Chapter 9

1.3K 68 55
                                    

Chapter 9

Sandaling natahimik lahat dahil sa dare niya. Ngunit nawala rin ang katahimikan nang natawa ako ng mahina.

Napaiwas ang ilan ng tingin sa ginawa ko, nagpipigil na hindi matawa o makagawa ng ingay dahil sa seryosong mukha ni Tres.

I cleared my throat and pursed my lips.

Nilingon ko si Tres na seryoso parin ang tingin kay Chloe. Nagtagal ang tinginan ng dalawa kaya siniko ko siya.

Binalingan niya ako at nakataas na ang kilay nito. What? Why is he mad at me? Hindi ako ang nag dare sa kaniya! It was Chloe!

"Drink." Malamig na sabi ni Tres at nilagyan ng alak ang baso saka ininom ito.

Doon pa nag ingay ang lahat.

"That was unfair, dude!"

"Oo nga! Dare 'yung pinili mo ah!"

"Hay naku, Monte Lierro! Madaya ka!"

Napapailing at natatawa ang ilan habang pinagsasabihan ng masasamang salita si Tres. Si Tres naman ay hindi na nakinig sa ilan at tahimik na pinapaikot ang baso na ice lamang ang laman.

Natatawa parin ako hanggang ngayon. Sila Jaden at Kael ay ang lakas ng boses kakatawa. The thing that we found funny was the fact that she dared him to kiss someone torridly. It wasn't because she said I was an exception. Well, everyone knows that Tres can't do that sort of thing. Hindi man halata, but Tres is the type of guy that people call 'torpe'. Alam ng mga kaklase at ibang section 'yon.

Si Jaden naman kasi ang may kasalanan kung bakit nalaman ng ibang tao iyon. Narinig kasi siya ng mga classmates namin last year na may gusto raw si Tres na babae pero hindi niya magawang aminin. Kaya sinigawan siya ni Jaden na, "Ang torpe mo, dude!".

Na curious ako roon dati pero ang sabi ni Tres sa akin ay gawa-gawa lang daw ni Jaden 'yun. Si Jaden naman ay hindi tinatanggi at tumatawa lang. Hindi ko tuloy alam kung totoo nga ba o hindi.

Ngunit kahit na ganoon, lahat parin ng nakakaalam at nakarinig ay iniinis si Tres na torpe daw talaga siya. Lalo na at hindi siya lumalapit o humahawak sa ibang babae. Maging ako ay hindi rin mapigilang pagbintangan na ganoon nga talaga siya. Though, I just really like teasing him.

Katulad ng pangako ko, hindi nga ako naglasing. Sinunod ko lahat ang dare nila. Tatlong beses akong naging victim kaya tatlong beses akong na dare.

Ang unang dare ay niyakap ko ang isang first year na ang sabi ay may gusto daw sa akin. Pangalawang dare ay pinasuot sa akin ang uniform ng volleyball team. Hindi ko alam kung bakit gusto nilang isuot ko 'yun pero nung bumalik ako sa loob ng tent na suot na 'yun ay tili ng mga babae at sipol ng mga lalaki ang bumungad sa akin.

Sila Tres, Jaden, at Kael lang yata ang hindi natuwa.

Umupo ako na ganoon ang suot. Inabot pa ni Kael ang jacket niya para hindi raw ako lamigin. Si Tres naman ay ibinalik sa hita niya ang hita ko. Hindi nalang ako nagreklamo.

Sa pangatlong dare ay drink ang pinili ko. Galing sa mga kaklase ko ang dare kaya inaasahan ko na na may plano talaga silang lahat.

Her Name is SlutWhere stories live. Discover now