Chapter 1

41 6 8
                                    

Walang kwenta.

Ito ang tingin ko sa buhay ko ngayon.
Epekto na siguro ‘to kapag hinayaan mong umikot ang mundo mo sa isang tao.

Sa taong nagparamdam sa’yo kung gaano ka kahalaga sa kanya.

‘Yung taong nagpapasaya sa’yo kahit na badtrip ka na sa mundo.

‘Yung isa sa mga dahilan kung bakit nagpapatuloy ka pa.

Pero dahil walang forever, pinaglayo kami ng tadhana.

Hindi, simula palang hindi na talaga kami pwede para sa isa’t-isa.

**1**

February 2017

“P’re congratulations!” Ngiti kong bati sa kanya. Pare? Pwe!

“Salamat. Pupunta ka ba ng reception?”

“Hindi na. Pagod na ‘ko. Wala pa ‘kong tulog eh.”

Tinitigan niya ako na parang gustong malaman kung ano talaga ang nararamdaman ko. Kailangan kong maging best actor sa puntong ‘to. Sinimulan ko na kanina, itutuloy-tuloy ko na.

“Ano ba, okay lang ako. Sige,” tinapik ko ‘yung likod niya.

“Ingat ka ah."

Ngiti lang ang sagot ko sa kanya. Pinagmasdan ko siyang maglakad papunta sa wedding car nila. N’ong umalis na ang lahat ng bisita at ako na lang ang naiwan sa tapat ng simbahan, naramdaman kong unti-unting gumuho ang mundo ko. At ‘yong mga luhang pinipigilan kong tumulo kanina? Heto, nag-uunahan nang pumatak mula sa mga mata ko. Parang nilalamutak ‘yong puso ko.

Hanggang ngayon, hindi pa rin tuluyang nagsi-sink in sa’kin na ang lalaking minahal ko ng almost 13 years, kinasal sa mismong harap ko. Insulto rin, kinuha pa ‘kong best man, alam naman niya ‘yong nararamdaman ko para sa kanya.

Pagkapasok ko sa condo, dumiretso kaagad ako sa banyo at hinanda ang bathtub. Nakaugalian ko na mula noon na kapag malungkot o badtrip, magbababad ako sa maligamgam na tubig na may mga roses at may nakasinding vanilla scented candles.

In that way, pakiramdam ko na unti-unting magiging okay ang lahat.
Habang nage-enjoy ako sa bango ng paligid, ‘di ko maiwasang maalala ang mga pinagsamahan namin ni Dave.

May 1999

Ito ang unang beses na magkita kami ni Dave. Seven years old pa lang ako no’n, gano’n din siya. Lumipat sila sa katabing bahay sa subdivision na tinitirhan namin. Noong una  hindi ko siya pinapansin, self-centered at suplado ako dahil na rin siguro sa only child ako. Nakakatuwa lang kasi siya talaga ang gumawa ng effort para maging magkaibigan kami. Lagi niya akong inaaya mag-basketball which is hindi ko trip lalo na’t ayokong pinapawisan ako. One time, naabutan niyang naglalaro ako ng Brick Game sa labas. Hiniram niya at maya-maya lang masaya niyang ipinakita sa’kin na na-beat niya ang high score ko. Inis na inis ako sa kanya kaya mas lalo ko siyang hindi pinansin.

Nagulat ako ng sa parehong school ko siya pumasok. Ang laki pa ng ngiti niya sa’kin nang makita niya ako. As usual, tinitigan ko lang siya at tinalikuran.

Sa room, minsan binu-bully nila ako kasi hindi ako nakikisali sa mga kalokohan nila. Madalas akong nasa isang sulok lang, naglalaro mag-isa. May mataba akong kaklase dati na lagi akong tinutulak mapa-recess man o uwian. Nakita ni Dave ang ginawa niya at tinulak niya rin ‘yon. Akala ko maga-guidance na kami. Nagbanta siya na kung hindi pa siya titigil, isusumbong niya ‘to sa Daddy niyang judge sa korte (ang Mommy niya, attorney) at ipapahuli sa mga pulis. Natakot naman ang kaklase ko at naelibs ako sa ginawa niya. Imagine, seven years old magagawa ‘yon? Pagkatapos ng pangyayari, medyo kinakausap ko na siya. Kinakawayan ko na rin kapag nagkikita kami sa corridor (Hindi kami magkaklase, nasa higher section ako. Mas matalino kasi ako sa kanya).

Breaking Curses [Hiatus]Where stories live. Discover now