"Tama na, Jin!" Sigaw ko at pinunasan ang labi ko.

"Ano? Hindi ba masarap? Kulang pa ba?" Naka-ngisi niyang tanong at hinawakan ako sa magkabilang pulso.

"Tama na! Lumayo ka na!" Sigaw ko habang umiiyak pa rin. Masakit eh. Masakit na di na ako malinis. Paano na lang ang Mr. Right ko? Di na ako nararapat sa kanya. Ang dumi-dumi ko na!

"Tang-ina mo, Jin! Ano bang sinasabi mo?!" Sigaw ko sa kanya at nagpumiglas pero malakas talaga siya.

"Tang-ina mo rin, Elle! Akala mo ba hindi ko alam na nag-check in kayo ni Jeric sa Hotel?! Fuck! Ang landi mo, putang-ina! Diba ako boyfriend mo?!" Sigaw niya at nanlaki ang mga mata ko. Paano niya nalaman?

"Ano?! Puta! Buti nalang sinabi sakin ni Carm--" Di niya naituloy sasabihin niya dahil sinipa ko siya sa tuhod kaya nabitawan niya ako at napaupo.

"Fuck!" Sigaw niya habang hawak tuhod niya.

"Carmela! Puro ka nalang Carmela! Bakit ba naniniwala ka sa kanya, ha? At ano ngayon kung nag-check in nga kami?! Tang-ina mo, Jin! Ang dumi ng isip mo!" Sigaw ko at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko tapos humagulgol.

"Dahil si Carmela, alam ko na di siya magsisinungaling sakin. Si Carmela, kilala ko na dati pa. Alam ko na di niya ako lolokohin. Pero ikaw, spoiled ka. Lahat gusto mo nakukuha mo. At tumira ka sa States, alam ko na iba na paniniwala mo." Seryosong sabi niya na dahilan kung bakit parang may milyong karayom ang tumusok sa puso ko. So all this time ganun ang iniisip niya tungkol sakin? Tang-ina, masakit!

"Gago ka, Jin. Wala kang karapatang husgahan ako. At isa pa pala, wala kang pakealam sa mga ginagawa at gagawin ko. Fake boyfriend lang kita, sana natatandaan mo pa." Sabi ko habang humihikbi pa rin. Nakatingin kami sa mata ng isa't isa.

"Alam ko, at pinapaalala ko lang sayo na tinutulungan mo pa ako. Isang buwan lang, Elle. Isang buwan lang ang hinihingi ko kaya tigilan mo muna ang kalandian mo." Madiin niyang sabi at hinawakan ako sa balikat.

"Ayoko na, Jin. Iba nalang. O kaya si Carmela na lang. Ayoko nang magpanggap na girlfriend mo." Sabi ko. Tumalim naman ang tingin niya sakin.

"Bakit? Dahil ba kay Jeric? Mahal mo pa ba siya? Nagkabalikan na ba kayo? Akala ko ba naka-move on ka na?" Dumidiin ang hawak niya sa balikat ko pero parang wala lang sa akin.

Naiiyak na naman ako. Hindi, Jin. Hindi ko na siya mahal. Hinding-hindi ko na siya mamahalin dahil ikaw... ikaw ang---

"Ano?! Sumagot ka?!" Sigaw niya kaya tumulo na naman mga luha ko.

"Oo! Oo, mahal ko pa rin siya! Hindi pa ako naka-move on! Dahil siya lang ang gusto ko! Siya ang gusto kong makasama ko sa buhay! Mahal na mahal ko siya!" Sigaw ko sa kanya at humagulgol na.

"Puta!" Sigaw niya at narinig ko nalang na may sinipa siya.

"Sumakay ka na sa kotse!" Sigaw niya sakin kaya dali-dali akong sumakay at sumunod naman siya. Mabilis na mabilis ang patakbo niya sa kotse kaya naman takot na takot ako. Galit pa naman siya.

Pagkahinto pa lang sa tapat ng gate namin ay marahas niya akong hinigit at tinitigan sa mata.

"Sa ayaw at sa gusto mo, magpapanggap kang girlfriend ko. Wala akong pakealam kahit si putang Jeric pa ang mahal mo o kahit na sinong gago pa. Fake girlfriend kita hanggang sa kailangan kita, naiintindihan mo?" Madiin niyang sabi at agad na lumabas ng sasakyan ang padabog na sinara ang pinto. Pati gate nila pabagsak niyang sinara.

"Ano ba, Jin.. Umiiwas na nga ako, diba? Di na nga kasi pwede. Ayoko na." Umiyak na naman ako at nagdilim na naman ang paligid.

----

Mr. Right (BTS Jin FanFiction)Where stories live. Discover now