Chapter 38

125 6 10
                                    

"I wanna stalk that girl," ngumuso si Fallon at umupo sa gilid ng kama ko.


"Edi stalk mo," I answered without looking at her. Inayos ko ang reading glasses na suot ko at pinagpatuloy ang pagtitipa sa laptop na nakapatong sa binti ko.


"I already did. Do you think I'll go here nang walang alam?" Nakangisi niyang tanong at dahan-dahang tumayo. Lumapit siya sa bintana at tinignan isa-isa ang mga picture frames na nakalapag sa drawer.


"May alam ka pala."


"Of course! I'm the best surgeon in town kaya," She replied at kinuha ang picture frame ng picture namin ni Echo sa Barcelona. Nilabas niya ang phone niya sa bulsa ng trench coat niyang suot. I rolled my eyes at her at ibinalik ang atensyon sa laptop.


"Bakit ka ba pumunta rito?" Tanong ko at isinara ang laptop. She was about to answer when her phone rang. Tinalikuran niya ako bago sagutin ang tawag.


I just shrugged my shoulders before leaving the bed. Suot ko pa rin ang silk pale pink pajamas ko dahil wala naman akong pupuntahan ngayon kundi ay basahin lang ang tungkol sa kaso ni Echo. Tumigil ako sa harap ng salamin at inayos ang pagkaka-bun ng buhok ko.


"Really?" I heard Fallon shrieked in excitement. I watched her reflection on the mirror while tying my hair in a bun. She ended the call at abot langit ang ngiti niya na parang mapupunit na ang pisngi niya. Hinarap ko siyang nakapamewang.


"Oh wow, hindi ka mukhang itlog 'pag naka bun," She chuckled, "Sana all," She pouted while looking at me with puppy eyes and I looked at her with disgust.


"Maganda ka rin naman sabi mo, diba? But would you please stop acting cute?"


"Pa-cute ka rin naman kay Echo," She fired back.


"Hindi pa-cute 'yon! Natural 'yon dahil ipinanganak na akong cute," I pursed my lips and blinked countless times while tucking my hair behind my ears.


"Sige nalang," She sighed in disappointment at napasapo pa sa noo niya habang umiiling-iling. Natatawa ko siyang inirapan at tatalikuran ko na sana siya nang hilain niya ako, "Let's go."


"What? Where are we going?" Nagtatakang tanong ko habang hinihila niya ako papalabas ng kwarto ko. She didn't answered me at uloy-tuloy lang siya sa paghila sa akin pababa ng hagdan. "Pucha, dahan-dahan lang! Baka mahulog ako sa hagdan."


"Hi tito! Pahiram muna si Debbie," Paalam ni Fallon kay daddy nang makasalubong namin ito sa sala. Tinignan ako ni dad at umiling ako sa kanya.


"Dad! Help! Kini-kidnap nanaman ako ni Fallon!" I jokingly said and tried to reach him but he just laughed at me. Mas lalo pa akong hinatak ni Fallon papalabas ng bahay nang magpabigat ako.


Pilit akong pinasakay ni Fallon sa shotgun seat ng sasakyan niyang naka-park sa tapat ng bahay. I buckled my seatbelt nang makapasok ako at sinundan ko siya ng tingin hanggang makasakay siya sa driver's seat.

Falling For Her Innocence (Elegance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon