Chapter 12

509 26 17
                                    

Chapter 12

Next week will make it exactly 3 years since we lived together in this house. I’d say it wasn’t that easy. We had a lot of misunderstandings and we fought a lot like usual but our last year in senior high school was the worst of them all as of now.

However, like we always do, we act like it didn’t happen and would just forget about it.

“Bro, baka maiwan mo ‘yung ID mo!” sigaw ni Kael sa akin mula sa labas ng aking kwarto.

In my case, I didn’t forget a single thing about what happened and what we did together.

“Alright! Suot ko na!”

Mabilis na lumabas ako ng kwarto at bumungad na sa akin ang dalawa kong kaibigan.

“Hindi ba talaga sasama si Tres?” Tanong ni Kael habang pababa na ako ng hagdan.

I lifted my head so I could take a look at his door again. Ibinalik ko ang tingin kayla Kael at Jaden saka umiling.

“Nag enrol na siya kahapon. He’s probably not in the mood to go out today.” sabi ko nalang.

First semester na namin bilang 1st year college sa isang mamahaling university dito sa Manila. Sa Manila kami nag aral simula nung Grade 11 dahil dito rin ang bahay na binili ni Papa para sa aming dalawa ni Tres. Oo, limang taon na ang lumipas noong nangyari ang pagaaway nila Mama at Tres.

“Ang haba ng pila!” sabay na sigaw namin ni Kael.

Napasimangot kaming tatlo at parang ayaw nang maglakad papasok sa loob ng school.

Walang taon yatang nagkahiwalay kaming apat na magkakaibigan. Maybe it’s really a good thing na mayaman ang parents namin kaya magkakasama parin kami hanggang ngayon.

“Punta muna kami sa building namin, dude!” aning Jaden bago sila kumaway sa akin.

“Okay! I’ll call you guys if tapos na ako!” I shouted.

Pumunta na ako sa building ko at pumila sa sariling department. Habang nasa pila ay panay ang tingin ko sa phone ko. I’m kinda scared that I left him alone there. Umalis si Papa kagabi at bukas pa makakabalik. May sariling bahay si Papa kaya madalas lang siyang natutulog sa tinitirahan namin ni Tres.

Hapon na nang ma-enrolled narin kami. Nasa loob na kami ng sasakyan ni Jaden at napahiga na ako sa sobrang pagod.

“Saan tayo kakain?”

Pagod na nilingon ko si Kael na nasa front seat.

“Tawagan niyo muna si Tres. I’m sure he hasn't eaten yet.”

Nalingunan ako ni Jaden.

“Ano na naman ba kasi ang pinagawayan niyo ngayon? Mag iisang linggo na ‘yan ah?”

“Anong mag iisang linggo? Nung bakasyon pa ‘yang dalawang ‘yan! Akala ko ba nagkaayos na kayo? Before enrollment naguusap na kayo ‘di ba?”

Napabangon na ako sa sinabi ni Kael.

“I know right! He’s—“ Napahinto ako sa sasabihin nang maalala na naman. Napasandal na ako sa inuupuan. “He’s acting up again. I don’t really understand that idiot at all. He’s making my head ache for real, bro.” Nakagat ko ang pang ibabang labi sa pagkakairita.

“Yeah, yeah, if I know kasalanan mo na naman ‘yan.”

Napabalikwas ako sa sinabi ni Kael.

“Anong sabi mo? Why? Bakit kasalanan ko na naman?!”

Nagsimula nang magmaneho si Jaden habang ako ay hinihintay ang sagot ni Kael kung bakit palaging kasalanan ko.

“I mean, last year... you had a boyfriend, right?”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Name is SlutWhere stories live. Discover now