Chapter 9

18 3 0
                                    

Nagagalit na talaga ako. Sobra.

Lumabas ako ng kwarto para pagsabihan si Hae Soo na tigilan na ang panonood. “Hoy, Hae Soo tigilan mo na ‘yan. May bukas pa.” Nagtaka ako kung bakit static na lang ang makikita sa TV eh noong nasa loob ako ng kwarto, naririnig ko pa ang conversation nila Wang So at Hae Soo. Unti-unting tumayo si Hae Soo pero nabigla ako ng ibang tao ang humarap sa’kin.

‘Yung bruhang nananakit ng anak sa panaginip ko!

Bigla akong tumilapon sa dingding. Malakas ang pagkakabangga ko kaya nanakit ang buong katawan ko. Sa ngayon, hindi takot ang nararamdaman ko, kung hindi galit. Wala siyang kwentang ina! Iniisip lang niya ang sarili niyang kapakanan.

“Walang mararating ang pagpapakabayani mo, mamamatay ka na ngayon din!” may mga binulong-bulong ulit siya at naramdaman ko ulit ang feeling na sinasakal. This time, parang pinipilipit na ang leeg ko. Hindi na ako makagalaw, sobrang nanghihina na ang katawan ko. I tightly closed my eyes. Kaunti na lang, magkakatotoo na yata ang sinabi niya.

“Inang, ‘wag na ‘wag mong sasaktan si Denmark!”

Something snapped and I found myself out of breath.

**9**

“Kuya Denmark? Kuya Denmark!”

Humihingal akong nagising. Pakiramdam ko, para akong umahon sa malalim na pool. Mukha ni Hae Soo ang tumambad sa’kin pagkamulat ng mata ko. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya, niyakap niya ako ng sobrang higpit.

“Akala ko…” she’s sobbing. “Hindi ka na humihinga. Natakot ako. Baka hindi ka na magising…” Nakasubsob lang ang mukha niya sa balikat ko. Iniangat ko naman ang braso ko para tapikin siya sa likod.

“’Wag ka na matakot, ok lang ako.” Kahit hindi. I can’t get over the fact na nagawa akong saktan ng nanay ni Hae Soo sa panaginip. Gano’n siya ka-powerful? Pero wala akong pake. Nasimulan ko na, kaya gagawin ko ang lahat para tulungan si Hae Soo, kahit na baguhin ang nakaraan.

Kumalas na siya sa pagkakayakap. Pinunasan na niya ang mukha niyang puno ng luha at sinubukan na ngumiti.

Tinitigan ko siya. “Nakita ko nga pala ang Inang mo.” Sa tono ng boses ko parang walang nangyaring madugo. Nakita ko ang shift ng reaksyon ni Hae Soo. Sumeryoso siya.

“Anong ginawa niya sa’yo?”

Napaisip ako. Pa’nong hindi alam ni Hae Soo ang nangyari eh siya nga ang tumawag sa Inang niya para tigilan ako, ‘di ba?

“Wala ka sa panaginip ko? I mean, hindi ka pumasok sa panaginip ko?”

Umiling siya. “Hindi ko kaya ‘yon. Hindi ako marunong.”

Kung gano’n sinong tumawag sa Inang niya kanina?

Nag-Indian seat siya sa harap ko. “Si Inang. Kaya niya ‘yon. Kaya niyang manakit sa panaginip.”

“Gan’on siya kagaling?”

Tumango siya. “Bukod sa pangungulam. Kaya niyang mangbarang. Pati black magic.”

Nangilabot naman ako. Pa’no namin matatalo ang Inang niyang may kakayahang ganito?

“Buhay pa ba ang Inang mo? Sa’n ba talaga kayo nakatira? Kung puntahan kaya natin siya?”

Umiling siya. “Matagal na siyang patay.”

Ano? Kung gan’on pa’no…

“May tatapusin daw siya. Pakielamerong lalaki.”

“Alam mo ba ang mga ginagawa sa pakialamero?” Naalala kong sabi niya, so ibig sabihin ako ang tinutukoy niya?

“Nasa isang sulok ako. Tinitingnan kung anong ginagawa niya. Halos isang oras. Nakaupo siya at nakapikit. Hanggang sa dumilat siya. Parang nagulat at natumba.”

Breaking Curses [Hiatus]Where stories live. Discover now