Chapter 6

2K 93 123
                                    

Chapter 6

Napansin niya ang paglapit ko sa aking mukha sa kaniya kaya kinurot niya ang tagiliran ko ng malakas at napasigaw ako sa sakit. Hinampas ko siya.

"Ugh! Tres! You are not cute at all!" sigaw ko at bumaba na sa yakap ko sa kaniya.

Bumaba ang tingin niya sa maiksing skirt ko na sumasayaw rin nang dahil sa hangin. Hinubad niya ang vest niya at itinali iyon mula sa likuran ko para hindi makita ang shorts ko. Pagkatapos ay inakbayan ako at pinisil ang kabilang pisngi ko.

"Anong sabi mo kanina?" tanong niya, nakaakbay siya sa akin habang naglalakad kami.

"Ano?! Ang sakit ng pisngi at tagiliran ko, ah! Wala ka talagang awa sa akin!" galit na sabi ko sa kaniya at siniko siya.

"Iyong sinabi mo nga." pilit niya.

"Alin? Iyong cute ka?"

"Hindi."

"Iyong hindi ka cute?" Nakakunot noo'ng tanong ko.

"Nah. 'Yung hindi ko narinig." sabi niya at sabay kaming tumalon sa batong nakaharang.

"Ah! Swimming tayo! Tutal matagal pa si Thomas." masayang suhestyon ko, tinutukoy ang driver namin.

"Okay. Pero wala tayong dalang damit." aniya pa. Nakatayo na kami kaharap ang dagat.

"So? I wore my bikini today. Ang pagligo sa dagat talaga ang sadya ko rito," sagot ko at inalis ang pag akbay niya. Tinanggal ko ang butones ng vest at blouse ko. Maging ang palda ay tinanggal ko narin. I heard him sigh. "If you don't want to, it's okay! Lalo na at hindi mo matatanggal iyang heat packs mo." pangiirita ko pa.

Mahilig akong lumangoy kaya sumali ako sa Swim Club. Maging si Tres rin ay nakahiligan rin ito dahil minsan ay nagra-race kaming dalawa sa swimming pool ng aming bahay. Walang sports na sinalihan si Tres pero sobrang galing niya sa lahat. Marunong siyang mag soccer, baseball, basketball, tennis, at iba pa.

Unfortunately, hindi ito mahilig sa mga competition. Maliban nalang sa amin nila Jaden at Kael. Lagi naming nilalabanan si Tres sa sarili naming sports. Nakipag-basketball na silang dalawa ni Jaden. Si Kael at ang soccer team niya ay iniimbita nila si Tres sa kanilang training minsan. Ilang beses na ngang pinag-aagawan ng iba't ibang club si Tres ngunit wala talagang siyang sinalihan. Alam ko ang rason noon. Dahil madali siya lamigin.

"Hindi malamig ang dagat, Sin. Alam ko." aniya nang mapansin na inaasar ko siya sa heatpacks na nasa loob niya.

Tumawa ako. "Bahala ka nga. Basta ako maliligo ako." sabi ko habang nagse-stretching na. Hinubad ko narin ang shorts ko at pinahawak sa kaniya lahat ng damit ko. Naglakad ako sa mas malalim pa at naghilamos ng dagat. Nang maramdamang malalim na ito ay lumangoy na ako sa mas malayo pa.

Pagkaahon ko nang ilang minuto ay nakaharap ako sa araw na papalubog na.

I didn't expect my life to become like this. I didn't know I'd experience this kind of happiness. Lalo na at hindi maganda ang buhay ko noon. Mabuti nalang at hindi ko na inaalala ngayon.

Nilingon ko ang banda ni Tres na nakaupo sa lupa habang nakatingin sa banda ko.

I smiled at him.

I'm really happy. I feel like being with him makes me enjoy my life. Although, sometimes, he's really annoying but I still can't make myself hate him. And I can't deny the fact that I like taking care of him. I feel like I'm needed.

One hour later, dumating narin ang driver namin at nagpaalam kami kayla Manong at Nilo na uuwi na. Naka-piggyback ako kay Tres habang palapit kami sa aming kotse. Maingat na ibinaba niya ako para hindi madumihan ang paa ko. Sinuot ko parin ang uniporme ko kahit na hindi ko pinalitan ang bikini ko. Nakayakap si Tres sa akin habang nasa byahe na kami.

Her Name is SlutDove le storie prendono vita. Scoprilo ora