BILLIONAIRE's 23

14.7K 599 82
                                    


•SKY MONTEZARIO•

Nagising na lang ako ng may naramdaman akong hangin na tumatama sa pisnge at ilong ko. kaya naman dahan dahan akong dumilat at nakita ko ang mukha ni Payton na malapit sa akin, kaya naman sa gulat ko ay naitulak ko siya....

ano bang ginagawa mo? -inis na sabi ko sa kanya.

wala naman tinititigan ko lang ang magandang mukha ng mapapangasawa ko! -nakangiting sabi niya, kaya naman bahagyang kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya.

pero umuling na lang ako at binuksan ang sasakyan dahil mukhang nandito na kami sa mansyon niya at gabi na rin. ngunit nagtaka ako kung bakit bago ata ang mansyon niya, dahil mas lumaki pa ito ng doble sa dating mansyon niya noon na simple lang ang desenyo. hindi tulad ngayon na puro salamin. at may light dancing fountain pa sa gitna, na kaharap ay isang glass swimming pool na may pambata at pam matanda. na may ilaw pa na kulay blue sa bawat gilid nito, kaya naman kita ang linis ng pool. at meron ding maluwang na playgroung. na samahan mo pa ng nag gagandahang mga halaman at bumalaklak sa gilid ng mansyon.

kaya naman hindi ko maiwasan mapanganga at mamangha sa malapalasyo niyang mansyon.

nasaan na ang dati mong mansyon? -tanong ko. na patuloy paring iginagala ang paningin ko sa bagong bahay niya habang naglalakad dahil may kalayuan din pala ang open space parking lot niya sa mismong mansyon niya.

Ibenenta ko na, dahil don ako nabaliw pag tuwing na aalala kita, dahil doon tayo unang bumuo ng maganda at malungkot na ala-ala? -saad niya na nahihimigan ko ng lungkot, na nasa likod ko lang siya nakasunod.

kaya naman hindi ko maiwasang malungkot dahil bigla ko na namang naalala yung pangyayareng masaya pa kami noon na parang isang buong pamilya na may isang mapagmahal na asawa na bumubuhay sa inyo ng mga anak mo.

hindi ko din maiwasang masaktan dahil ang ala-alang binuo namin noon don ay biglang nawala at naglaho, dahil sa isang bangungot na pang yayare. na umahas at lumason sa pagmamahalan namin. kumusta na kaya yung malanding ahas na yun, dahil mukhang hindi naman naging sila ni payton ngayon.

umiiyak kaba? - nag aalalang tanong ni Payton sa akin na nasa tabi ko na pala.

kaya naman bahagya akong nagulat ng may butil na pala ng luha ang tumutulo sa mga mata ko.

Ahhh. ehhh napuwing lang ako! -dahilan ko sa kanya at saka pinunasan ang luha ko gamit ang likod ng palad ko.

Im Sor____ putol na sabi niya ng biglang sumigaw ang anak naming si Jaiden na nasa harap ng pinto.

Mga kuya nandito na sila mommy at daddy! -sigaw niya habang tumatakbo para salubungin kaming dalawa, at nakita ko din sila, payter at payden na mag ka akbay habang patungo din sa amin na tumatakbo at tumatawa.

kaya naman hindi ko maiwasang mapaluha ulit dahil ito yung pinapangarap ko nong una pa lang na masaya ang anak namin. na para kaming isang buong pamilya, na walang problema na tanging saya at ngiti lang ang nasa mukha namin tuwing magkakasama.

Mommy ko! -malambing na sabi ni Jaiden ng makalapit amin, at saka niyakap ang binti ko kaya naman pinunasan ko muna ang luha ko ko, at saka siya binuhat at hinalik halikan sa pisnge na siyang ikinahagikgik niya.

mommy ang ganda pala ng house ni Daddy ano? sana dito na lang tayo? -masayang sabi niya sa akin. kaya naman ngumite lang ako sa kanya at tumango.

kumusta ang bonding niyo mga binata ko? -tanong ni payton kela payter pero bahagya akong nagtaka bakit parang iwas ata itong si Payden sa ama niya.

✔️DMS2: BABYSITTING THE HOT BILLIONAIRE's SON (•BxB•)Where stories live. Discover now