BILLIONAIRE's 24

13.9K 625 39
                                    

Tito Lennox Hasiano! ⬆️

•SKY MONTEZARIO•

Payter, Payden! wag kayong tumakbo baka madapa kayo! -sigaw na suway ko sa dalawang anak ko na nag uunahang pumasok sa loob ng mall.

Dont stress yourself babe baka maka apekto sa baby natin yan! -saad ni Payton sa tabi ko habang nakangisi na buhat buhat sa ulunan niya ang anak naming si Jaiden na nakahawak sa magkabilang tenga niya.

kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

ano bang sinasabi mong siraulo ka, at wag ka ng umasang magkakaroon ka pa ng anak sa akin! -gigil na sabi ko sa kanya.

pero hindi niya ako pinansin bagkus ay kinabig ng isang kamay niya ang bewang ko papalapit sa kanya.

malay mo naman! may nabuo na pala tayo jan ng hindi mo nalalaman! -bulong na makahulugang sabi niya habang nakatingin sa tiyan ko at bahagya pang dinilaan ang tenga ko. kaya naman bigla akong pinagtaasan ng balahibo sa ginawa niya.

ano ba? bitawan mo nga ako! -nagpupumiglas na sabi ko pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakakapit dito na akala mong ayaw na akong pakawalan.

stay put! wag mo akong punuin ngayon dahil family bonding natin to! -madiin sabi niya.

simula ng makalipas na 3 araw na pananatili namin sa bahay niya ay parang ayaw niya na kaming pakawalan at lahat ng galaw ko ay nakasunod siya, dahil kahapon pumunta si kuya Lennox sa bahay niya para sunduin kami kaso ayaw niya kaming ibigay, kaya naman umabot pa sa punto na nagkasakitan pa silang dalawa.

<<<<<FLASHBACK>>>>>>
Bigla akong Nahinto ako sa pagluluto ng bigla akong nakarinig ng sigawan ng nagwawala sa labas ng mansyon ni Payton.

kaya naman dali dali kong pinatay ito at tumakbo papunta sa labas dahil pamilyar ang boses na naririnig kong sumisigaw.

"putxng inx! mo payton ilabas mo yung kapatid at pamangkin ko hayup ka!"

"Sky! lumabas kayo jan uuwi na tayo!"

"gagx! hindi mo na makukuha ang pamilya ko sa akin kahit magkamatayan tayo dito!"

boses nagwawalang sigawan sa labas kaya naman ng makarating ako doon ay biglang nanlaki yung mata ko ng makita ko si kuya na nakikipag sapakan sa galit na galit na si payton.

kita ko din ang kaliwang mata at labi ni kuya na dumudugo na dahil sa natamong sapak niya kay payton, habang si payton naman ay putok ang isang sa kilay niya.

pero mas malala padin ang natamo ni kuya kaysa sa kanya. dahil kasama niya ang ibang tauhan niyang bumugbog dito.

kaya naman bigla akong nakadama ng galit dahil sa nakikita ko.

akmang tatadyakan pa sana ni payton si kuya sa mukha na nakahiga na sa sahig ngayon ng bigla akong sumigaw.

Payton anong ginawa mo sa kuya ko!!!!!! -galit na sigaw ko.

kaya naman bigla siyang natingin sa akin ng seryoso. pero hindi ko siya pinansin bagkus ay tumakbo ako pumunta kay kuya upang tulungan.

akmang luluhod pa lang sana ako ng may marahas na humila sa kamay ko. at nakita ko si payton na nanlilisik ang matang nakatingin sa akin.

subukan mong tulungan ang gagung yan, sinasabi ko sayo ipapatay ko yan! -banta niya sa akin habang mahigpit na nakahawak sa pulsuan ko kaya naman bahagya akong nasaktan sa pagkakahawak niya sa akin.

✔️DMS2: BABYSITTING THE HOT BILLIONAIRE's SON (•BxB•)Место, где живут истории. Откройте их для себя