Chapter 17

46 3 1
                                    

Natahimik iyong mga pinsan ko nang dinala ko si Creston sa harap nila. Kinabahan ako. What the? Pinsan ko lang naman ang mga iyan.

And then I remember when Kaizen and Creston met.

"Ah Creston, this is Cleon. Ex ni Shan. Baka 'di niya pa nababanggit sa'yo?"

"Why Kaizen? New boyfriend of Shan?" parang bitter na saad ni Cleon. Humarap siya sa akin. "Ang hilig mo naman sa letter C baby." He smirked.

Oh my God! I want to vomit! I glared at them. 'Di na siguro ma-i-pinta ang aking mukha.

"What is this Cleon? Kaizen? Hindi nakakatawa! Hindi ako nakikipag-biruan!"

I look Creston. He only smiled. I sighed. Buti may tiwala siya sa akin at pinaniwalaan ako! Alam niya na sigurong loko loko ang mga pinsan ko. Ampon lang nga yata siguro ako!

"Creston Vellapana. Shan's friend." Pagpapakilala niya at naglahad siya ng kamay.

Kumunot lang iyong mga noo ng pinsan ko at tiningnan ng seryoso ang kamay niya. Pinagpawisan ako ng malamig. Bakit ba ako nagkaroon ng mga pinsan na ganito? I hate them! Seriously!

"Kaibigan lang ba?" sabat naman ni Keanu.

I'm getting pissed right here. Isang kalabit pa.. Pinunasan ko ng padabog ang noo ko.

"Yes!" halos pasigaw kong sagot.

"Eh bakit nasa bahay mo? Akala ko iyong mga umalis na ang lahat ng kasama mo Shan. Where did he hide? In your room?" natatawang sabi ni Zairo.

Bullshit.

"Trainor ko siya sa keyboard! Dapat may training kami kaso nandito kayo!"

"Oh yes thank you, dear!" Cleon smiled. I sensed the sarcasm right there!

"Sinusundo ka?" si Keanu.

Tumango ako.

"Bakit ka sinusundo? Wala bang gas iyong sasakyan niyo? P'wede ka namang ihatid ni Kaizen?" si Cleon.

One.

"Oo. Alam niyo nga mga par, no'ng una rin naming meet ay nandito iyan sa bahay. Kapag talaga hindi nag-explain si Shan, mahahalata mong admirer niya. Eh naghintay ba naman dito."

Boom!

"P'wede ba? Kung isama niyo nalang siya d'yan sa inyo para hindi siya mailang? He did nothing! Bakit ganyan kayo makitungo sa kanya? He's just being friendly here!" Why so rude. My goodness. "T'saka p'wede ba 'wag kayong maging bastos sa kaibigan ko? Siya ang tumulong sa akin sa church para ma-i-boost 'yung confidence ko dahil wala akong ka-close. Wala kayo. Kaya p'wede ba?"

Halata sa hitsura ko na galit ako. Minsan lang akong mag ganito at alam nila iyan.

Minsan na rin kase kaming nag-away ni Kaizen at saksi ang mga iba kong pinsan sa pagtatalo namin. Never pang nagdilim ang paningin ko pero no'ng time na 'yun, parang 'di na ako makilala. Ngayon, nag-u-umpisa na naman.

"Cleon." Nilahad ni Cleon iyong kamay niya. Siya talaga ang maasahan ko sa mga pinsan ko. Nadala nalang siguro siya ng kabaliwan ng mga iba kong pinsan.

Sumunod na ang iba. Hindi pa rin ako natinag. Gan'on pa rin ang ekspresyon ko. Kase kapag bumalik ako sa dati, babalik din sila sa dati. Iisipin na nagbibiro lang ako.

No'ng natapos na ay medyo napangiti ako pero 'di ko iyon pinakita sa kanila. Itinaas ko iyong kilay ko.

"Bibili lang ako ng pulutan!" si Cleon.

We Shouldn't Be (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon