Chapter 4

81 10 0
                                    

Minulat ko na ang mata ko no'ng marinig na tumunog ang alarm clock. Gusto ko pa sanang matulog pero s'yempre nakakahiya naman kay Creston!

Pagkabangon ko ay siya namang lumabas si Creston mula sa banyo. Nakatapis lang siya ng tuwalya at walang damit sa pang itaas. Diretso akong tumakbo ng banyo para maiwasan iyon. Ugh!

Nagmamadali akong maligo. Saglit lang naman ako naging komportable sa bahay nila. Napatingin ako sa desenyo ng banyo. Pati yata ito ay pinag-isipan talagang gawin.

Magsa-shampoo na sana ako kaya lang nakita kong panlalaki ito. Naghanap pa ako ng ibang pwedeng magamit pero panlalaki talaga itong mga 'to. Wala namang masama kung gagamitin 'diba? If sakaling may maka-amoy sa akin sa school, sasabihin ko nalang na ginamit ko 'yung kay daddy.

What an excuse!

"Shan?" napatili ako no'ng kumatok si Creston.

"Bakit?! Naliligo ako!"

Humagalpak siya. "Akala mo naman papasok ako! Eto iiwan ko dito sa harap 'yung shampoo, sabon t'saka mga ibang gamit mo. Baba lang ako."

"Okay! Sige na! Umalis ka na d'yan!"

Pinakinggan ko munang mabuti 'yung labas at no'ng narinig ko ang kalabog ng pinto ay kinuha ko na ang mga gamit sa labas. Akala ko ay pinadala rin iyon ni mommy ngunit iba kase ito. T'saka halatang bagong bili dahil hindi pa nabubuksan. Parang binagsakan ng martilyo ang buong katawan ko. Saglit akong napatulala doon.

Shower gel na 1000 ml lavander scent. Doon palang ay natigilan na ako. Seryoso ba s'ya d'yan? Gan'on na ba siya kayaman para lang magwaldas ng pera sa hindi namang mahalagang bagay?

Hindi naman ako maarte at isang safeguard at shampoong palmolive lang ay kuntento na ako! Oo nga't body wash 'yung gamit ko sa bahay pero naranasan ko na ring magnormal na sabon lang.

T'saka kung bibili siya ng shower gel, 'yung sanang maliit nalang! Mauubos ko ba ang isang 'to ngayong araw na 'to?

Tapos 'yung tresemme shampoo. Ang mahal nito! Pero buti at ilang ml lang pero at least 'diba? Kuntento na ako sa tresemme shampoo ngunit may pahabol pang keratin, conditioner at treatment. 'Yung totoo?

May bagong toothbrush din ako at sa tingin ko'y mahal din ito. May listerine mouthwash at mamahaling toothpaste rin doon. May sanitizer, tissue, bulak, cotton buds, alcohol, powder, perfume, roll on, lip balm, cream sa mukha at lotion.

Para akong naglipat bahay dito!

'Yung huling bagay ay napapikit na talaga ako. Hinarap ko ang sarili ko sa salamin dito sa loob ng banyo at pulang pula ako sa kahihiyan. B'wisit talagang Creston, hindi talaga siya marunong makaramdam!

Kinikilabutan ako habang hinahawakan ang napkin with wings t'saka panty liner. 'Yung totoo? Anong gagawin ko sa napkin niya?

Ugh! Imbis na kung ano pa ang gawin ko ay naligo nalang ako. Ayoko ng ganito at baka magka-utang na loob pa ako sa kanya! Hindi ko hiningi ang mga 'to at kuntento na ako sa kung anong meron siya rito sa banyo even pang lalaki! Kaya ko naman tiisin dahil isang araw lang naman!

Baka singilin niya ako sa susunod, ang mahal pa naman nito! Anong gagawin ko sa mga 'to? Lahat bago at alam kong galing watsons dahil may tag price pa ito. So paano niya nabili 'yon? Bukas na ba ang mall ng ganitong oras?

Napahilamos nalang akong muli sa mukha. No'ng natapos na ako ay huli na nang mapagtanto kong sa dami ng gamit na binigay niya, wala akong damit! Putek! Kamalasan naman!

"Creston?!" tawag ko. Baka nasa labas siya.

"Creston?!" ulit ko. Pero walang sumasagot. Siguro'y nasa baba pa. Agad kong sinuot ang robe t'saka lumabas. Hinanap ko 'yung paper bag na pinadala ni mommy at habang kasalukuyang hinahalughog 'yon, biglang bumukas ang pinto.

We Shouldn't Be (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon