Chapter 5

30 4 0
                                    

Nakakatawa.

Tumigil siya sa paglalakad at pasigaw na sinabi. “Hala! Gumagalaw na hagdan!” 

Hindi ko alam kung bakit imbes na mainis, na lagi namang nangyayari sa’kin, natatawa ako sa reaksyon niya. Pinagtitinginan na kami ng mga taong dumaraan.

“Sasakay tayo dito. Pagbilang ko ng tatlo, hahakbang tayo sa baitang ah?” Tumango siya.

Dahan-dahan kaming naglakad papuntang escalator. “Bibilang na ‘ko, isa, dalawa, tatlo!” Sabay kaming humakbang sa escalator.

“Ano, takot ka pa rin?” Umiling siya at ngumiti. Tuwang-tuwa ang babaita. Halatang first time.

Pagkarating sa second floor, didiretso na sana kami sa department store nang maramdaman kong tumigil ulit siya.

“Bakit?”

“Anong tawag sa gumagalaw na kwartong ‘yon?” Sabay turo.

Tiningnan ko ang tinuturo niya. “Ah, elevator naman ‘yan.”

“Ah,” Tumango tango siya.

Hinila ko na siya sa pupuntahan namin. “Mamaya mo na titigan ‘yan, tara na!”

**5**

Namimili ako ng t-shirt nang mapansin kong ang sama ng tingin ni Hae Soo sa mannequin.

“Hoy Hae Soo,” pagtawag ko sa atensyon niya. “Ba’t ang sama ng tingin mo sa mannequin?”

“Kuya Denmark, ayan,” tinuro niya ito. “Titingin ba ‘yan sa’kin?”

Anong klaseng tanong ‘yon?
“Imposibleng tumingin ‘yan sa’yo. Istatwa ‘yan eh. Matakot ka kapag nangyari ‘yon.”

Ang sama pa rin ng tingin niya sa mannequin kahit noong nakapili na ako ng bibilhin. Parang hinuhuli niyang tumingin rin ito sa kanya. Baliw talaga.

Napadaan kami sa teen’s section ng tumigil na naman siya sa paglalakad. Nakita kong tinititigan niya ‘yung mga damit.

“Bakit?”

Ngumiti siya na parang malungkot. Ano daw? Basta gano’n ang hitsura niya. “Ngayon lang ako nakakita ng ganyan kagagandang damit.”

Noong unang beses na makita ko siya (which is noong umahon siya mula sa bathtub) parang kupas na palda at pinaglumaang bulaklakin na polo ang suot niya. Mukha nga siyang manang no’n kung titingnan. No wonder kung natutuwa siya sa mga nakikita niya ngayon.

“Anong gusto mo?” Tumingin siya sa’kin na parang hindi makapaniwala. Kahit ako rin, hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko. “Bilisan mo baka magbago isip ko.” Kumuha ako ng shopping cart dahil alam kong marami-rami ang bibilhin ko dito.

Tumungo siya. “Nakakahiya naman.”

“Hay nako,” hinigit ko ang braso niya at hinila siya. “Kung ayaw mo, ako na ang pipili para sa’yo. Kapag umangal ka, iiwan kita dito.” Masama man gawing panakot ‘yon, effective naman. Nanahimik na lang siya at humawak ng mahigpit sa laylayan ng polo ko. Una naming pinuntahan ang section ng underwear. Napalunok ako ng una, pero wala na akong pakialam. Oo, lalaki ako biologically pero sa puso, sa isip at sa gawa, iba. Anong connect? Hindi ko rin alam. Hahahaha.

Nagtago siya sa likod ko nang makita niya kung sa’n kami pupunta. Nilingon ko at nakita kong pulang-pula ‘yong mukha niya.

“Hoy Hae Soo, isa ito sa pinakaimportante. ‘Wag ka nang mahiya diyan.”

Lumapit ako sa sales lady. “Miss, paki-assist naman itong kasama ko. Please find the right size. Five pairs,” Si Hae Soo naman. “Umayos ka ng pagpili, dapat ‘yong komportable ka ah?”

Breaking Curses [Hiatus]Where stories live. Discover now