malalaman mo rin kapag nakarating na tayo do’n.” Kumindat pa siya sa’kin at nauna nang maglakad.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Aug 06, 2023 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Breaking Curses [Hiatus]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang