Chapter 3

83 7 0
                                    

Sumunod ako sa kanya patungong kusina. Pina-upo niya ako sa high chair at binigyan ng pasta.

"Kumakain ka nito?" tanong niya habang nilalagyan niya ang pinggan ko.

Tumawa ako. "Aba? Hindi naman ako maarte sa pagkain."

"Malay ko ba. Baka mamaya pinapakain kitang ganito, allergic ka pala. Kasalanan ko pa."

T'saka ka maawa sa akin? Umirap ako.

"Kuyaaa!"

Sinapo ni kuya—err~ ni Creston ang kanyang noo nang sumulpot ulit si Isaiah .

"Kadiri ka bro. Pa-kuya kuya ka kase may bisita. Pero kapag—"

"Nah. Kukuha lang ako ng miryenda. Dami mo pang sinasabi e." bored na utas ni Isaiah.

"Hey! Pinaluto ko 'yan para kay Shan tapos kukunin mo lang?"

Humarap siya sa akin at nagpuppy eyes. Tumawa ako. Grabe oo na at ang cute niya!

"Okay lang ano ba! Sige kumuha ka na."

Humarap siya kay Creston at nag ngiting tagumpay. "Narinig mo 'yun?" natatawang asar niya sa kapatid.

Bumaling sa akin si Creston dala ang matang nagbabanta. "Shan."

"Pero joke lang! Sige sa'yo na Shan. Pakabusog ka!"

Akala ko aakyat na siya ulit sa taas ngunit umupo lang siya sa aking harapan. Nagsalumbaba at tiningnan ako. Hindi tuloy ako makakain ng maayos.

"Alam mo? Sa tingin ko mas bagay mo ang hindi naka salamin." Akma na niyang tatanggalin ang aking salamin nang pigilan siya ni Creston.

"Badtrip ka naman bro e!" pagrereklamo ng kanyang kapatid.

"Aish! Ang gulo mo!"

Hinila ako ni Creston at kinuha niya ang kinakain ko. Umakyat kami sa hagdanan at alam ko na kung saan niya ako dadalhin.

"Hoy Creston Dairus! Sisilipin ko kayo mamaya at kapag may nakita akong 'di ka-nais nais, malalagot ka talaga kay mama."

"Shut up!" sigaw ni Creston sa kapatid niya sa baba.

"Alam mo? H'wag kang lalapit sa lalaking 'yun. Playboy 'yun. Biruin mo liligawan ka niya agad kakakita niyo palang?" aniya habang binubuksan ang pinto.

"At least hindi nagmumura." Tumawa ako at siya'y bumusangot ulit. Hindi ko talaga ma-imagine na nagmura siya kanina. Nagulat talaga ako. "T'saka para namang magpapaligaw ako 'no?"

"Aba dapat lang na hindi! You're too young. Study first."

Para namang sobrang bata ko. Ngumuso ako. Tumingin tingin nalang ako sa paligid. Ang manly naman masyado ng kwarto niya. Cream and wood ang theme at hindi ko mapigilang humanga. Ang linis naman ng k'warto nito. Daig pa ang akin.

"Hindi yata siya uma-attend sa church?" tanong ko at umupo sa sofa na naroon.

"Bakit? Do you want to see him every thursday and sunday?" umupo siya sa harapan ko at pinanood akong kumakain.

"Ano ba? Don't stare at me!" parang wala siyang narinig dahil binaliwala niya lang ako.

Bumuntong hininga siya. "Sa ibang church siya uma-attend. Kung saan 'yung barkada niya. Baka nga kaya lang 'yon nagsisimba dahil naroon ang barkada niya. Tss."

"Saan siya nag-aaral? 1st year college? Anong course?"

"Just shut up. Why are you interested in his life? You just met couple of minutes ago."

We Shouldn't Be (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon