Chapter 10

22 3 0
                                    

Overwhelming.

“Hoy Hae Soo,” pinilit kong umayos ng upo. Gano’n pa rin ang posisyon niya, naka-Indian seat sa harap ko.

“Ah mali, Ingrid,” ngumiti ako. “Baguhin natin ang nakaraan.”

Hindi siya sumagot, nagpatuloy ako sa pagsasalita. “Pagbalik mo sa nakaraan, sa panahon mo, baguhin natin lahat. Sikapin mong hindi magkatotoo ang sumpa sa‘yo ng Inang mo.” Nilabanan ko ang pagpikit ng mata ko. Inaantok na ‘ko. “Ipangako mo sa’kin, hindi ka mamamatay. Ipangako mo… na magkikita tayo sa panahon ko, sa panahon natin ngayon. Basta kailangan mong mabuhay.  Hihintayin kita, kahit ga’no katagal.”

Lumapit ako sa kanya at ipinatong ang ulo ko sa balikat niya. Hindi ko alam pero pagod na pagod ako.
“Pangako, Kuya Denmark.” Narinig kong sabi niya bago ako tuluyang nakatulog.

**10**

Nagising agad ako nang tumunog ang alarm clock sa bedside table ko.

Naalala ko, eksaktong isang buwan na mula nang umahon si Hae Soo sa bathtub ko at limang araw mula nang makita ko ang nakaraan niya.
Wala namang masyadong nagbago mula nang makita ko ‘yon.

Hinahayaan ko lang siyang gawin ang gusto niyang gawin sa bahay, tutal manood lang naman ng KDrama ang pinagkakaabalahan niya. Ni hindi rin siya lumalabas ng unit ko.

Ang dami nang nangyari sa buhay ko mula nang makilala ko siya. Kahit paano, nakalimutan ko na ang heartache na naramdaman ko mula nang ikasal si Dave. Iyon nga lang, nanganib naman ang buhay ko dahil sa baliw na Inang ni Hae Soo. Buti na lang, matagal na siyang wala. Ang problema na lang ngayon eh kung paano babalik ang babaita sa panahon niya?

Nitong mga nakaraang araw, nag-try akong mag-search sa internet tungkol sa mga similar cases niya. Time slip pala ang tawag d’on. Mapupunta ka sa isang specific na timeline ng biglaan at hindi inaasahan. Sinubukan ko ring maghanap ng way kung paano siya maibabalik sa panahon niya pero iba-iba ang sinasabi ng articles na nababasa ko. Hindi ko alam kung anong susundin at kung anong effective.

Lumabas ako ng kwarto at nakita sa Hae Soo na nanonood ng last episode ng Scarlet Heart. Tutok na tutok siya at naisipan kong gulatin.

“Huy, Hae Soo!” ginamit ko pa ang deepest voice ko para medyo matakot siya. Lumingon siya at ngumiti. “Ano ‘yon, Kuya Denmark?”

Badtrip, ni hindi man lang nagulat. Naramdaman niya na sigurong nasa labas ako. “Handa na ba ang breakfast?” Umupo ako sa sofa.

Tumango siya. Nasa part na siya kung saan pinasan ni Wang So si Hae Soo nang bigla niyang pinause. “Kuya Denmark, ipangko mo ako!”

Napangiwi ako ng wala sa oras. “Ano ako, si Wang So? Ayoko nga.”

Tumingin siya sa’kin at nag-beautiful eyes. “Sige na. Wala pang nagpapangko sa’kin. Sa tanang buhay ko.”

“Wala akong pake. Tsaka sa’n mo ba natutunan ‘yang ginagawa mo?”

“Ito?” Ginawa niya ulit ang pagbu-beautiful eyes. Nabatukan ko siya ng mahina. “Tigilan mo na nga ‘yan! Nakakairita!”

Tumayo ako at pumunta na sa lamesa para kumain. Hindi ko mapigilang mapangiti sa pinaggagagawa ni Hae Soo. Malamang napanood niya ‘yan sa kung saang KDrama.

Nagkulong ako sa kwarto after kumain. Titingnan ko kung may sagot na si Tita Sophia sa e-mail ko sa kanya noong nakaraan. I asked her whether there is a report of a missing person five years ago. Alam kong kahit papaano matutulungan niya ako sa case ni Hae Soo. Malapit siya sa mga pulis eh.

Luckily, may e-mail na siya sa’kin. She sent me the whole list of reported missing persons noong 2012 may bonus pa na hanggang 2013. I spent the whole day sa paghahanap sa pangalan ni Hae Soo, which is ‘Kikay’ dati pero wala akong nakita. Inulit ko ulit sa pagbabakasakaling baka may nalaktawan ako pero wala talaga. Walang naghanap sa kanya.

Breaking Curses [Hiatus]Where stories live. Discover now