BILLIONAIRE's 20

13.5K 641 73
                                    


•PAYTON ACE VILLAMORE•

Kuya! diba si Daddy yun! -sigaw na turo ng anak kong kamukhang kamukha ni sky ng mapadako ang tingin niya sa akin.

kaya naman hindi ko na napigilan ang luha ko, at unti unti na yung pumatak sa pisnge ko ng marinig ko,ang salitang humaplos sa puso ko.

Kaya naman dahan dahan akong lumapit sa kanila habang panay parin ang tulo ng mga luha ko sa aking mga mata.

Ikaw nga si Daddy! -rinig kong sabi ng maliit na boses na kamukhang kamukha ni sky habang pagtakbong pumunta sa akin na halos madapa dapa pa.

habang ang isa namang bata na kamukhang kaamukha ko naman ay nanlalaki ang mga mata na akala mong gulat na gulat ng makita ako, pero agad ding nabawi yun at napalitan ng malamig na tingin na nagpakaba sa akin, dahil ang tingin na yun ay nakikitaan mo ng galit at disgusto.

Daddy! Daddy ko huhuhu! -umiiyak na sabi ng anak kong kamukha ni sky na tumatakbo at nakayakap na sa akin ngayon ng mahigpit kaya naman gumanti ako dito ng yakap.

na mas lalong nagpaiyak sa akin kaya naman hindi ko maiwasang mapahikbi, dahil ganito pala ang pakiramdam. na mayakap mo ang anak mo, na hindi mo nagawa ng matagal na panahon.

God! thank you! -nakangiting umiiyak na sabi ko. pero agad din nawala yun ng mapadako ang tingin ko sa isang anak ko na hindi man lang ako nilapitan, na malamig parin ang itsura nitong nakatingin sa akin.

Kuya Payden! bakit ayaw mong lumapit sa daddy natin! -saad ng isang anak kong nakayakap sa akin ng mahigpit. so Payden pala ang pangalan ng masungit kong anak na nagmana sa akin ng kasungitan.

Uncle Lennox is my only father! Jaiden! -serysong sabi niya at saka ako tinalikuran at umakyat sa hagdan.

kaya naman hindi ko maiwasang mapakuyom ng kamay sa galit, dahil ang itinunuring niyang ama ay ang gagung Hasiano na yun at hindi ako.

Payden bumalik ka dito! wag kang bastos! -tawag ng ama ni sky sa anak kong umaakyat ng hagada, pero hindi niya ito pinansin.

kaya naman tumingin ako sa ama ni sky na nasa tabi ko at bahagyang ngumite ng pilit.

Pasensya na Iho! mukhang nabigla lang siguro ang apo ko sa pagdating mo, pero hayaan mo pagsasabihan ko na lang yun mamaya! -sabi nito habang tinatapik ang braso ko, kaya naman umiling ako.

No! okay lang po Sir! deserve ko naman po na ganun niya ako pakitunguhan, dahil matagal din akong nawalay sa kanila! -saad ko habang pinupunasan ang mga luha ko.

Just call me Tito na lang iho! kahit medyo galit ako sayo dahil sa ginawa mo sa anak ko dati! -nakangiting sabi niya. kaya naman bigla akong napayuko dahil sa guilting unti unti nang umaakyat sa katawan ko.

Im sorry po tito! -mahinang sabi ko.

it's okay lang iho! wag ka sa akin humingi ng tawad kundi don sa anak ko, di naman kita pwedeng husgahan. na hindi ko naman alam kung anong dahilan noon, kung bakit nasaktan ang anak ko. at saka mukha ka namang mabait! wala ka naman sigurong ginawang kalokohan sa anak ko diba? -seryosong tanong niya sa akin. kaya naman bigla akong kinabahan dahil bigla kong naalala yung ginawa ko kagabi kay Sky ng wala sila dito sa bahay nila.

oo naman po wala po akong ginawang kalokohan! -nauutal na sabi ko sa kanya, habang nanginginig pa ang kamay na naka buhat sa anak kong si Jaiden na nakasubsob sa leeg ko.

