Chapter 2

3K 126 81
                                    

Chapter 2

Dito na sila natulog sa kwarto ko. Hating gabi ng magising akong yakap yakap ni Tres. Ang himbing ng tulog nito. Si Kael naman ay nasa paanan ko natulog. Si Jaden naman ay nakatalikod sa aking matulog, muntik pa itong mahulog kaya hinawakan ko ang balikat niya at patihaya siyang pinahiga.

Dahan dahan akong umupo. Nang makababa na ako sa kama ay bumulaga sa akin ang mga damit nilang nasa sahig. Maging ang pangibaba ni Kael ay nasa sahig rin. Siya kasi iyong tipong nakakatulog ng nakaboxer lang. Nilapitan ko siya at kinumutan. Pinulot ko lahat ang mga nakakalat at nilagay sa basket para malabhan ni Ate Melan.

Niready ko narin ang uniporme nila na nasa kabinet ko. Extra ito tuwing dito sila natutulog. Nang matapos na akong i-ready lahat ay natulog na ako sa sofa.

Nagising akong buhat buhat ni Tres patungong banyo. Ang lamig ng katawan niya dahil basang basa siya! Galing yata ito sa ligo. Nakita ko pang may shampoo ang buhok niya!

"Wala akong short!" sigaw ko dahil nakapanty lang ako at mahabang t-shirt.

"Hindi mo kami ginising bro!" sigaw ni Kael habang naliligo sa shower ko.

"Paano ko kayo magigising kung maging ako ay tulog rin? Atsaka kinalat niyo ang higaan ko! Alam niyo namang ayaw na ayaw ko 'yon!" sigaw ko sakaniya at naligo narin sa shower ng nagsasabon na lamang siya.

Sinasabi ko sa inyo. Kapag ibang tao ang makakakita sa aming ganito ay iba ang iisipin nito.

"Si Jaden?" tanong ko habang nagsh-shampoo.

Mabilisan ang pagsasabon maging ang pagsh-shampoo namin dahil exam ngayon. Bawal ang late dahil papupuntahin pa ang parents namin na pinaka ayaw naman namin.

"Naguusap pa sila ng Mommy niya. Mukhang pinapagalitan pa yata," natatawang sabi nito. Tinuro naman niya si Tres. "Ang lamya ng kilos ng isang 'yan." utas niya.

Natigilan ako sa pagsasabon ng mga hita ko. Binatukan ko si Tres at hinala papuntang shower. Mabuti nalang talaga at dalawa na ang shower ko dito sa banyo ko. Ipapa-apat pa nga daw ni Mama ng malamang lagi silang natutulog sa kwarto ko.

"Ano ba," reklamo nito at sa gilid tumingin.

"Dalian mo kayang maligo? Ayokong pumunta sila mama sa skwelahan dahil late tayo!"

Pinaliguan ko si Tres na labag naman sa loob niya. Malamig daw kasi. Lagi nalang nilalamig! Lahat nalang malamig! Ibuhos ko sa kaniya ang laman ng thermos makikita niya.

"Kambing ka ba? Ha? Gusto mo yatang maging elementary buong buhay mo!" Wala yatang araw na hindi ako sumisigaw tuwing kasama ko sila. "Ikaw mag sabon sa sarili mo! Magsasabon pa ako." sabi ko.

"Tapos na ako!" maligayang sigaw ni Kael at kumaway sa amin. Nakatuwalya na ang pangibaba nito. "Tatawagin ko lang si Jaden ng makaligo narin."

Nagshower na ako. Tapos na akong mag-shampoo at mag-sabon. Hindi man lang ako nakapag-exfoliate! Ang taray ko 'di ba? Ito kasi ang unang beses na matagal akong nagising dahil nakalimutan kong mag alarm.

Nang matapos na akong maligo ay nilingon ko si Tres. Mabuti naman at mukhang malapit na siyang matapos. Kahit kailan kasi ay pagong ang isang 'to. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha minsan ang lakas niya tuwing binubuhat niya ako. May sayad talaga.

"Tumalikod ka! Maghuhubad ako." sambit ko.

"Tss," rinig kong reklamo niya.

Hinubad ko lahat ang suot ko saka ako nagshower muli. Mabilisan lang iyon.

"Paabot ng towel," utos ko. Inabot niya iyon habang nakatalikod. Nagtowel ako at nilagay sa basket ang mga sinuot ko. "Ilagay mo ang suot mo pagkatapos mong maligo. Dito, Tres. Dito." turo ko sa basket na itim. Baka tamarin naman ito at sa bathtub nalang ilagay ang mga basang damit niya.

Her Name is SlutWhere stories live. Discover now