Mabuti naman kung ganun! o siya maupo ka muna dito at magluluto pa ako ng spaghetti na paborito ng mga apo ko, at saka siguradong tinawag na din ng tita mi si Sky kaya hintayin mo na lang dito! -saad niya at saka ako iniwan sa sala kasama si Jaiden na nakakandong na sa akin na pinalalaruan ang balbas ko. kaya naman tumingin ako dito, at tumingin din siya sa akin at saka ngumiti ng napakalawak.

Daddy! sabi ni mommy may kuya daw po kami, nasaan na po siya? bakit dimo po siya kasama para may kalaro kami ni kuya mamaya! -malambing na sabi niya sa akin.

kaya naman bigla kong kinurot ang pisnge niya at saka ito hinalikan.

Gusto mo bang papuntahin ko ang kuya mo dito para may kalaro ka bago kami pumasok ng work ng mommy mo? - nakangiting tanong ko sa kanya, kaya naman biglang lumawak ang ngiti neto at nagtatalon sa kandungan ko.

Opo daddy! tawagin niyo po si Kuya para may kalaro ako, sige na daddy tawagin mo na si kuya dali! dali! -pagpupumilit na sabi niya kaya naman bahagya kong ginulo ang buhok niya.

at dinukot ang cellphone para tawagan ang isang tauhan ko sa mansyon.

mga ilang sandali pa ay sumagot na siya sa tawag ko.

hello Sir? may ipag uutos po ba kayo? -bungad na tanong niya kaya naman tumikhim muna ako bago sumagot sa kanya.

Paki hatid nga si Payter dito sa bahay ng asawa ko ngayon na, sabihin mo gusto siya makita ng mga kapatid niya! -sabi ko saka pinatay ang tawag at hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil alam niya naman na ang lugar na to dahil siya ang naghatid sa akin nong bago dumating sila sky dito.

dahil ako ang nakasakay sa itim na sasakyan non, na nakatingin sa kanya sa malayo.

Ohh mag meryenda muna kayo at pababa na din si Sky at mukhang kakagising lang, at saka wag kang maarte kung yan lang ang memeryendahin mo! -maarteng sabi ng ina ni sky at saka padabog na ibinaba ang plato na hawak niya, na may lamang dalawang sandwich at pineapple juice. kaya naman bigla akong napaangat sa gulat dahil mukhang may galit ata sa akin tong mommy niya.

wahhhhh sandwich! -magiliw na sabi na sabi ni Jaiden at saka kinuha ang isang sandwich.

kaya naman napailing ako sa kacutetan ng anak ko.

ahemmm! -tikhim na sabi ng mommy ni sky kaya naman napalingon ako dito. at nakita ko itong nakatingin sa akin ng seryoso.

bakit po? -nauutal na sabi ko.

diba ikaw ang may ari ng Villamore Builder inc.,VM Mall , PV Clothing, at iba pang kompanya pero hindi ko na alam kung ano pa yun? -tanong niya sa akin.

ahhh opo ako nga po yun! -sagot ko. tumingin naman siya sa akin pababa hanggang sa pataas at bahagya pang tumaas ang kilay niya.

good! mukhang tiba tiba naman ang anak ko sayo pag nagkatuluyan ulit kayo, at mukhang hindi naman magugutom ang mga apo ko, pero kung dadalaw ka naman sana dito ay nagdala ka naman ng regalo kahit mamahaling damit o di kaya'y bag,  para naman matuwa tuwa naman ako sayo kahit papaano, pag pupunta ka dito, ang yaman yaman napaka kuripot naman. di man lang pasalubungan ang magandang Biyenan tulad ko, dahil jan minus 2 ka sa akin!  -masungit na sabi niya at saka umalis at umirap pa sa akin, kaya naman bigla akong napakamot sa ulo ko.

mukhang kailangan ko atang humingi ng tulong kay mommy,para kaibigan tong ina ni sky, dahil parehas na parehas sila ng hilig at ugaling dalawa.

para kung sakali man ay yung isang anak ko na lang ang proproblemahin kong susuyuin.

Daddy! why my Lola is so mukhang pera? -saad sa akin ni Jaiden, kaya naman bigla akong napapigil ng tawa sa kanya.


————————————————————————
Sutil na bata! 😂

UD paba?

Don't forget to vote
Ciao!! 🥰

✔️DMS2: BABYSITTING THE HOT BILLIONAIRE's SON (•BxB•)Where stories live. Discover now